Five (WARNING RATED SPG, KUNG HINDI KAYANG MAGBASA NG GANITONG KWENTO, THEN STOP) THANK YOU.

1034 Words
Five Parang ang hirap paniwalaan. Habang binabaybay ko ang pasilyo patungo sa isang condominium na hindi ko alam na pagmamay-ari ng asawa ko at ng babaeng ibinabahay nito rito. Gusto kong makita ng personal, gusto kong makita ng mga mata ko dahil hirap akong unawain ang lahat ng sinabi ni May. Nanginginig ang buong katawan ko habang pinipindot ang code ng pinto na ibinigay mismo ni May. Dahan-dahan akong pumasok, pinipigil ang luha. Kagat-kagat ang labi para mapigil ang paghagulgol. Unang tumambad sa akin ang pinaghubaran ng asawa ko, pati sapatos ay mukhang initsa na lang sa pagmamadali. Pati damit ng babae na nakasabit sa sofa. Dinig ko mula sa sala ang lakas na ungol nilang dalawa. Ang pagbabanggan ng katawan nila. I'm trembling with so much emotion. "Gosh, Brent! Faster! Oh gosh, ahhh" malakas na ungol ng babae mula sa isang silid. Humakbang ako palapit doon. Bukas na bukas ang pinto bahagya akong sumilip doon. Hindi nila pansin ang presensya ko dahil busy sila sa makamundong gawain. Sobrang sakit, paano na gawa ng mga taong pinagkatiwalaan ko ang ganito sa akin. Inilabas ko ang cellphone ko at tahimik na kinuhanan ang mga ito ng video. Hindi nila pwedeng gawin sa akin to. Higit sa lahat ng tao sila ang pinagkatiwalaan ko. Paano na lang kami ng anak ko? I trusted my husband. Pero sinira nito ang tiwala ko rito. Hindi naging sapat na mahal ko s'ya at ginagawa ang lahat para sa pamilya namin. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko. Pero pinigil ko ang magwala sa lugar na ito. Nasa utak ko si Apple na nakangiti, masaya dahil may buo kaming pamilya. Pero dahil sobrang sakit na makita ang mga ito sa ganoong tagpo dahan-dahan akong umalis at nilisan ang lugar. Bilib nga ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang makalayo sa lugar na iyon. Kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko sa sobrang panghihina. Mabilis akong sumakay ng kotse. Hindi ko muna minaneho ang sasakyan isineve ko ang video saka hinide ang file. Naglagay rin ako ng password para hindi makita ng anak ko saka ko pinatakbo nang mabilis ang sasakyan. Then I remember someone. Tinawagan ko ito. "Heay! Lisse, you okay?" worried na tanong ng isa sa mga naging kaibigan ni Brent. Si Zack, kaibigan ko rin ito pero simula nang magkaroon nang pagtatalo sa pagitan nito at ni Brent ayaw na ni Brent na makipag-ugnayan kami rito. "H-elp me, Zack!" nanginginig pa pati boses nang magsalita. "Why? What's wrong?" tarantang tanong nito. "Brent is cheating on me!" umiiyak kong sabi rito. Habang patuloy na nagmamaneho nang mabilis. Tulirong-tuliro dahil sa mga larawan sa aking isipan. Ang mga pawisan nilang katawan, ang mga ungol nilang dalawa---ang tagpo sa condo na iyon na hindi ko alam na naging tagpuan nila nang palihim. Nakakadiri sila. Nagawa nila akong pagmukaing tanga, habang sila masayang-masaya. Paano na lang ako at ang anak ko? Mawawasak ang pamilyang mayroon ako na ayaw kong maranasan dahil ganoon ang dinanas ko. "What? No, mahal na mahal ka ni Brent. Paanong magche-cheat?" Worried na sabi nito. Alam din ni Zack ang mga pagsubok na napagtagumpayan namin dahil sa pagmamahalan namin kaya marahil pati ito hindi iyon kayang i-absurb. "'Yon din 'yong akala ko. Akala ko kapag mahal namin ang isa't isa ay hindi n'ya magagawa sa akin ito! Hindi n'ya ako lolokohin pero nakita ko, eh! Kitang-kita ko!" "Sure ka ba d'yan? Nasaan ka?" tanong nito. Tiyak na natataranta rin ito. "Pauwi na ako sa bahay, kukunin ko 'yong anak ko." Determinadong ani ko rito. Hindi ko hahayaan na maranasan nang anak ko kung ano 'yong naranasan ko sa kamay ng ama n'ya. "God, pag-usapan n'yo muna 'yan!" ani nito sa akin. No, wala na kaming dapat pang pag-usapan. Kitang-kita ko na ang evidence na nag-cheat s'ya. Alam ko nang nakapili na s'ya, pinili n'yang lokohin kami ng anak n'ya. "I don't know, pero ang sigurado ako magbabayad sila sa ginawa nila sa akin!" ani ko na patuloy pa rin ang pag-agos ng luha. "Sinong sila? Kilala ko ba? Nagmamaneho ka ba? Huminto ka muna, baka mapaano ka d'yan pupuntahan kita!" frantic na hiyaw nito. "S--obrang sakit, Zack. Na---gawa nila akong pagmukaing tanga! Pinaglaruan nila ako! Mga hayop sila!" mas tumulin pa ang takbo ng sasakyan, nabablanko ako. "Lisse, I'm so f*****g worried! Kumalma ka!" "I s-aw them, f*****g! Tang*na sobrang sakit!" pinahid ko ang luha ko ngunit mabilis din nabasa nang panibagong luha. "Sino? Sabihin mo sa akin!" ani ni Zack. Alam kong mapagkakatiwalaan ko ito, after all, hindi lang naman si Brent ang kaibigan nito. Ako rin. "S--hane!" bulong ko rito. Narinig ko pa ang malutong na mura na umalpas sa bibig nito. Nabablangko ako kaya 'di ko na napansin na nasa intersection na ako sa tulin ng takbo ko naramdaman ko na lang ang malakas na impact ng sasakyan na bumungo sa kotse. Narinig ko pa ang takot na tinig ni Zack sa kabilang linya. Then everything turned black. --- "Manang, wala pa ba si Melisse? Hindi ba nagsabi kung saan pumunta?" worried na tanong ko sa kasambahay. Nakailang tanong na ako rito. Pero paulit-ulit lang ang naging tugon nito sa akin. Dumating ako kagabi, actually sobrang aga ko ngayon. Plano ko nga sanang surpresahin ito pero inabot na ako ng ala-una sa paghihintay pero walang Melisse na umuwi. Hindi ako pumasok ng office, hinintay ko na makauwi ang asawa ko pero wala. Kung sino-sino na ang tinawagan ko pero bigo ako. Ilang araw ang lumipas. Hanggang sa isang tawag mula sa dati kong kaibigan ang na tanggap ko. "Z-ack?" takang sagot ko sa tawag nito. "Your wife is here in the hospital. She's in coma, Brent!" parang bombang isinambulat iyon ni Zack sa akin. "W--hat?" halos manlambot ako sa na rinig ko mula rito. "Pumunta ka na rito!" mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at patakbong lumabas ng bahay at lumulan doon. Hindi ko na pinansin ang mga tanong ng kasambahay. Sa hospital na pag-aari ni Zack ko matatagpuan ang asawa ko na ayon dito ay ilang araw na roon. Wala na akong pakialam kung may nava-violate akong batas. Basta ang nasa isip ko kailangan kong puntahan ang asawa ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD