Chapter 4: Ji Hoon and Yuffie

1345 Words
Nagpatuloy ang party sa VIP room nina Myoujin at ang kaniyang mga kasama sa organizations. “Master Myoujin, bakit hindi mo imbitahin ang chicks kanina sa rooftop?” Tumatawang wika ni Xu Kai sa kaniya at tumawa itong nang malakas. “Who?” pagtatakang tanong naman nito. “The beautiful sexy woman with big boobs and ass,” tugon naman nito sa kaniya. Tumingin siya ng masama kay Xu Kai at kinuwelyuhan niya ito. Tinapikan naman siya ni Ryuu sa balikat upang awatin si Myoujin dahil tila nainsulto ito sa pagkakabanggit nito ng masama kay Yuffie. “Yamete kudasai Myoujin-sama, Xu Kai wa jyoudan o itte iru (Please stop, Master Myoujin. Nagbbibiro lang si Xu Kai),” mahinahong wika ni Ryuu sa kaniya. “Siguro ay lasing na ako!” tumatawang saad naman ni Myoujin sa kaniya. “Ang sakit no’n master Myoujin, sino ba ang babaeng iyon?” pagtatakang tanong ni Xu Kai habang hinihimas nito ang kaniyang leeg. “She’s just my classmate,” tugon naman nito sa kaniya. “Pakilala mo naman kami sa kaklase mo, master. Napakaganda naman kasi niya,” sambit naman ni Ji Hoon sa kaniya. “Sure ba kayong gusto ni’yo siyang makilala?” tumatawang saad naman ni Kieffer sa kanila. “Oo naman, gusto ko siyang makilala,” wika naman ni Ji Hoon sa kaniya. Tumawa nang tumawa nang malakas sina Kieffer, Yan Wei at Jin. “What’s the problem is there anything wrong with what I asked?” pagtatakang tanong ni Ji Hoon sa kanila. “Naku, Ji Hoon, hindi mo ba nakikita ang hot babe na iyon sa gym or hall ng school natin?” tumatawang wika naman ni Jin sa kaniya. “No, hindi ko siya nakikita,” nagtatakang tugon naman ni Ji Hoon. “That woman is a Janitress,” tugon naman ni Yan Wei sa kaniya. “Oh, really? Hindi ako naniniwala huwag kayong magbiro ng ganyan,” sabat na saad naman ni Xu Kai sa kanila. “Anyway, she looks rich and famous here because she is very beautiful,” wika naman ni Ryuu sa kaniya. Umubo naman si Myoujin sa kanila at napansin niyang si Yuffie na lang ang kanilang pinag- uusapan. “Ehem, that was enough to talk that woman. Hindi naman siya importante sa ating pinag-uusapan. Magsaya na lang tayo!” Pagyayaya ni Myoujin sa kanila. Nagpatuloy sila sa pagsasaya at hindi na nila namamalayan na nalalasing na pala sila. “I like this school, hindi pala boring dito,” wika ni Myoujin sa kanila. Tumawa lang ang kanilang kasama at lihim pa lang itinawag ni Xu Kai si Yuffie. Pumunta siya sa rooftop dahil alam nitong doon namamalagi ang dalaga. Madalas mag-isa ang dalaga dahil wala siyang kaibigan sa kaniyang kamag-aral. “Hey, you!” tawag ni Xu Kai kay Yuffie. Humarap naman naman si Yuffie sa kaniya at tiningnan lamang niya ito. “Hey, ang sabi ko ikaw. May ibang tao pa bang narito?” sarkastikong tanong ni Xu Kai sa kaniya. Lumapit ang dalaga sa kaniya. “B-Bakit po?” pagtatakang tanong ni Yuffie sa kaniya. “Tara sumama ka sa akin,” pagyayaya ni Xu Kai sa kaniya. “P-Pero-“ nanginginig na wika ni Yuffie sa kaniya. “Halika na, masaya roon,” nakangiting saad ni Xu Kai sa kaniya. Hinawakan ni Xu Kai ang kanang kamay ni Yuffie at papunta sila sa kanilang VIP room. Nang pumasok sila sa VIP room takot na takot ang dalaga dahil sa kaniyang nakikita. “Hey, I have a surprise for all of you,” wika ni Xu Kai sa kanila. Hinila niyang papasok si Yuffie sa kuwarto at itinulak niya ito sa couch. Nagulat naman si Myoujin sa kaniyang nasaksihan. Lumapit si Jin sa kaniya at hinawi nito ang buhok ng dalaga. Napaiyak ang dalaga sa sobrang takot sa kanila. Wala naman pakialam si Myoujin sa kaniyang nakikita at ipinikit nito ang kaniyang mga mata dahil sa dala ng kaniyang kalasingan. “Hey babe, why