Myoujin’s POV
Umuwi ako sa bansang Pilipinas kasama ko ang aking personal na yaya, si Aling Cossang. Tatlong taon na ang nakakaraan nang napagdesisyunan ng aking mga magulang na lumipat sila sa Pilipinas. Ang habilin ng aking lolo sa kanila upang hawakan nila ang isa naming kumpanya ng alak na ipinatayo sa bayan ng aking mommy. Matanda na ang aking lolo at ang kaniyang katuwang sa negosyo rito sa Japan ay ang aking Oba-kun na si Asahina Aki. Siya ay kapatid ng aking daddy at mas pinili nitong huwag nang mag-asawa pa. Magkasundo naman kami ng aking Oba-kun at lagi niya rin akong sinusundo sa paaralan upang pumunta sa Akihabara. Namimili kami ng mga anime items o naglalaro kami ng mga Video Games dahil iyon lamang ang aming libangan. Kaya’t nalungkot siya nang nabalitaan nitong ipinauwi ako ng aking Oji-san dito sa Pilipinas. Ngayong nasa Pilipinas na ako, malaki man ang aming mansyon nakakainip pa rin pala rito. Isinama ako ng aking daddy sa aming pinamamahalaang naming eskuwelahan at malaki naman ito pero parang iba pa rin sa paaralang aking nakasanayan.
“Heto na ang bago mong eskuwelahan Myoujin, matuto ka sanang makisama,” pagbabantang saad sa akin ng aking daddy.
“Bakit naman ako makikisama, dad, sa atin ang paaralang ito. Dapat sila nga ang makisama sa akin,” seryosong wika ko sa kaniya.
“Hindi tama iyan anak, hindi Japan ito at ikaw ang bago, dapat ikaw ang makisama!”
“Naze dame desu ka?! (Bakit hindi?!)”
“Pag-aralan mo na rin magsalita ng tagalog sa lahat ng oras. Huwag mo muna akong kausapin ng Japanese dahil sinasanay ko na rin ang sarili ko.”
Tumawa ako nang malakas dahil natatawa ako sa pagkakabigkas ng aking daddy sa tuwing nagtatagalog siya. Sa totoo lang sanay naman akong magtagalog kaya’t hindi ako hirap sa pagsasalita. Ginagamit ko lagi ang salitang tagalog sa tuwing kasama ko si Maki. Hindi pala ako nakapagpaalam sa kaniya at tiyak na nagcha-chat na iyon sa aking cellphone. Hindi naman kasi ako active sa Social Media.
“Anong tinatawa- tawa mo Myoujin? May nakakatawa ba?” Seryosong saad sa akin ni daddy.
“Ie, jyoudan desu, (Wala nagbibiro lang ako),” tumatawang wika ko sa kaniya.
Nakarating na kami sa paaralan at sinalubong ako ng aking personal na battler na si Manong Rolando. Lahat ng mag-aaral at guro sa Waldstein Academy ay nagtipon- tipon upang salubungin kami sa gate. Habang naglalakad kami papasok sa paaralan lahat ay yumuko upang magbigay- galang sila sa amin. Tiningnan ko ang kanilang uniporme parang katulad din ng uniporme ko sa aking dating pinapasukang paaralan. Sa ngayon ay nasa Grade 9 na ako at idinala ako sa pinakamataas na section. Unang pagpasok ko ngayong araw sa paaralan ngunit hindi ako pumasok at nanatili muna ako sa aking personal room. Umuwi na ang aking daddy at nakasama ko lang ang aking battler dito sa aming paaralan.
“Hindi ka ba papasok Master Myoujin sa classroom mo?” tanong sa akin ng aking battler.
“Tinatamad ako, what’s the point kung papasok ako? Kahit hindi ako pumasok alam ko na ang pinag-aaralan nila, “ saad ko sa kaniya.
Umupo ako malapit sa bintana at uminom ako ng kalahating baso ng tsaa. Ang aking battler ay siya rin ang personal maid ko rito sa aming paaralan. Sa pagdungaw ko sa bintana may nakita akong estudyanteng nagmamadali at tila late na ito sa pagpasok. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha at nakasakay lamang ito sa tricycle. Natawa ako dahil ang pagkakaalam ko puro mayayaman ang mga nag-aaral dito sa aming paaralan. Buong araw akong hindi pumasok at umuwi na kami ng aking battler sa mansyon. Sa unang araw ko pa lang lumabas sa aming mansyon tila gusto ko na rin umuwi sa Japan. Mabuti na lamang at nariyan si Aling Cossang upang maalalayan ako nito.
