Four (WARNING RATED SPG, KUNG HINDI KAYANG MAGBASA NG GANITONG KWENTO, THEN STOP) THANK YOU.

1235 Words
Four "What's wrong with you? Kung hindi pa nadulas ang dila ni May sa akin kanina hindi ko pa malalaman na pinababantayan mo ako sa kanya?" kauuwi lang ni Brent. Nagulat pa tuloy kami ng anak ko na nasa sala at nanonood ng favorite show nito. Sa biglang pagkompronta nito sa akin. "Daddy, are you angry?" tanong ng anak namin na titig na titig sa Daddy nito. Saka lang napansin ni Brent na naroon si Apple kaya sumenyas ito sa Yaya Divine na iakyat sa kwarto ang bata. Nang maialis ang anak namin hinila ako nito patungo sa library ng bahay. Sobrang init ng ulo nito dahil sa ginawa ko. "Ano bang problema mo, Lisse? Nagtratrabaho ako, pero 'yong utak mo iba ang tinatakbo! Ano na lang ang iisipin ng iba? Na ganoon akong klase ng tao? Na kaya kitang lokohin---my God! Lisse, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang lokohin ka!" frustrated na ani nito."Pagod na pagod ako sa trabaho habang ikaw iniisip mo pa na nagloloko ako!" Halatang nga, mukhang nagpatong-patong na ang stress nito kaya sa akin nito nailabas. . "I-m s--orry! I'm sorry, Love. Hindi ko sinasadya. Nawalan ka na kasi ng oras sa amin ng anak mo! Na first time na nangyari sa tagal na nating nagsasama!" sabi ko rito na yumakap nang mahigpit dito. Sinabi ko rin dito ang mga nakita ko sa gamit nito. Habang patuloy na umiiyak. I know, mali na isipin ko iyon dahil lang sa mga nakita ko. "My God! Pwede mo akong tanungin about that!" hiyaw nito. Napakislot ako sa takot dahil hindi ako sanay na ganito ito sa akin."That flower---ibinigay ko 'yon sa isang employee ko na matagal na sa company na nag-retire na. Ano ka ba, Melisse? Alam mong tambak ang trabaho sa office! Hindi lang para sa akin 'yong ginagawa ko!" sabi nito. Naluluhang tumango ako rito. I know my mistake. "I'm sorry, okay? Hindi ko rin naman gusto itong nararamdaman kong ito! Takot na takot lang ako na mawala ka kasi mahal na mahal kita, Brent!" ani ko na patuloy na umaagos ang luha. "And I love you too. I'm sorry kung nagalit ako sa 'yo, sadyang hindi ko lang nagustuhan na pinababantayan mo ako sa secretary ko!" sabi nito saka hinaplos ang pisngi ko. Bakit ba kasi umabot ako sa ganitong mindset? Alam ko namang mahal ako nito. Ang tagal na namin, ngayon pa ba naman ako magdududa sa pagmamahal nito? "Sorry, hindi na mauulit!" umiiyak kong sabi. Tumango ito at mahigpit na ring yumakap sa akin. "I'm sorry rin dahil nasigawan kita, and I think I need to apologise too to our daughter!" naiiyak pa rin ako nang tumango at yumakap muli rito. "Stop crying na, mahal kita!" sabi nito sa akin. Saka humalik sa aking noo. Lisse, isipin mo na lang na mahal na mahal n'yo ang isa't isa at malabo nitong magawa sa iyo iyon. Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Nakaka-praning lang talaga. --- "Oh! Mukhang masayang-masaya ka ah!" biro ni Shane nang sagutin ko ang tawag nito. Blooming na blooming talaga ang gaga. "Oo naman, okay na kami ng asawa ko!" nakangising ani ko sa kaibigan. "Oh, really? Good for you! Ikaw naman kasi, eh!" paninisi nito. "Oo na,mali ko na." Pag-amin ko sa nagawang pagkakamali. Hindi ko na dedepensahan pa ang sarili ko. Nagtratrabaho ang asawa ko tapos may ganoong thoughts ako sa kanya. Maling-mali. "Mukhang blooming ka, ah!" sabi ko rito. Para ilihis ang usapan. "Aba'y syempre sinong hindi magiging blooming alagang-alaga ako ng jowa ko! Girl, mahal na mahal ako!" sabi nito na kinikilig pa. Mukhang naka tagpo ito ng lalaking aalagaan talaga ito sa katauhan ni Adam. "Nandyan na naman ba 'yang jowa mo na 'yan?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito. "Wala, mamaya pa ang dating n'ya!" sabi nito na halatang masayang-masaya. "I'm happy for you, Shane. You deserve it!" daig ko pa ang ate na galak na galak sa babae. "Yeah, I know!" sabi nito sabay bungisngis pa. "Ingat ka palagi d'yan!" bilin ko rito. "Oo naman, I miss you and Apple! Soon, uuwi ako d'yan. Ki-kidnap-in ko 'yong anak mo." Nailing na lang ako sa biro nito. Nagpaalam na rin ako agad dito nang makitang lumabas ng kwarto si Apple. "Nak?" "M-ommy, what is this?" iniabot nito sa akin ang isang larawan. "It's Daddy, right? He's sooo pogi, 'no?" natutop ko ang bibig ko nang makita ko ang larawan na iniabot nito. My husband laying on the bed with a girl na nakasubsob ang mukha sa leeg nito. I can't see her face pero kitang-kita ko ang mukha ng asawa ko. Tiyak ako na kailan lang ang larawan, nasa bakasyon kami no'n ayon sa date na nakalagay sa picture. At tiyak ako na hindi ako ang yakap-yakap nito. "G--o to your Yaya muna, anak!" Nanginginig ang boses na sabi ko rito. Hindi ko makontrol ang panginginig ng kamay ko. "Why mommy, are you okay?" worried na tanong nito. Mabilis akong tumango. Ayokong madamay ang anak ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon kaya naman malakas kong tinawag ang Yaya nito at pinakuha si Apple na halatang naguguluhan, narinig ko pa itong tinatanong kong okay lang daw ba ako. Dumeretso ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Iyak ako nang iyak habang mahigpit ang hawak sa larawan na halos malukot na. Tama ako, tama ako na nagloloko ang asawa ko! Bakit mo nagawa sa akin ito Brent? Ano pang kulang para gawin mo ito sa akin? Umiiyak kong tanong habang titig na titig sa larawan. I need to know who's this woman. My husband cheated on me. At ang anak ko pa ang nakakita no'n. Hindi ako papayag na gaguhin ako ng asawa ko. Hindi pwede ito. Pinahid ko ang luha ko at mabilis na nagtungo sa banyo. Naligo at nag-ayos ng sarili. Pupunta ako sa company, it's my company na pinamamahalaan nito. Ipinagkatiwala ko ang company na ibinigay ni Papa sa akin dahil mas pinili kong tumutok sa pag-aalaga sa pamilya ko. Naiwan si Apple sa Yaya nito. Saka ako nagtungo sa office. Nagdala ako ng lunch nito para may excuse ako sa pagpunta roon. Pero walang Brent na abala sa trabaho ang nadatnan ko. Kung 'di ang secretary nito na gulat na gulat nang makita ako. "Where is my husband?" seryoso kong tanong para iparamdam dito ang authority ko sa company na ito. "Ma'am?" halatang kabado, halatang may itinatago. S'ya ba? S'ya ba ang kabit ng asawa ko? "May, alam kong may alam ka. Kung magkano ang binabayad ng asawa ko sa 'yo tritriplihin ko pa. Ako ang magpapagamot sa kapatid mo, lahat ng kailangan nyo ibibigay ko---sabihin mo lang ang lahat ng alam mo! Kung 'di tatanggalin kita sa company ko!" galit ako. Kahit pa secretary lang ito, hindi ko mapigil ang magtanim ng sama ng loob dahil alam nito ang ginagawa ng asawa ko pero pinagtatakpan nito. "M-aam, 'wag po! Sasabihin ko po sa inyo ang totoo! 'Wag n'yo lang po akong tanggalin, ayoko naman po talagang gawin 'yong mga sinasabi ni Sir Brent kaso pinagbabantaan n'ya ako! Ma'am, kailangang-kailangan ko po ng trabaho, tulungan n'yo po ako at sa inyo ang loyalty ko!" umiiyak na sabi nito sabay luhod sa harapan ko. "Then tell me, May. Ano ang nalalaman mo?" mariin kong tanong dito. Kahit gusto kong kalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Galit ako, nagpupuyos ang kalooban ko sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD