KABANATA 31 PAULIT-ULIT na itinapik ni Celeste ang mga daliri sa kahoy na mesa, abala sa malalim na pagiisip, ngayon ay nasa library siya ng Hillcrest habang hinihintay na dumating si Leon. Katatapos lang ng morning routine sa Program A at nakita niya kaagad doon ang babaeng nakausap kahapon. Napag-alaman niya mula sa hawak na chart ang personal information nito, ang pangalan nito ay Gina, boyfriend nito si Eric na kasama rin sa Program A. Maganda ang statistics nila pareho at mababakas ang pagiging praning ng babae habang naka-longsleeves at itinatago ang mga pasa. Naalala niya ang nangyari kanina lang... "Bakit ka naka-longsleeves? Hubarin mo 'yan." Ani Leon noong mapansin ang babae. Nanlaki ang mga mata nito at hindi nakapagsalita kaagad, natatakot na nilingon si Celeste. "Hindi m

