KABANATA 3

2018 Words
KABANATA 3 "Where are you taking me? Ibaba mo na 'ko." Bahagyang kinakabahan at nagtatapang-tapangan na saad ni Celeste sa katabi nang mapansing nagmamaneho pa rin ang binata. Kahit na sinabi niya naman nang pwede na siyang ibaba sa tabi kung hindi rin naman siya matutulungan ng mga nasa police station. "'Wag mo sabihing may baril ka, m-mayro'n din ako rito." "Quiet." Seryoso at nakapokus sa daan na tugon ng isa. "If I'd just base on your looks, mukhang lipstick at makeup lang ang kaya mong hawakan, hindi baril." She clenched her teeth. Totoo naman din pero nakakainsulto sa pandinig niya, ayaw niya talagang pinagmumukha siyang maarte noon pa kahit na maarte siyang lumaki dahil masyadong marangya ang buhay niya mula pagkabata. "Saka chill ka lang. May pagdadalhan ako sa 'yong lugar na pwede mong tulugan, baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo riyan sa daan at ako ang isumbong mo sa mga pulis kapag nagkataon." She over dramatically gasped. "Kung iniisip mong kagaya ako ng ibang babae riyan na bibigay sa 'yo dahil lalaki ka, it's a no! Pinalaki akong may class, sophisticated-" naputol ang pagbibilang nito sa mga daliri nang lingunin siya ng binata at tapunan ng masamang tingin. "Bibigay? Wala naman akong planong ganiyan. Anong tingin mo sa 'kin, pumapatol din sa mga basta-basta lang nakikilalang babae?" "Oo! Hindi na ako magugulat, I have the beauty and the body!" Niyayakap ang sariling sumiksik sa opposite na direksyon mula sa binatang nagmamaneho. "'Wag kang magkakamali, ibaba mo 'ko o tatalon ako?!" Hindi malaman kung tatawa o maiinis na ngumiwi ang binata rito saka nagbuga ng hangin. "I would rather have s*x with someone I know, na clean at tested," diin niya sa sinasabi, "kaysa dumale ng ngayon ko lang nakilala. At hindi ko alam kung..." "How dare you!? Do I look like someone na may STDs to you!?" "No. I was just saying na malinis ang intensyon ko kahit ako na ang inaabala mo ngayon." Mahinahon at nagtitimpi na sagot nito. Sanay siya sa mga babaeng malalambing at pinipilit maging soft-spoken para magmukhang seductive sa harapan niya, pero itong isang 'to na kasama niya ngayon ay parang nakalunok ng microphone sa pagpa-panic at pagpaparant. "So I would really appreciate it if you're just going to relax there, sit quietly, and-" Natigil siya sa sinasabi at malakas na napatili si Celeste nang biglang pinreno nito ang sasakyan. Pareho nilang nakita ang magarang sports car na biglang sumulpot sa kanilang harapan at huminto para humarang. Sumunod ang ilan pang magagandang sasakyan at tumutok sa bawat direksyon na pwedeng lusutan ng binata. "What's happening..." mahinang bulong ni Celeste habang kunot-noong nakatitig sa harapan. "Ferrari, Bugatti, Lamborghini, Maserati, Porsche... oh, I love the red one, do you know them?" Seryoso pa ring nakatitig ang binata sa harapan at nang magbuga ng buntonghininga ay nagtanggal ng seatbelt. "You, stay here." "Huh? Wait! Why-" Hindi siya nito pinansin pa at malakas na isinara ang pinto pagkalabas. Saktong kabababa lang din ng mga driver ng magagarang kotse kaya naman napaurong lalo ng upo si Celeste paharap habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Pinaningkitan ng mga mata ang mga lalaking may mayayabang na awra habang nakaismid sa papalapit na binatang kasama niya kanina lang. Ang agaw-pansin ay ang nasa gitnang lalaki. Naka-maskara ito ng puti at itim na smiley mask. "Ano naman kayang pinag-uusapan nila, pero in fairness looks like they all came from a well-off family. Ang mamahal ng mga kotse nila." Komento niya habang hindi kumukurap na tinititigan ang mga tao sa labas ng kotse. "Nakakainggit. BMW nga lang ayaw pa 'kong bilhan ni Daddy kahit umiyak ako ng dugo..." Pagkatapos ng ilang mga minuto ay nakita niyang tumawa-tawa ang kaharap ng binatang kasama niya lang kanina, ang ilan sa kanila ay may kinuhang mga kahon mula sa mga sasakyan na dala at inilapag sa harapan. "What are those things..." napasinghap siya nang matapos piliting silipin ang mga 'yon ay nakitang pumulot ang isa sa mga lalaki mula ro'n. "OMG, those