KABANATA 18 NAMILOG ang mga mata ni Celeste nang marinig 'yon at napatakip pa ng palad sa bibig. Napagtanto niyang hindi nagbibiro ang kasama at talagang lasing na nagsasalita. "So, what's my name? Sino ang kausap mo? Ex-girlfriend mo ba?" Natatawang pang uusisa niya pa gayong alam niyang wala naman sa sarili ang kasama. "I was the one ba who left you before or ikaw dahil nambabae ka?" Umungol lang ito nang mahina at tila nilalabanan ang antok habang nakayakap pa rin nang komportable at mahigpit kay Celeste. Napakurap kurap na lamang ang dalaga at tinigilan na ang pagbibiro rito. Nagbaba siya ng tingin sa binata at bahagyang pinagmasdan ang facial features nito. Sa malapitan ay napatitig siya sa mga pilikmata nitong mahahaba, matangos ang ilong na para bang may lahing dayuhan, ang p

