KABANATA 7 "Sino 'yong mga bisitang dumating noong nakaraan? Nakita niyo ba?" Pangungulit ni Celeste sa mga kaibigan niya habang nagti-trim ng mga halaman sa bakuran. Hindi siya mapakali. Hindi talaga kahit anong subok niyang gawin 'yon! "Hindi mo ba nakita? Ay, oo nga pala at umalis ka noon!" "Oo, hinahanap ko pa rin ang parents ko sa tuwing aalis ako rito." Ani Celeste saka mas lalong tumabi kay Helena at Cherry. "Mabuti ka nga pinapayagan lumabas-labas." "Kapag pinayagan ba tayo, anong gagawin natin sa labas ng Hillcrest?" Natatawang segunda ni Helena rito. "Hindi naman tayo kasing-yaman nitong si Cel." Napakurap si Celeste at itinagilid ang kaniyang ulo. "Talaga, hindi kayo nakakalabas dito kahit magpaalam kayo?" Gulat na tinignan niya ang mga ito. "Ipapasyal ko kayo minsan!"

