KABANATA 15 "WHAT ARE you still doing here? You should sit next to the target, not here." Pasimpleng sermon at sita ni Israel kay Celeste nang maupo ito malapit sa kaniya, sa couch na nasa sulok ng silid. Ang mga babaeng kasama at katabi nito kanina ay umalis lang sandali para kumuha sa bar counter ng maiinom pa nila. Prenteng naupo pa rin si Celeste habang hawak ang kopita ng alak na may lemon sa gilid. "Pwede ba? Kumalma ka? Nag-iipon pa ng lakas ng loob 'yung tao, tignan mo naman 'yang pinsan mo, tinginan pa lang manyak na manyak na." Mahinang bulong niya rito habang ang atensyon ay gumagala sa paligid. "Kinokondisyon ko lang ang sarili kong h'wag makasampal ng manyakis kapag nademonyo siya at pinalo-palo rin ang pwet ko, gaya ng ginagawa niya ngayon sa mga babaeng 'yan." Nagli

