KABANATA 2

2045 Words
KABANATA 2 "DITO na lang ako. Thank you so much, sana mabayaran kita kapag may next time pa na nagkita tayo." Walang kagana-gana na pasasalamat ni Celeste sa kaibigan niya habang ibinababa ang mga gamit na dala mula sa compartment ng sasakyan nito. Nameywang ang kaibigang babae at malalim na bumuntonghininga. "On the other hand, masyado na pala 'kong maraming nailibre sa 'yo since the day that we've met. So, basically bayad na ako agad sa favor mo na 'to." Bawi ni Celeste. Napairap ang kaibigan at maya-maya ay nagsisinghot. Nagpupunas ng luha. "Anong iniiyak mo riyan?" Nakasimangot na puna ni Celeste habang isinusuot ang denim jacket niya. "Wala lang. Kahit kasi maldita ka at hindi ka pumapasok sa classes natin nitong mga nakaraan, naging close friend talaga kita sa university. Marami na tayong memories together at... shared secrets! Why do you have to leave ba? What if kulitin ako ng parents mo, or ipapulis ako kapag hindi ako nag-talk about your whereabouts?" "Just say that you do not know anything, na wala kang pakialam sa 'kin kaya hindi mo alam. Easy!" "That's it?! No!" "Sige na, aalis na ang barko, I have to go!" Nagyakapan silang dalawa at hindi na nilingon pa ni Celeste ang kaibigan. Pati na ang lugar. Hinawakan niya nang mahigpit ang ticket, pati ang papel na may mini map ng lugar sa kung saan niya balak magtungo. Ayaw niya na sa Maynila, ayaw niya na rin sa pamilyang kinalakihan niya. Alam niyang masyado pa siyang bata sa edad na 19 kaya padalos-dalos sa mga desisyon... pero sigurado siyang ayaw niya nang ipagsiksikan ang sarili sa pamilyang hindi niya kadugo. O deep inside, hindi lang maamin sa sarili... pangarap niya ring mahanap ang tunay niyang mga magulang. MATAPOS ang napakahabang oras ng byahe ay nakipagsiksikan siya sa maraming tao para makaalis ng pier at makahanap ng masasakyang taxi papunta sa address na pakay. Pero bigo, sa bayan na binabaan niya ay halos tricycle at karag-karag na jeepney lang ang mayroon, may bus pero hindi airconditioned, mga bagay na hinding-hindi siya sanay na sakyan dahil anak-mayaman siya mula pagkapanganak. "Excuse me... I'm looking for this address, do you know how to go to this location from here?" Napatigil sa paglalakad ang babaeng may bitbit na bilao ng mga kakanin saka pinakatitigan siya mabuti, iniisip kung ano ang mga nauna niyang sinabi habang tinuturo ang maliit na piraso ng papel. "Ha?" "Kung alam niyo ho ba ang address na 'to, paano pumunta rito." Nauubusan ng pasensya na aniya. Napaangat ng kilay ang kausap. "Aba'y suplada... hindi ka taga-rito, ano? Bagong salta?" "Hinahanap ko rin ang mga tao na 'to. Kung kilala mo, sabihin mo sa akin." Halos manginig ang mga kamay habang pinakikita ang litrato ng mga magulang niya. Malabong pictures, malayo pa sa kamera ang mga naroon kaya hindi agad mamukhaan, pero umaasa siyang mga magulang niya 'yon dahil ang private investigator niya mismo ang nakakalap ng impormasyon na 'yon. Nasa Batanes siya ngayon para hanapin ang mga magulang niya. Totoong mga magulang. "If you happen to know them, well... I'll pay you in exchange of the info!" Limited amount lang ang dala niyang pera, ipon niya pa 'yon mula sa allowances para sa ganitong pagkakataon at hindi niya alam kung hanggang kailan niya magagamit. "Akin na. Kilala ko ang mga 'yan." Mabilis pa sa hangin na hinablot nito ang litrato at papel ng address na ipinapakita ni Celeste, kaya naman halos tumigil ang t***k ng puso ng huli sa pagkasabik. "Talaga?" "Magkano?" Halos nagpa-panic na binitiwan ni Celeste ang hila-hilang maleta niya saka nagkalkal sa bitbit na mamahaling shoulder bag. "5,000 pesos? Is it enough? 15,000 pesos?" Ipinakikita pa lang niya ang tig-iisang libo ay kinuha na rin 'yon noong babae. "O-Okay na 'to... pero kung gusto mo pa dagdagan, sige lang!" Pinasunod siya nito sa kung saan, napunta sila sa malayong bayan na puro magkakalayong tagpi-tagping bahay, nakita niyang nagtipa sa hawak na cellphone ang babae kaya naman habang naglalakad ay naalala niya ang phone niya, nakita niyang tumatawag ang numero ng kaniyang Daddy pero pinatay rin ni Celeste 'yon at binali ang simcard pagkatanggal. May utang na loob siya sa mga ito pero pakiramdam niya ay mas magiging masaya ang pamilya nila kung wala na lang siya ro'n. Hindi naman din siya tunay na kadugo. Araw-araw niyang nakikita kung gaano kasaya ang buhay ni Jade dahil kasama nito ang mga magulang, gusto niyang maranasan din ang gano'n. Sigurado siyang kahit sinong 'inampon' lang ay gano'n din ang mararamdaman. Padilim na pagsipat niya sa kalangitan pero pagbalik niya ng tingin sa daan ay may sumalubong sa kanilang mga lalaki. Nagulat siya nang huminto ito para harangin siya mismo, inagaw ang hawak na maleta at nakaramdam ng matulis na bagay na dumikit sa kaniyang tagiliran. "Kahit sumigaw ka rito walang makakarinig sa 'yo, daanin na lang natin sa maayos na usapan." "A-Anong pinagsasabi mo, sino ba kayo!" Nilingon ni Celeste ang babaeng kasama kanina lang at nakitang dumidistansya na ito sa gilid, mabilisang itinatago ang hawak na pera sa bulsa ng suot na daster. "Magkakasabwat ba kayo! Sinungaling ka, nangako kang ituturo mo sa 'kin kung sa'n nakatira ang parents ko!" "Pereynts... ano ba ito, nag-english english pa. 'Wag ka mag-ingay!" "Mayaman ka naman at kung 'di mo nakikita eh mas nangangailangan kami kaysa sa 'yo, bumalik ka na lang sa lugar mo, paniguradong marami pa ro'ng pera. Barya lang 'to sa 'yo kaya ibigay mo na lang!" Natapos ang araw, kumagat ang dilim, na wala siyang napala. At na-zero pa ang wallet, pati ang bag at relo ay halos hindi itinira. Sinubukan niyang maghintay ng tricycle o dadaang pedicab sa main road pero halos wala na ring nagagawi sa lugar na 'yon nang ganoong oras. Naupo si Celeste sa ilalim ng street light na halos nanghihina na ang dilaw na liwanag sa kalumaan, itinukod ang mga siko sa magkabilang binti at nasabunutan ang sarili. Unang araw pa lang ay mukhang hindi na siya makaka-survive. Naiiyak at natatakot na niyakap niya ang sarili. Gusto lang naman niyang gawin ang sa tingin niyang bubuo sa pagkatao niya. "Malas!" Tumili siya nang pagkalakas-lakas at galit na itinuro ang langit. "Ikaw! Namumuro ka na! Napaghahalataang hindi mo ako favorite ever since! Kung totoo Ka, padalhan mo 'ko ng miracle!" Lumipas ang ilang segundo na walang nangyari, tanging kuliglig lang ang maririnig. "Kung totoo ka at ayaw mo sa 'kin, 'wag mo na lang akong pagtripan!!!" Saka siya tumili. Wala pang isang minuto nang masinagan siya ng head light, may paparating na sasakyang itim na ranger raptor paglingon niya sa kaliwang direksyon. Nagmamadaling tumayo siya at kumaway-kaway. Nakita niya ang driver malayo pa lang at umiling-iling sa kaniya na para bang walang balak na hintuan siya. Kaya naman out of adrenaline rush ay nahiga siya sa daan para lang huminto ito. "It's now or never, hindi ako matutulog dito sa daan tonight. Hintuan mo 'ko!" Napapreno nang 'di oras ang driver ng sasakyan at ilang segundo siyang binusinahan. Hindi siya tumayo hangga't hindi bumababa ang tao mula sa sasakyan. Nang makita niyang nagbukas ang pinto nito ay nakahinga nang maluwag si Celeste, pero nang makitang galit na galit ang awra nito habang nag-aalis ng suot na sumbrero ay itinago niya ang ngiti, nagpaawa. "What the hell do you think you're doing?! I'm running late for my show, get the hell out of my way!" Mula ulo hanggang paa, nahalata kaagad ni Celeste na iba ang lalaking kaharap sa mga taong nakatira sa bayan na pinanggalingan niya kanina. Ang pormahan na pantalon, branded rubber shoes, may brand din na white shirt at gintong kwintas sa leeg ay nagsusumigaw na parang taga-syudad ito. Idagdag pa ang humahalimuyak na pabango nito kahit ilang hakbang pa ang layo. Parang isa sa mga series ng men perfume ng Dior gaya na lang ng ginagamit ng Daddy niya, mahal 'yun! "So, you also know how to speak in english, hindi ka taga-rito!" "Anong tingin mo sa mga tao rito bobo?! Get out of my way!" "Wait, wait! Naholdap ako kanina, gusto ko lang makitawag, o magpahatid sa presinto, please!" "Anong