KABANATA 25 "Hello, hello! Long time no see, children!" Bati ni Esther sa lahat. Saka ito marahang tumawa. "Oh, I am so, so, sorry to call some of you 'children', ang iba pala ay above 18 years old na, pero as you all know ay naging malapit na kayo sa puso namin. Lalo na ako, at ang tingin ko talaga sa inyong lahat ay mga munting anghel." Naupo ang lahat sa kanila sa harapan habang may hawak lang na mikropono si Esther. "Ang bait bait talaga ng boses niya..." dinig ni Celeste na komento ng nakangiting katabi, hindi niya kilala pero nilingon niya ito para pakinggan pa. "Sa lahat ng mga Guillanes ay siya lang ang may tyaga na bumisita nang walang patid at palya rito sa Hillcrest. Palagi niya pang chinicheck isa-isa ang bawat isa, pisikal! Sinisiguro niyang ayos ang lahat, gano'n siya kab

