Nagpa-part time job si Yuffie bilang janitress sa kanilang paaralan at madalas siyang pagtawanan. Subalit hindi na lamang pinapansin ang panunukso ng kaniyang mga kamag-aral. Maraming humahanga sa kaniyang kalalakihan at hindi niya pinapansin ang mga gustong manligaw sa kaniya. Minsan ay may lumapit sa kaniyang Grade 10 student at anak siya ng isang may-ari ng sikat na restaurant sa kanilang lugar. Guwapo rin ito at presidente siya ng Team Brigade Club. Habang dala- dala ni Yuffie ang timba at mop nilapitan siya ng lalaki.
“Hi, miss-“ wika nito kay Yuffie.
“Yes po?” tugon nito sa kaniya.
“Parang bago ka pa lang dito sa aming paaralan. Anong gagawin mo sa timba at mop na iyan?”
“Maglalampaso po ako.”
“M-maglalampaso? I think anak ka ng may-ari ng Martha Clothing Company, am I right?”
“N-naku po sir, hindi po. Si Miss Freya po iyon.”
“So, ano ang trabaho ng mga magulang mo?”
“N-naku, kasambahay lang po ang mama ko. Nakapag-aral lang po ako dahil pinag-aaral lang po ako ng amo niya.”
Nabigla ang kausap nito at nagtaka siya kung totoong anak lang ba siya ng kasambahay.
“Sorry, nabigla ako dahil wala sa itsura mo ang pagiging anak ng isang kasambahay.”
“Okay lang po iyon.”
“By the way, I am Axton Ashford. President of Team Brigade Club.”
Nakikipagkamay sa kaniya si Axton pero hindi niya ito kinamayan ni Yuffie dahil nahihiya siya sa kaniya.
“Naku, sorry po, sir Axton. Marumi po kasi ang kamay ko.”
“No, it’s okay. Don’t call me sir, Axton na lang dahil kamag-aral naman kita. Kanino pala nagtatrabaho ang nanay mo?”
“Kasambahay po siya ng mga Aki Family.”
“You mean kina Master Myoujin?”
“Opo, nagtatrabaho po siya roon.”
“So, kilala mo si Master Myoujin?”
“H-hindi po dahil ko pa po siyang nakikita sa personal.”
“Okay, sige, nice to meet you Yuffie. Sabay ka na umuwi sa akin pagkatapos mo riyan.”
“Hindi po sir, may sundo po ako.”
“S-sino ang sundo mo?’’
“Boyfriend ko po.”
“Y-You already have a boyfriend. Nag-aaral ba siya rito?”
“H-Hindi po, nag-aaral po siya sa O'Donnell High School.”
“P-Public School?”
“Opo, bakit po?”
Naging seryoso ang mukha ni Axton at bigla niyang hinila si Yuffie kasabay nito, binulungan niya ang dalaga sa kaniyang tainga.
“Someday, you will be mine!”
Nabigla si Yuffie at nahulog nito ang hinahawakan niyang timba at mop. Habang papalayo si Axton sa kaniyang harapan, natulala na lamang siya sa ibinulong sa kaniya ng binata.
“Let’s meet tomorrow. I will pick you up kapag lalabas ka ng iyong classroom.”
Natakot ang dalaga sa ikinikilos ni Axton at nanginginig niyang pinulot ang nahulog nitong timba at mop. Samantala, sa labas ng gate naghihintay ang best friend ni Yuffie. Siya ay si Claire Santos at kausap niya si Axton. Nabigla si Yuffie at nagtataka ito kung bakit kausap ni Axton ang kaniyang best friend.
“Yuffie nariyan ka na pala!” nabiglang wika ni Claire sa kaniya.
“You said your boyfriend will pick you up,” sarkastikong saad ni Axton sa kaniya.
Hindi makapagsalita si Yuffie sa harapan ni Axton.
“Kailan ka pa nagka-boyfriend Yuffie? Nakakabigla naman,” pagtatakang sambit ni Claire sa kaniya.
“Wala ka naman pa lang boyfriend. Basta sabay tayong mag-lunch bukas, Miss Yuffie Gonzales,” nakangiting wika ni Axton sa kaniya.
Lumayo na si Axton sa kaniya at biglang nagsalita ang driver nito.
“Sir Axton, halika na po. Hinihintay ka ng mommy mo sa inyong restaurant.”
“Sige, sasakay na ako. See you, Yuffie.”
Atsaka na sumakay si Axton sa kaniyang sasakyan at kinindatan niya si Yuffie habang papalayo ang sinasakyan nitong sasakyan.
“Mukha siyang prinsepe, Yuffie, napakaguwapo niya talaga,” namumula at kinikilig na sambit ni Claire sa kaniya.
“Tara na Claire, uwi na tayo. Hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan.”
Umuwi na si Yuffie sa kanilang bahay at hindi pa niya nadatnan ang kaniyang ina sa kanilang tahanan. Gabi na kung umuwi si Aling Cossang at laking pasasalamat nito sa kaniyang anak dahil lumalaki itong napakabuting anak.
“Kumusta ang pag-aaral mo sa Academy?” Tanong ni Aling Cossang sa kaniyang anak habang umiinom ito ng kape.
“Masaya naman po, mama,” tugon naman nito sa kaniyang ina.
“May kaibigan ka na ba sa mga kaklase mo?”
“W-wala po mama dahil hindi naman nilang gustong kaibiganin ako.”
“Bakit naman anak? Maganda ka naman.”
“Basta mama, siguro hindi muna sa ngayon dahil bago pa lamang ako.”
“Anak, tatandaan mo ito kahit medyo sumisikat ka sa bago mong paaralan. Huwag ka munang magbo-boyfriend.”
“Alam ko naman po iyon, mama. Uunahin ko po ang pag-aaral ko kasi gusto kong maging isang lawyer balang- araw.”
Ngumiti ito sa kaniyang anak at niyakap niya ito. Kinabukasan, maagang pumasok si Yuffie sa paaralan at nagtaka ito kung bakit nakapila ang lahat ng guro at mga prinsipal sa gilid ng pinto habang sila ay nakayuko. Hinila siya ni Freya at pinayuko siya nito. Nakita nitong bumaba ng napakagarang sasakyan ang isang estudyanteng katulad nila.
“Maagang umaga, Master Myoujin,” sabay-sabay na pagbati nilang lahat.
Patuloy lamang sa paglalakad ang binatang si Myoujin papasok sa loob ng kanilang building.
“Siya ba si Master Myoujin?” Tanong ni Yuffie sa kaniyang kaklasing si Freya.
“Oo, hindi mo ba alam na kaklasi natin siya? Napakaguwapo niya, no? Iba talaga kapag galing sa super yaman na pamilya,” nakangiting saad ni Freya sa kaniya.
“Ikaw pala si Yuffie. Bakit ka pala nagpa-part time? Hindi ba’t napakayaman ni’yo?” tanong ni Freya sa kaniya.
“N-naku Miss Freya hindi kami mayaman,” tugon naman ni Yuffie sa kaniya.
“Sabi mo eh,” nakangiting sambit naman nito sa kaniya.
Sabay silang pumasok sa kanilang classroom at matalim na naman ang tingin nila kay Yuffie ng kaniyang mga kaklasi. Makalipas ang dalawang oras, tumunog na ang bell hudyat na ito na break time na nila. Biglang tumayo si Myoujin at nagtungo ito sa rooftop. Hindi naglinis ng hall way si Yuffie dahil tila medyo masakit ang kaniyang pakiramdam. Walang baong dala si Yufie kaya’t umakyat na lamang ito sa rooftop. Tinitingnan niya ang mga tao sa ibaba habang nakatayo ito. Si Myoujin naman ay nagbabasa lamang ito ng aklat at nakita niya si Yuffie subalit hindi niya ito kinausap. Biglang dumating si Axton at nilapitan niya si Yuffie.
“Narito ka lang pala kanina pa kita hinahanap,” wika ni Axton sa kaniya.
“P-Pasensiya ka na, hindi ko po alam na hinahanap mo ako,” tugon naman ni Yuffie sa kaniya.
Niyakap ni Axton si Yuffie at pinagtangkaan niya itong halikan sa kaniyang mga labi. Itinulak naman ni Yuffie si Axton at tila nainsulto ito sa ginawa ng dalaga.
“You are too brave to push me. Who do you think you are? Isa ka lang naman basahan. Pasalamat ka at nilalapitan pa kita kahit nakakadiri ka kung titingnan!” pang- iinsulto at pagalit na saad nito kay Yuffie.
Takot na takot naman ang dalaga sa ginawa ni Axton sa kaniya. Ibinato naman ni Myoujin ang kaniyang hawak na aklat at natamaan naman si Axton sa kaniyang ulo.
“SINO IYON!!!!!” pagalit na wika ni Axton dahil natamaan ang kaniyang ulo ng libro.
Humarap ito at nakita niya si Myoujin sa kaniyang harapan.
“M-Master Myoujin,” kinakabahang saad ni Axton sa harapan ni Myoujin.
Patakbong umalis si Axton dahil sa takot nito kay Myoujin. Bigla nang tumunog ang bell at nagpasalamat si Yuffie sa kaniya. Yumuko si Yuffie sa harapan ng binatang nagtanggol sa kaniya.
“M-Marami pong salamat, Master Myoujin,” gumagaralgal na sambit ni Yuffie sa kaniya.
Hindi kinibo ng binatang si Myoujin ang dalaga at tumalim ang tingin nito kay Yuffie. Bumaba na ito patungo sa kanilang classroom kasabay nito ang palihim na ngiti ni Myoujin para sa dalaga. Sinalubong naman siya ng kaniyang ka-team sa hagdan. Sinulyapan nila si Yuffie at dali-dali naman bumaba itong bumaba sa hagdan. Ang mga mayayamang ka-team ni Myoujin ay sina Ryuu, Kieffer, Cairo, Harry, Ji-Hoon, Xu Kai, Yan Wei at Jin.
“Sekushii, sore wa dare desu ka, Myoujin-sama? (Sexy, sino siya Master Myoujin?)” Pasulyap na tanong ni Ryuu kay Myoujin.
“Kaklase ko siya, huwag ni’yo na siyang pansinin,” pagsusungit niya sa kanila.
“Come on, let’s party!” pabirong wika naman ni Xu kai sa kanila.
“Tara na, ayoko rin naman pumasok. May alak na riyan?” Tanong naman ni Jin sa kanila.
“Si Myoujin pa ba?” Nakangiting saad naman ni Yan Wei sa kanila.
Pumunta na sila sa kanilang VIP room at sinimulan na nilang magsaya.