KABANATA 17 "WHAT?!" Halos mapangiwi ang bibig at mapaurong ng upo sa sulok ng pinto ng kotse si Celeste nang maikuwento ang lahat ng nangyari at takbo ng naging kuwentuhan nila ni Winston Denver. "Anong ex-situationship, and what the hell is situationship? Masyado nang malayo ang narating ng pag-iiba mo sa mga plano natin." Gulat na gulat pa rin na singhal nito sa kaniya. Nasa sasakyan sila ngayon at patungo na sa rest house ni Israel Guillanes, hatinggabi na at kailangan niya lang magbihis ng damit bago umuwi sa Hillcrest. "At kailan ko pa inaprubahan na pwede mong gawin 'yan sa mga napagusapan nating details ng mga mangyayari at sasabihin mo? E 'di sana hindi na tayo nagplano pa kung may sarili ka namang plano?" "Pwede ba! Relax! Chill!" Pairap na saway ni Celeste sa binata saka pin

