Ipinakilala ni Myoujin sa kaniyang lolo si Yuffie. Namangha ang dalaga dahil sobrang laki ng kuwarto ng kaniyang lolo. Yumuko si Myoujin bilang pagbibigay galang sa kaniyang Oji-san.
“Modotte kimashita, Oji-san,” wika ni Myoujin sa kaniyang lolo.
“Welcome back, Mago,” nakangiting saad naman ng kaniyang lolo sa kaniya.
Lumapit si Myoujin sa kaniyang lolo habang hawak niya sa baywang si Yuffie.
“Kore wa Yuffie desu,” saad nito habang ipinapikilala niya si Yuffie.
“Myoujin-san wa totemo utsukushii,” pagbibigay puri niya kay Yuffie.
Hindi maintindihan ni Yuffie ang kanilang pinag-uusapan. Inakbayan ni Myoujin ang dalaga at ngumiti ang binata.
“Arigatou, Oji-san.”
“Kare wa nihonjin desu ka? tanong nito kay Yuffie.
Hindi naman maintindihan ni Yuffie ang isinasaad ng matanda. Subalit biglang nagsalita si Myoujin sa kaniyang lolo.
“Oji-chan gomen nasai, kare wa nihonggo ga wakari masen. Kare to eigo de hanashite kudasai,” pakiusap nito sa kaniyang lolo at tumawa lamang ito nang napakalakas.
“So desu ka, Myoujin-san. Sorry, I’m still not good at speaking English. Cute like you is not Japanese, I cannot believe. You are so beautiful Yuffie,” pagbibigay puri muli ng matanda sa dalaga.
“T-Thank you po, nice to meet you,” tanging nasagot lang ni Yuffie sa matanda.
Pumunta sina Myoujin at Yuffie sa loob ng kaniyang silid. Puro anime staff ang nakita ni Yuffie sa kaniyang silid. Nagulat si Yuffie dahil nakadikit ang larawan ni Tifa Heartlock sa napakalaking pader ni Myoujin. Ipinagdikit ni Myoujin ang mukha ni Yuffie at Tifa na character naman sa Final Fantasy na pinapanuod nito.
“Magkamukhang-magkamukha kayo, hindi ba?” nakangiting saad naman ni Myoujin sa kaniya.
Namula si Yuffie at hinalikan naman siya ng binata sa kaniyang mga labi.
“N-Napakalawak po ng kuwarto ni’yo master,” wika naman ni Yuffie sa kaniya.
Niyakap siya ni Myoujin at hinalikan niya sa pisngi ang dalaga.
“Mamaya sulitin natin ang gabi rito sa room ko. Pero puntahan muna natin si Maki,” nakangiting wika ni Myoujin sa kaniya habang kayakap niya ang dalaga.
Sumakay na sila sa kaniyang sasakyan at namamangha si Yuffie na kanilang dinadaanan.
“Napakaganda!” manghang saad ni Yuffie habang nakadungaw ito sa bintana.
Napapangiti ang binata habang nakikita niya si Yuffie na napapasaya niya ito.
“Malapit na pala tayo sa Hotsuma,” saad ni Myoujin kay Yuffie.
Kilala nila ang mga Aki sa kanilang eskuwelahan at lubos din ginagalang si Myoujin sa kanilang dating eskuwelahan. Nang lumabas si Myoujin sa kaniyang sasakyan, namangha na naman ang dalaga sa napakalaking eskuwelahan na dating pinapasukan ng kaniyang master. Napalingon ang mga estudyante kay Myoujin at halos lahat ng kababaihan ay nakadungaw sa bintana.
“Myoujin-sama wa kochira!” sigaw ng isang babae na nag-aaral doon.
Tumingin halos lahat ng kababaihan at binati siya. Nagtataka sila kung sino ang kaniyang kasama.
“Tifa Heartlock,” saad ng babae kay Yuffie.
“S-Sorry I am not Tifa, I am Yuffie,” pagpapakilala ni Yuffie sa kanila.
Kinuha ng isang babae ang kaniyang camera at nagpa-picture siya kasama niya si Yuffie.
“Kare wa kawaii-kute utsukushii,” pagbibigay puri ng isang lalaki sa kaniya.
Hinila naman siya ni Myoujin at tumalim ang tingin nito sa mga estudyante.
“Watashi no kanojo ni naru no o yame nasai!” pagalit na saad nito sa mga estudyante dahil gusto niyang na tigilan na raw ang kaniyang girlfriend.
