KABANATA 32 "ANO 'TO?" Bungad na tanong ni Celeste nang matigil sa malalim na pag-iisip tungkol sa mga konklusyon niya sa mga nangyayari sa Hillcrest, at mapagtanto na dinala siya ni Israel sa harap ng isang three floor building sa gitna ng bayan ng probinsya. "Bakit mo 'ko dinala rito? Anong mayro'n?" "Kanina ko pa sinasabi sa sasakyan kung bakit, sinasabi ko na nga bang lumilipad lang ang utak mo, e." Masamang tingin ang ipinukol niya sa lalaki at pinagkrus ang mga braso sa sariling dibdib. "Hindi naman talaga dahil most of the time ay hindi ako interesado sa mga sinasabi mo, it's either sinesermonan mo ako or paulit-ulit ka na gustung gusto mong gantihan nang malala 'yang pinsan mo. Anong mapapala ko ro'n?" Pinihit ng binata ang sariling katawan para harapin si Celeste at seryoso

