KABANATA 20 NAGMAMADALING sinundan ni Celeste si Leon at ang mga kaibigan nito nang patakbong tinungo nilang lahat ang mga tinutukoy na orphan sa ibabang palapag. Naabutan nila ang ilan sa hallway na nakabagsak na sa sahig habang wala na sa sarili at nangingisay, natatakot na rin ang halos lahat ng nakapalibot dito kaya naman walang nagtatangkang lumapit at natatatakot na pinagmamasdan ang mga iyon. Mayroon ding bumagsak at nangisay sa loob ng ilang mga silid, ang iba ay naglalaway na. Kumabog nang husto ang dibdib ni Celeste, lalo na nang makita ang isa sa mga roommate niya, iyong nagsungit sa kaniya bago pa siya lumabas ng kwarto kaninang umaga at pilit ipinasasara ang kurtina. "Anong nangyayari, bakit napakarami nilang nangingisay? Anong nangyari?" Natatarantang asik niya sa kung s