klaseng modus 'yan, mukha ka pa namang disente sa suot mo. Ganiyan na ba kayo ka-lala ngayon-" "I don't live here, naholdap nga ako! Kaysa makipagtalo ka sa 'kin, at baka ma-late ka pa lalo, pagbigyan mo na 'ko!" Pilit niya. "Late ka na ba 'di ba?!" Ilang segundo siyang pinagmasdan ng lalaki. Doon napansin ni Celeste na parang 'di nalalayo ang edad nito sa kaniya, may lahing dayuhan! "f**k this shit." Napahilamos ng palad ang binata at itinuro siya. Nagbabanta. "If you ever do something to me inside my car, I just want you to be informed that I have a gun with me." "Ako nga ang hinoldap, bakit ko 'yon gagawin sa 'yo, sa ganda kong 'to?!" "I'm not even kidding." Itinaas nito ang white shirt saka ipinakita ang nakaipit na itim na baril sa beywang. Napalunok si Celeste. Mukhang siya pa nga dapat ngayon ang natatakot para sa buhay niya. "'Di ka ba natatakot, pa'no kung patayin kita ngayon, nakikisakay ka sa hindi mo naman kilala." Naiiritang saad ng binata pagkasara ng pinto ng sasakyan at lingunin ang ngayon ay katabing si Celeste sa passenger's seat. "Patayin mo na lang ako kaysa maraming makakita sa 'kin na I slept on the road the whole night. Nakakahiya 'yon." Sagot ni Celeste habang inaayos ang seatbelt niya. "Where do you live, hindi kita ihahatid sa bahay ninyo kung 'yun ang iniisip mo." "Talaga. Hindi mo naman din magagawa 'yon dahil Manila pa 'yon." Pinasadahan ng tingin ng binata si Celeste mula ulo hanggang sa mga mapuputing binti nito na kitang-kita mula sa suot na denim short skirt. Walang duda, taga-Maynila pa nga ang kausap. May hitsura naman, maganda ang hubog ng katawan at halatang anak-mayaman din gaya niya. Naisip niyang pasok din sa taste niya sa mga babae. "Do you mean you have nowhere to go tonight?" "Wala! Hindi ako kawawa pero minalas lang." "Ayaw mo lang aminin." "Sa pinakamalapit na police station na lang. H'wag mo na 'kong kausapin pa." "Magpapatulong ka ba sa panghoholdap na nangyari sa 'yo?" "Yup!" "They won't help you. Ngayon pa lang you think of another way na." Hindi makapaniwalang nilingon siya ni Celeste. "Ayaw mo lang akong ihatid, babayaran kita kapag nakapag-withdraw na ako-" "I don't need your money, believe me, I already have tons of that." Nakaangat ang noo na saad nito. "Pero hindi lang nagpapansin ang mga pulis ng mga krimen sa dulong mga bayan gaya ng pinanggalingan natin kanina." "But why!" "Well, that's reality. Hindi lahat ng pulis ay pulis na tumutulong sa mga kagaya mo. 'Yung iba ay gusto lang na nandoon sila dahil sa pera." Nagkibit-balikat lang ito. Nakaawang ang bibig ni Celeste at sinapo ng palad ang mukha nang mawalan ng pag-asa. Iniisip niya ang mga gamit, damit, cellphone, wallet na nakuha mula sa kaniya. Mamahalin ang mga 'yon, kahit 'yung bimpo lang niya ro'n! "So, saan na kita ihahatid, pwede bang bumaba ka na lang. Nagmamadali ako." "Fine." Wala ng energy na tugon ni Celeste, holding back her tears while looking away from the guy she was talking to. She hates to admit it but her father's words were true and accurate, ang daming manloloko para sa pera. "Alam mo naman kasing delikado ro'n, bakit nando'n ka." "Gusto ko lang hanapin ang parents ko. Malay ko ba." She sighed. "Iisip na lang ako ng paraan, I cannot go back to Manila yet." "Sa'n ka matutulog, wala kang pera. Hindi kita bibigyan kung hihingi ka man sa 'kin." Naiiritang nilingon niya ito. "Hindi naman ako manghihingi ng pera sa 'yo o kahit kanino! Hindi ako pinalaki ng Daddy ko na nagbe-beg para sa kahit ano!" Mahinang natawa ang binata. "Parang ayoko maniwala. Lahat ng nakilala kong babae, whenever we're having s*x, they all begged for me to-" "Ibang usapan na 'yan." Naiiling na tumawa ang binata saka may naisip na lugar kung saan ididiretso ang kawawang dalaga. Nakalimutan niya nang nagmamadali siya, o kinalimutan na nang tuluyan dahil kahit papaano, kahit hindi halata sa mga pananalita niya rito ay hindi niya rin naman hahayaang matulog sa kung sa'n lang ito at baka kung ano pa ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD