KABANATA 35 HABANG naglalakad sa bakuran ng Hillcrest si Celeste kasama ang iba pang Guillanes na kasalukuyang nakikipagusap sa ibang madre at mabait na pinapansin ang mga batang lumalapit sa kanila sa harap ng kamera ay tumunog ang telepono niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang may-ari ng numero. Sinulyapan niya kaagad ng tingin si Israel na kasabay na naglalakad at nakuha naman kaagad din niya ang atensyon nito, pasimple niyang ipinakita ang screen ng kaniyang telepono. "What? My cousin has my girlfriend's number now?" Pabiro nitong saad. Umirap sa kaniya si Celeste. "Kidding. You have to take that call, sa'n tayo pwedeng mapag-isa?" Napatingin tingin sa paligid si Celeste, sa ngayon ay lahat ng corner sa paligid ay may nakapwestong isa o grupo ng mga taga-Hi

