KABANATA 16 HALOS SUMIGAW at tumili sa kaloob-looban niya si Celeste dahil naiwan siya ngayong mag-isa sa puder ni Winston Denver. "Talagang iniwan ako ng siraulong 'yon? Hindi ako makapaniwala, ang ganda ganda pa naman ng usapan namin na palagi siyang nakabuntot sa 'kin kahit nasa sulok lang siya. I really can't believe this! Unang gabi pa lang ng kasunduan ay hindi ko na nagugustuhan ang mga kaganapan ha!" Ngayon ay nasa comfort room siya at ilang minuto nang tahimik na nagwawala sa harap ng salamin. Pinaypayan niya ang sarili at pinilit kumalma. "Okay, gagalingan ko na lang para makaalis na ako kaagad dito. No s****l intercourse involved, pwedeng hawak hawak pero walang maghuhubad. Maliligo na lang ako at magkukuskos nang todo mamaya paguwi." Ilang beses pa siyang lumunok bago ina