look like drugs or something..." Lalo siyang nag-panic nang makitang sinuntok sa mukha ang binatang kasama niya lang kanina, pinalibutan ito at pinigilan sa pagbawi. Kaya naman nang malingunan ang naiwan nitong phone sa driver's seat ay kaagad niya nang dinefault dial ang emergency number, humingi siya ng responde mula sa mga pulis. "PINAPAINIT mo ba talaga ang ulo ko, Israel?" Nakaismid na nameywang ang lalaki sa harapan. "Matagal ka nang wala sa underground drag race, bigla kang susulpot kung kailan ako na ang leader doon? Tingin mo ba talaga matutuwa ako?" "Natatakot ka ba?" Pinunasan ni Israel ang gilid ng kaniyang labi at tahimik na napabuntonghininga nang makaramdam ng kirot sa bandang iyon. Iniiwasan pa naman niyang magkaro'n ng gasgas sa mukha dahil 'yon ang unang mapapansin ng magulang niya. "'Wag ka mag-alala, wala naman akong balak na agawan ka ng trono. 'Wag ka masyadong matakot na bumalik sa 'kin ulit ang underground," "Nagpapatawa ka ba-" "Lalo na't base sa pagkakaalam ko, hindi mo kayang gawin ang mga ginagawa ko noon doon. Hindi mo rin naman pinaghirapan na makuha ang posisyon na 'yan." Nagkatinginan ang lahat ng nakarinig at iniwasang mapadpad ang sulyap sa kausap ni Israel. Leader nila 'yon ngayon sa isang underground drag racers community at kilala nilang mainitin ang ulo nito. Hinatak nito ang kwelyo ni Israel at matalim ang titig nang harapin ang kausap. "Aminin mo na, bumalik ka ro'n dahil gusto mong manggulo. Espiya ka ng kabilang kampo." "Mali ka, h'wag mo 'kong pagbintangan. Kailan ka ba tatama sa mga ginagawa at sinasabi mo?" Nang-iinis pa na sagot nito. "Alam kong itatanggi mo 'yan, kaya kung nagkakamali lang ako, patunayan mo sa 'ming lahat 'yan." Lumayo siya kay Israel at malakas na sinipa ang mga kahon, kaya naman halos matumba 'yon at magkalat ang mga lamang sachet at pakete ng droga. "Frame them up. Bawal 'yan sa underground, make them violate the rules of the community, ako mismo ang magbibigay ng parusa para sa sanctions nila." Hindi makapaniwalang nag-iwas ng tingin si Israel at nameywang habang iniyuyuko ang ulo at iniiling 'yon. Sa iritasyon ay sinikmuraan siya ng kaharap at sinenyasan ang mga kasama na bugbugin pa siya nang magkakasabay. "Boss, may iba pang tao sa sasakyan!" Alerto ng iba sa kanila kaya naman napalingon nang 'di oras si Israel sa tinutukoy nito. Maging ang kausap nito. Nakita ni Israel na lumabas ng sasakyan si Celeste at nag-aalalang nakatingin sa kalagayan niya. Tinigilan niya si Israel at naglakad patungo sa ranger raptor na sasakyan nito. "Greed!" Pagtawag niya rito. Pero hindi nagpatinag ang isa, pinuntahan nito si Celeste at mahigpit na hinatak sa braso. Nagkaro'n sila ng mainit na pagtatalo, palaban si Celeste kaya naman habang pumipiglas ay hindi sinasadyang natamaan nito ang maskara ng binata, natanggal iyon. Mabilisang itinago nito ang mukha at pinulot ang maskara para suotin muli. Ayaw na ayaw nilang may ibang tao, na hindi myembro ng underground drag racing ang nakakarinig ng usapan na mayro'n sila. Binunot niya ang baril sa galit at akmang itututok sa dalaga nang makarinig silang lahat ng sirena mula sa isang police mobile. Paglingon nila sa sasakyan ni Israel, sa likuran no'n ay paparating ang apat hanggang limang sasakyan ng mga pulis. Nagpulasan ang lahat sa kanila at dali-daling sumakay sa kaniya-kaniyang sasakyan. Habang si Israel naman ay ganoon din, nang makapasok ito sa loob ng raptor ranger niya ay halos makahinga nang maluwag si Celeste. "Didn't I tell you to just stay inside this f*****g car?" "Mamamatay ka na kanina kaya nag-panic na ako! Hindi ko kayang maupo lang dito na parang nanonood ng sine!" Nagmamadaling binuhay ni Israel ang makina ng sasakyan ngunit nakakailang segundong tapak pa lang siya sa gas ng kotse niya ay napalibutan na siya ng sasakyan ng mga pulis, armadong mga pulis, gano'n din ang mga kahon ng droga na naiwan sa malakawak na daan. Nanginginig pa na niyakap ni Celeste ang sarili. "Good thing dumating kaagad ang mga pulis. Thank God!" Hindi na mabilang ang pagkurap ni Israel sa nararamdamang frustration at wala nang nagawa kung hindi ang itigil ang pag-attempt na tumakas. Na-corner na sila. "Thank me later!" "What the f**k do you mean?" "I was the one who called the cops for help!" Napapikit nang mariin si Israel nang marinig 'yon at napahilot ng mga sentido. Doon na yata pumitik ang mga ugat niya sa ulo dulot ng iritasyon. "Bakit? Mali ba?!" "f**k!" Hinampas nito ang manibela at pinakatitigan lang nang masama ang mga armadong pulis na kumakatok sa bintana ng tinted niyang sasakyan. "What's wrong!" Singhal ni Celeste. Pinanood niya ang mga pulis na sipatin ang laman ng mga kahon. "Sasabihin ko naman na naiwan 'yan no'ng mga gwapong goons. Ako ang witness, h'wag kang mag-alala hindi ka madadamay! Hinarang nga tayo, remember? Tayo ang victims!" "Hindi gano'n kadali 'yon." Matigas na tugon ni Israel nang lingunin niya ang nagpapaliwanag na dalaga saka iritableng hinablot ang pagmamay-aring cellphone na hawak pa nito. Confused. Pero nasagot din ang mga katanungan ni Celeste nang dalhin na sila sa presinto ng mga pulisya. "Israel Guillanes. Ikaw na naman! Tingin mo ba talaga kakagatin pa namin 'tong alibi ninyong hindi kayo sangkot dito, eh ikaw 'tong matinik at numero uno sa listahan pagdating sa mga kalokohang nangyayari rito sa Batanes?" Sermon ng hepe. Kamot-ulong napangiwi si Celeste. Obviously, wala siyang alam sa katauhan ng lalaking kasama niya. At hindi niya sinasadyang hindi ito papaniwalaan ngayon ng mga pulis kahit na ipinagtatanggol niya! Nahihiyang sinulyapan ni Celeste ang lalaking narinig niyang tinawag na 'Israel Guillanes'. Nakaupo ito sa kaniyang harapan, malayo ng ilang hakbang at nakatukod ang mga siko sa magkabilang hita, habang sapo ng parehong palad ang noo. Namomoblema. "Ito talagang mga mayayaman! Walang takot na gumawa ng kalokohan dahil may pera." Ani pa ng isang pulis, kaya siniko ito ng kabaro niya. "Totoo din naman. Tignan mo na lang itong si Israel. Palibhasa hindi ka makukulong kaya malakas ang loob mong mag-drag racing kahit illegal 'yon dito. Ngayon ay may mga droga pa!" "I already told you that I already quitted drag racing a long time ago." "'Wag mo kami gawing bulag. Kitang-kita namin ang mga tropa mo kanina bago makatakas, mga mamahalin at kumikintab na kotse pa lang kilalang kilala na namin kaagad!" Ani ng hepe. "Siya nga pala, tumawag ang nanay mo, parating na siya kasama si Senyora Esmeralda Guillanes." Mula sa pagkakayuko ay napaangat ng ulo si Israel at hinarap ang hepe, kitang-kita ni Celeste kung paano tila maubusan ng dugo sa mukha at mamutla ang binata. "Ikaw, taga-saan ka ba at parang ngayon lang kita nakita rito." "M-Manila po..." "Pwede ka nang umalis. 'Di na kita idadamay rito para hindi na lumaki pa ang gulo, magkakaro'n lang tayo ng kasunduan." Lumapit ang hepe at seryosong pinagmasdan siya. Kaya naman tumayo si Celeste at nakinig mabuti, kinakabahan. "Kahit sa'n ka magpunta, h'wag na h'wag makakalabas ang gulo na 'to mula riyan sa bibig mo. Ayaw na ayaw ng mga Guillanes na nakakaladkad ang reputasyon nila." "Maliban kay Israel Guillanes!" Natatawang komento ng isa sa mga officer. "O-Okay po..." "No. Wala iyang mapupuntahan." Mabilis na putol ni Israel. Nagtama ang kanilang tingin at halos mahiya at matakot si Celeste, sa uri ng seryosong titig nito sa kaniya ay para bang hindi siya papalagpasin sa atraso niya. Napalunok siya. "I already contacted the Hillcrest about her stay there. The nuns are already expecting her to arrive at that place tonight. Kung pwede ay ihatid niyo na lang." "Wait! Huh? Hillcrest what?" Iniwan sila sandali ng mga officer at ng hepe nang pagusapan ang mga ito sa ibang parte ng malaking silid sa presinto, kaya naman nang mahanap ang tyansa ay lumapit si Israel sa kaniya. "I'm doing you a favor by letting you stay at that place tonight so you won't have to sleep at the road the whole night." Seryoso nitong sambit habang hindi nagpuputol ng titig sa mga mata niya, nilamig bigla si Celeste dahil mukhang galit pa rin sa kaniya ang binata. "But I'm telling you, you'll pay for this mess. Magkikita pa tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD