KABANATA 36 NAPUTOL ANG paguusap ni Celeste at Israel nang makarinig sila ng malakas na pagtikhim. Pareho nilang nilingon ang direksyon ng pinanggalingan at nakita si Leon na prenteng nakaupo sa unahan, sa kahoy na mesa na madalas ginagamit ng mga pari sa tuwing may misa sa lugar kada Linggo. "Tapos na ba kayo mag-usap at mag-ingay? Pwede na kayong lumabas." Seryosong saad nito at walang bahid ng kahit anong emosyon ang mga mata habang diretsong nakatitig sa kanilang dalawa. "Isa pa, bawal ang kahit na sino rito kung hindi araw ng Linggo. Maliban lang sa 'kin at sa mga madre, wala akong pinapayagang magpunta rito na kahit sino." Nagtagal ng ilang segundo ang tingin nito nang mapadpad 'yon kay Celeste pero naputol din nang magdesisyon ang dalaga na tumayo at lingunin ang katabi. "Tara

