KABANATA 8 ANG LAHAT sa kanila ay inutusan na magsuot ng pinakamalinis at magandang uniporme sa bahay-ampunan, hindi rin matigil ang pagbulong ng mga madre sa lahat na ayusin at linisin ang paligid, na dapat ay walang kalat na makikita at halos pakintabin ang hitsura ng buong paligid. Dumating ang apo ng pinakasikat at mayamang pamilya sa lugar, si Israel Guillanes. Kasama ang napakarami nitong bodyguard na pare-parehong matitikas ang tindig at naka-tuxedo na suot. "Walang duda, napaka-gwapo talaga..." halos mamatay sa kilig na impit na bulong ni Cherry sa katabing si Celeste. Siniko-siko niya pa ito nang hindi kaagad makakuha ng sagot o pag-sang ayon. "Hindi ba't nabanggit mo sa 'min noon na nagkakilala na kayo ni Israel?" Mariing napapikit si Celeste nang maalalang ginawa niya nga i

