KABANATA 24 KINABUKASAN, mabigat na mabigat ang mga mata ni Celeste nang imulat niya ang mga ito. Madilim pa naman sa labas gaya ng naaninag niya sa malaking bintana ng kanilang silid, abala ang ibang kasamahan nila sa kwarto sa paghahanda ng sarili para sa panibagong araw. Pero ang napansin niya sa katabi ng kaniyang kama ay si Helena. Nakaluhod ito sa sahig habang nakatagilid mula sa kaniyang pwesto. May kaunting ilaw mula sa hinahawakan nitong kung ano at namatay rin maya-maya, saka nakita ni Celeste na inilapag ni Helena pabalik ang telepono niya sa tabi ng kaniyang unan. Nabigla pa nga ito nang mapansin na gising na pala siya at nahihirapan lang magmulat ng mga mata. "Cel! Gising ka na pala! Tinignan ko lang 'yung oras sa phone mo... ayaw ko kasi sana na gisingin ka nang mas maa