Natakot naman ang ibang kababaihan sa kaniya. Nakita ni Maki si Myoujin sa malayuan at patakbo siyang lumapit sa kaniya.
“MYOOOUUUJINNNN! OOOOOOYYYY” pasigaw na sigaw ni Maki sa kaniya.
Pasalubong niyang susuntukin sana si Myoujin subalit nasalo niya ang kamao ni Maki. Nagulat si Yuffie na akala niya ay magsusuntukan silang dalawa.
“O-genki desu ka, Myoujin-san. Watashitachi nagaiai otagai ni atte imasen!” masayang saad ni Maki sa kaniya.
“I am fine, Maki. Oo, nga matagal tayong hindi nagkikita,” nakangiting wika ni Myoujin sa kaniya.
Tumingin si Maki kay Yuffie at nagandahan siya sa dalaga.
“Ow, kono utsukushii josei wa dare desu ka? Kare o watashi ni kuremashita ka?”
Binatukan ni Myoujin si Maki at nasaktan siya sa pagkakabatok niya sa kaniya.
“Baliw, hindi ko siya regalo sa’yo. Siya pala si Yuffie,” seryosong saad ni Myoujin sa kaniya.
“M-Marunong po siyang mag-tagalog master?” pagtatakang tanong nito sa binata.
“Oo Yuffie, marunong akong mag-tagalog. Kami ang mag-bestfriend ni Myoujin dito,” buong kumpyansang saad ni Maki sa kaniya.
“Old habits?” tumatawang saad ni Myoujin kay Maki.
“Ang suwerte mo. Your girlfriend looks like a doll. A living doll,” pagbibigay puring sambit ni Maki kay Myoujin.
“Yes, Yuffie is very beautiful,” nakangiting wika ni Myoujin kay Maki kasabay nito ang paghalik niya sa pisngi ng dalaga.
“Netami!” wika naman ni Maki atsaka napatapik ito sa kaniyang noo.
Ilang sandali lamang ay umuwi na sina Yuffie at Myoujin upang mamasyal sila sa pasyalan niya.
“We were going at Akihabara, ituro mo lang sa akin ang mga gusto mo. Mamimili tayo,” nakangiting saad ng binata sa kaniya.
Ngumiti at tumango lang ang dalaga sa kaniyang harapan. Nang makarating sila sa Akihabara, naglakad sila habang nakaakbay ang binata sa kaniya. Nagpa-picture silang dalawa at sinulit nila ang buong araw sa pamamasyal.
“M-Master, pahinga muna tayo parang nahihilo ako,” humihingal na saad ni Yuffie sa kaniya.
“Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?” pag-aalalang wika ni Myoujin sa kaniya.
“H-Hindi po master. Magpapahinga lang po ako, baka nahilo lang po ako sa kakaikot ko kanina.”
“Tara, let’s eat. Baka nagugutom ka na.”
Pumunta sila sa mall at may naamoy si Yuffie at patakbo na naman itong pumunta sa c.r.
“Ano ang nangyayari sa akin? Ang sakit ng ulo ko,” bulong niya sa kaniyang sarili.
Pinuntahan ni Myoujin si Yuffie. Inakayan niya ito at inuupo niya ito sa upuan. May naamoy si Yuffie at tila nagustuhan niya iyon.
“Master ang bango no’n,” saad nito habang inaamoy- amoy niya ang paligid.
“Saan?” pagtatakang tanong naman nito sa dalaga.
Itinuro ni Yuffie ang kinakain ng babae na nasa kaniyang harapan. Lumingon si Myoujin.
“Ah, that’s a Danboru. Do you want that?” tanong nito sa kaniya.
Namumulang tumango si Yuffie at binilhan siya ng binata. Nagulat ang binata dahil napakagana niyang kumain ngayon. Tila napapansin din niya na lagi siyang gutom at nanghihingi ng makakakain.
“Slowly, baka mabulunan ka,” saad ni Myoujin sa kaniya at pinunasan niya sa labi ang dalaga.
“P-Pasensiya na po kayo, master. Masarap lang po kasi,” nakayukong saad ng dalaga sa kaniya.
“It is okay. Just eat what you want,” nakangiting wika nito sa dalaga.
Nang matapos sila sa pamamasyal umuwi na sila sa mansyon ng mga Aki. Kaagad naman nakatulog si Yuffie dahil sa sobrang pagod. Hinimas naman ng binata ang mukha ng dalaga at hinalikan niya ang kaniyang mga labi.
“Just sleep Yuffie, I will not leave you,” wika ni Myoujin habang natutulog ang dalaga.
Myoujin’s POV
I’m happy every time I’m with Yuffie. Hindi ko alam kung ano ba ang narararamdaman ko basta alam kong sa akin lang siya. Biglang tumawag ang ex-girlfriend ko na si Megumi. Nabalitaan niyang bumalik na ako ng Japan. She is my first girlfriend at first ko lahat siya. Minahal ko rin naman si Megumi subalit nag-break kami dahil sa hindi naming pagkakaintindihan. Itinanong niya sa akin kung puwede pa raw kaming magbalikan. Hindi ako sigurado sa narararamdaman ko kung mahal ko ba talaga si Megumi o si Yuffie. Tulad ko napakayaman din ng kanilang pamilya.
“Who was the woman you were with you earlier?” tanong nito sa akin sa kabilang linya.
“Who?”
“Common, do not lie to me!”
“Okay, she is my doll. happy?”
“I love you, please come back.”
“I love you, too.” tanging nasagot ko kay Megumi.
Narinig pala ni Yuffie ang pinag-uusapan namin ni Megumi. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat. Bigla na lang tumulo ang luha niya. Tinabihan ko siya subalit tumalikod siya sa akin. Niyakap ko siya at nagsalita ako.
“Don’t expect anything. You know our relationship, don’t you?”
Tumango lang ito at ramdam ko ang kaniyang pag-iyak.
“Do you love me?” seryosong tanong ko sa kaniya.
Nagulat ito sa aking itinanong at sinagot niya ang aking tanong sa kaniya.
“Opo, m-mahal k-kita master. Pero alam ko naman po ang katayuan ko at napagkasunduan natin.”
“Good.”
Tanging nasagot ko sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Megumi ngunit nakita niyang naghalikan kami. Yumuko lang ito at pumunta siya sa aking kuwarto. Ilang oras lang ay umalis na si Megumi at pinuntahan ko siya sa room ko.
“Hey, bakit napakatahimik mo?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.
“M-Master… m-maaari na po ba tayong u-umuwi? P-Pangako po hahanapin k-ko po ang k-kuwintas mo p-para po m-makalipat n-na a-ako ng s-school,” gumagaralgal na saad niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya sa akin at bigla ko na lang siyang napagtaasan ng boses.
“No, stay with me! You are mine, right?!” habang mahigpit kong hinahawakan ang kaniyang braso.
Magmula nang naging kami ni Megumi at nakauwi kami ng Pilipinas ni Yuffie. Madalas na siyang umiiwas sa akin at hindi pumapasok sa aming school. Pinuntahan ko siya sa kanila ngunit alam ni Aling Cossang ay pumapasok daw ito. Nagtataka ako kung saan ito pumupunta at kung pumasok man siya hindi ko siya nakakausap. After namin minsan mag-seeexx, agad itong umaalis sa aking private room at hindi na siya papasok sa aming classroom. Napapansin kong napakaputla niya at pumayat ang kaniyang pangangatawan. Sobra akong nasasaktan sa pag-iwas niya sa akin. Isang araw ay tuluyan na siyang hindi pumasok at hindi na nagpakita sa akin. Pinuntahan ko siya sa kanila at ang sabi sa akin ng kanilang kapit-bahay ay wala na raw sila nina Aling Cossang sa kanilang bahay. Hindi ko maintindihan ang marararamdaman ko, sobrang sakit. Hinanap ko siya ngunit hindi ko na siya nahanap. Sa sobrang sakit ay sinisi ko si Megumi at nakipag-break ako sa kaniya. Pinahanap ko rin kay Manong Ronaldo sa buong Manila ngunit hindi niya ito nakita. Nag-hire din ako ng private investigators ngunit wala siyang mahanap. Gumraduate kami ng High School pero hindi ko na muling nakita si Yuffie. Huli ko siyang nakita na tanging luha ang naisagot niya sa akin.
“Kung alam mo lang Yuffie, walang kuwenta sa akin ang kuwintas na iyon. Mahal na mahal kita, patawad kung hindi ko sinunod ang puso ko at nasaktan kita. I miss you so much!” saad ko sa aking sarili habang walang tigil ako sa pagluha.
Bumalik muna ako ng Japan upang makapag-move on sa kaniya. Pinagamot ako nina mommy at daddy sa Japan dahil nabaliw ako at nagkaroon ng sakit sa pag-iisip. Hindi ko nakaya ang pag-alis niya ng biglaan sa aking buhay. Lagi ko raw sinisigaw ang salitang “You are mine, Yuffie.”