“Kumusta ka na, Aling Cossang? Nakauwi ka na ba sa inyo?” tanong ko sa kaniya.
“Opo, Master Myoujin, nakauwi na ako. Salamat po pala sa ibinigay ni’yong pera sa akin dahil nakadagdag ito sa allowance ni Yuffie,” nakangiting tugon nito sa akin.
“Walang anuman, Aling Cossang,” nakangiting saad ko sa kaniya.
Biglang dumating si mommy at kinausap niya si Aling Cossang.
“Thank you po ma’am sa pagtulong mo sa amin ng aking anak,” nakayukong sambit ni Aling Cossang sa aking mommy.
“Don’t mention it, manang, ang importante makakapag-aral na ang iyong anak. By the way, aalis muna kami dahil may business trip kami ng iyong daddy.”
Atsaka na ito umalis kasama ni daddy dahil pupunta raw sila ng Dubai at dalawang araw pala sila roon.
“Saan pinag-aral ni mommy ang iyong anak?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Sa inyong pagmamay-aring eskuwelahan, Master Myoujin. Ayaw nga niya sanang mag-aral doon dahil hindi raw siya bagay sa inyong paaralan,” tugon nito sa akin.
Makalipas ang limang araw ay roon pa lamang ako pumasok sa aking silid-aralan, pati ang aking guro ay ginagalang ako. Nabagot na kasi ako sa aking personal na silid at lagi ko na lamang kasama si Rolando. Halos lahat ng aking kaklaseng babae ay nagpapakilala sila sa akin subalit hindi ko sila kinakausap. Trenta minutos na ang nakakaraan na inilalagi ko sa clasrrom, may biglang dumating na babae sa aming silid-aralan. Pawis na pawis ito at humihingal dahil siguro ay nagmamadali siyang pumapasok dito sa aming classroom.
“Miss Yuffie Gonzales, late ka na naman!” pagalit na wika ng aming guro sa kaniya.
“Sorry po, Miss Soliman,” pakiusap nito sa aming guro.
“You are always late. Alright come in. Next time, I hope you come early.”
“Thank you, miss.”
Namumula siyang dumaan sa aming harapan at tiyak akong siya ang anak ni Aling Cossang. Napakaganda nito at kamukha nga talaga niya si Tifa, pati ang kaniyang katawan ay sadyang napakaganda.
“Class, may gaganaping program dito sa ating paaralan. Pero ang program na ito ay tungkol sa kompetisyong pagandahan, dapat ay may representasyon tayo rito sa ating section,” pag-aanunsyo ng aming guro sa amin.
“Maybe, I’ll be the one to choose,” wika ng kaklase kong babae at kasabay nito ang paghawi ng kaniyang sariling buhok.
“Magkakaroon pa ba tayo ng botohan?” tanong ng aming guro sa amin.
Tumayo ang lahat ng kaklasi naming mga lalaki at sabay- sabay na itinuro nila si Yuffie.
“Siya ang ilalaban natin dahil may pag-asa pa tayong manalo!” sambit ng aking isang kamag-aral.
Tumayo ang isa naming kaklasing babae.
“Bakit kayo lamang ba ang karapatang mamili? Hindi puwedeng sumali ang Janitress dito!” pagalit na saad naman nito sa aming kaklase.
Biglang tumayo si Yuffie habang nanginginig ang kaniyang tuhod.
“H-hello po, p-pasensiya na kayo dahil hindi po ako puwedeng sumali.”
“B-bakit naman Yuffie, ikaw na sana ang pipiliin ko,” sambit naman ng aming guro.
“D-dahil po baka magtagal po ang program at matanggal po ako sa aking part-time job,” nahihiyang wika naman nito sa aming guro.
“I understand you miss Gonzales. Okay, si miss Freya na lang ang ating isasali.”
Bumusangot ang babaeng nagngangalang Freya at nagsalita.
“So, second choice lang ako ganoon ba? But I will accept it,” nakangiting saad naman nito.
Nakikita ko siya na naglilinis sa pasilyo o kaya sa aming hagdan. Minsan ay naglilinis ito sa aking personal room at napapatigil ako sa tuwing nakikita at nasisilayan ko siya. Subalit hindi ko siya makausap dahil sa tuwing nakikita ko siya kumakabog ang aking dibdib. Minsan ay dumadaan ako sa hagdan at narinig kong pinag-uusapan siya ng mga kalalakihan.Sa tingin ko ang isa sa kanila ay matindi ang pagnanasa sa kaniya.
“Did you see the new student here?” Tanong ng lalaki sa kaniyang kasamahan.
“Who?” Pagtatakang tanong ng kaniyang kaklase sa kaniya.
“Iyong babaeng nasa Grade 9 section A.”
“Ah, yo’ng cute at sexy na babae?”
“Yes, iyon nga. She is very beautiful.”
Tumawa ang kaniyang kaklase at nagsalita.
“She is a Janitress in our school. Pero siya na yata ang nakita kong hot babe dito.”
“Do you know her name?”
“Yes, she is Yuffie Gonzales.”
“Oh, bagay sa kaniya ang pangalan niya. Makukuha ko rin siya dahil pera lang naman ang katapat niya.”
“What does she look like when naked.”
“Hey, she’s mine. No one can get her!”
“Okay, sa iyo na siya Axton. Wala ka namang hindi nakukuha. You are very popular in other girls.”
“I don’t care about them. Yuffie is just mine.”
Atsaka na ako umalis at pumasok na ako sa aking classroom. Nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang upuan at wala siyang kaibigan. Subalit kinakausap siya ng aming kaklaseng lalaki at nakayuko ito habang kinakausap nila. Tumingin ako sa kanila at nananahimik sila kasabay nito ang pag-upo nila sa kaniya- kaniya nilang silya. Kinuha nito ang kaniyang panyo at nagsimula na siyang lumuha. Iniisip ko kung ano ba ang sinabi nila sa kaniya subalit hindi ko na lamang sila pinansin. Dumating na ang aming teacher sa History at nagsimula na itong magturo. Napansin kong lagi niyang tinatawag si Yuffie upang mag-recite at napansin kong matalino rin pala siya.
“Miss Yuffie, I have a question for you,” saad ng aming guro sa kaniya.
Tumayo ito at nagsalita.
“Yes sir,” namumulang wika nito sa kaniya.
“What is the full name of our national hero?”
“Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.”
“Very good Miss Yuffie, take your sit.”
“Who want to answer this question? The question is.. what is the birthday and place of birth of our national hero?”
Tumayo ako at nagsalita dahil bagot na bagot na ako sa aming subject. Nagulat ang aming guro dahil nahihiya siyang tawagin ako.
“His birthday is June 19, 1861 and his place of birth is at Calamba, Laguna. Can I leave now, Mr. Gozum?” sarkastikong sagot ko sa kaniya.
“Y-Yes, Master Myoujin. You can leave now,” nauutal na saad nito sa akin.
Lumabas ako ng classroom at pumunta na ako sa aking personal room. Nadatnan ko si Manong Rolando habang nagbabasa ito ng dyaryo.
“Siguro nainip ka na naman sa iyong subject master?” Tanong nito sa akin.
“I’m bored, I want to go home,” tugon ko sa kaniya atsaka ako umupo sa couch.
“Kung gusto mo master, puntahan natin si Aling Cossang.”
“Huwag na, nasa bahay iyon at alam kong nagluluto siya ng aming dinner.”
“Maiba ako master, hindi ba’t anak ni Aling Cossang iyong babae kanina na naglinis dito sa personal room mo?”
“Yes, she is. Why?”
“Kasi napakaganda nito, ayokong maniwala na anak siya ni Aling Cossang. Parang nakakakita ako ng artista o modelo kapag nakikita ko siya.”
“She is a half- Chinese. Kaya ganoon ang itsura niya. Well, ayokong pag-usapan siya. Uuwi na ako, ibang-iba talaga rito kumpara sa Japan. Can you please give me my cigarette?”
Kinuha ni Manong Rolando ang aking sigarilyo at uminom ako ng kakaunting alak. Kahit nasa labing-pitong gulang pa lamang ako, marunong na akong manigarilyo at uminom ng alak. Hinahayaan lamang ako ng aking battler pero hindi ko maintindihan kung bakit lagi kong naiisip si Yuffie. Pumunta si Mr. Ferdinand Valencia at kinausap niya ako. Nakita nitong naninigarilyo ako at yumuko siya sa aking harapan.
“Yes, Mr. Valencia why are you here?” sarkastikong tanong ko sa kaniya.
“I just want to talk to you, Master Myoujin,” sagot nito sa akin.
Ilang minuto rin kaming nag-uusap at inaaya niya akong maging presidente ng isang Sports Club pumayag ako. Binigyan niya ako ng VIP room for club at nakilala ko na ang mga miyembro. Lalaki kaming lahat at sa tingin ko ay magiging kasundo ko sila. Sila ay anak din ng mga mayayamang business man at mayor sa lugar na ito. Walo sila at kaugali nila si Maki at ang kuwartong pinasukan ko ay para lamang sa mga exclusive na tao rito sa aming paaralan.
End of POV