are you scared?” saad ni Jin sa kaniya. Lumapit din si Cairo sa kaniya at hinimas nito ang hita ng dalaga. “Let’s have fun!” sarkastikong sambit ni Cairo kay Yuffie. Nakikita ni Ji Hoon ang ginagawa ng kaniyang mga kaibigan at hinila niya ang dalaga mula sa kaniyang pagkakaupo sa couch. “Stop it, she is scared of what you’re doing,” seryosong saad ni Ji Hoon sa kanila. Nanlalambot si Yuffie dahil sa takot sa kanila. Inimulat ni Myoujin ang kaniyang mga mata at nakita niya na kayakap ni Yuffie si Ji Hoon. “Hey, what’s happening. Are you fighting?” pagtatakang sambit ni Myoujin sa kanila. “Nothing Master Myoujin, someone cares about it,” wika naman ni Jin sa kaniya atsaka nanigarilyo. Nilapitan ni Myoujin ang dalaga at inilapit nito ang kaniyang mukha sa kaniya. Tiningnan mabuti ni Myoujin ang dalaga. “Why are you here?” tanong ni Myoujin sa dalaga. Hindi kumibo ang dalaga at patuloy lamang ito sa pagluha. Hinila ni Ji Hoon ang dalaga sa labas at idinala niya ang dalaga sa Science Room. “Hey, stop crying. Pasensiya ka na kung pinag-tripan ka nila, pero mababait ang mga iyon,” saad naman ni Ji Hoon sa kaniya at ngumiti ito. “Salamat po,” sambit naman ni Yuffie sa kaniya. Umupo ang binatang si Ji Hoon sa silya at kinausap niya ng masinsinan ang dalaga. “What is your name?” Tanong naman ni Ji Hoon sa kaniya. “Yuffie, po” tugon naman nito habang pinupunasan niya ng panyo ang kaniyang mga mata. “By the way, my name is Ji Hoon. Nasa Grade 10 na ako at kasali ako sa athlete team ni Master Myoujin.” Humarap si Yuffie sa kaniya at ngumiti ang dalaga sa kaniyang harapan. Nakikipagkamay ang binata sa kaniya subalit hindi nakipagkamay ang dalaga sa kaniya. “Okay. Kaklasi mo ba si Master Myoujin?” “Opo, kaklasi ko po siya. Nice to meet you po. Salamat po sa pagkakaligtas mo sa akin.” Palabas na ang dalaga sa Science Room at bigla siyang hinawakan ni Ji Hoon ang braso ng dalaga. “Wait!” Nakayukong tumingin si Yuffie sa binata. “Let’s have lunch together!” “M-May baon po ako sir Ji Hoon.” “Huwag mo nang kainin iyon. Tara sa canteen, gutom na ako.” “P-Pero wala po akong pera para pambili ng mga pagkain sa canteen.” “No, I’ll buy you lunch. Let’s go!” Hinawakan ni Ji Hoon ang kamay ni Yuffie at lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Sikat sina Ji Hoon, Xu Kai, Cairo, Kieffer, Jin, Yan Wei, Ryuu at Harry ang kanilang grupo. Bukod na sila ang mga pinakamayayamang at maimpluwensiyang tao sa eskuwelahan, guwapo rin ang mga ito. Maraming humahanga sa kanila at alam nilang may sarili silang VIP room para lamang sa kanila. Nagtaka ang lahat kung bakit nasa kantina ang binatang si Ji Hoon. Umupo ang dalawa sa upuan habang sila ay nasa kantina. “Sa totoo lang ngayon lang ako pumunta rito at humiwalay sa aking mga kasama,” wika ni Ji Hoon sa kaniya. Nakayuko lamang si Yuffie at namumula ang kaniyang mukha dahil alam ng dalaga na sila ang kanilang pinagtitinginan. “Hey!” tawag ng binata sa kaniya. Inalis ng dalaga ang kaniyang pagkakayuko at humarap ang dalaga sa kaniya. “Alam mo napakatahimik mo. What do you want to eat?” “Kayo na lang po mamili para sa akin.” Hindi nakikipila ang binata sa kantina at itinawag niya ang tagapag-serve. “Ano ang masarap na pagkain na available dito?” Tanong nito sa serdebera. Sinabi lahat ng serdebera ang putahe at bumili ang binata. “Master Ji Hoon heto na po at hintayin ni’yo na muna po sukli ni’yo.” “No, keep the change.” “Pero po ang laki po ng sukli ni’yo Master.” “Nope, it is okay. Keep the change.” Kumain na ang dalawa at patuloy pa rin nahihiya ang dalagang si Yuffie sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD