Chapter 5: Myoujin's concern for Yuffie

1303 Words
Nagpatuloy ang pagkekuwentuhan ng dalawa sa canteen at halata kay Yuffie na nahihiya ito kay Ji Hoon. Biglang tumunog ang bell at tumayo na si Yuffie sa upuan. “M-Master Ji Hoon salamat po lunch, mauuna na po ako dahil umpisa na po ang aming klase,” nahihiyang saad ni Yuffie sa kaniya. “Wait, I will take you to your room,” malambing na saad ni Ji Hoon sa kaniya. “H-Hindi na po kaya ko na po.” “No, tara na ihahatid na kita. Can I take you to your home later?” “Hindi na po may sundo po ako mamaya.” “You mean, you have a boyfriend?” “Naku, wala po kasama ko po kasi ang best friend ko kapag pauwi ng bahay.” Hinatid ni Ji Hoon ang dalaga sa kaniyang classroom at napansin ng binata na hindi na naman pumasok si Myoujin. Nagulat ang lahat ng kaklase ni Yuffie dahil hinatid siya ng isa sa sikat sa kanilang eskuwelahan. Kinausap siya ng kaniyang mga kaklaseng babae at halata ang kanilang pagkainis sa kaniya. “Kahit kailan papansin ka talaga. Bakit ang isang tulad mong mabaho, napakasikat dito sa ating school,” sarkastikong saad ng kaniyang kaklase sa kaniya. Tinapunan siya ng juice sa kaniyang damit ngunit ipinagtanggol siya ni Fiona. “Stop it!” pagalit na saad ni Fiona sa kaklase nilang nagtapon ng juice sa damit ni Yuffie. “Bakit ka nakikialam, Fiona. You have nothing to do with it!” “Common. Are you jealous because Yuffie is more beautiful than you? You are Pathetic, look likes rags.” Nainsulto ang kaklase nina Fiona at Yuffie at inawat sila ni Alice. “Hey, stop fighting. Ikaw naman babaeng mukhang juice, wala kang karapatan para awayin mo si Yuffie dahil hindi ka napapansin ni Ji Hoon!” pagalit na saad ni Alice sa kaniya. Umupo na lamang ang babae at binigyan ni Fiona ng panyo si Yuffie. “Here!” wika ni Fiona kay Yuffie habang inaabot nito ang hawak niyang panyo. “Salamat,” saad naman ni Yuffie sa kaniya. Bumalik na sila sa pagkakaupo at nagsimula na sila ang kanilang klase. Kinahapunan ay naghanda na si Yuffie para magtrabaho. Nakita siya ni Ji Hoon habang naglalampaso ang dalaga sa hagdan ng third floor. “Hey, Yuffie!” tawag ni Ji Hoon sa kaniya. “M-Master Ji Hoon,” saad naman nito sa kaniya. “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong nito sa kaniya. “H-Hindi pa po dahil tinatapos ko po itong ginagawa ko,” tugon nito sa kaniya. Kinuha ni Ji Hoon ang mop at ngunit ayaw ibinigay ni Yuffie ang mop. “Ako na lang po, Master,” habang hinihila nito ang mop kay Ji Hoon. “No, ako na lang. Para matapos ka na riyan then let’s go home together.” “Hindi po Master Ji Hoon, ako na lang po baka matanggal po ako sa part-time job ko.” Nakita naman ni Myoujin si Ji Hoon at Yuffie na nag-uusap at nilapitan niya ang mga ito. “Hey, Ji Hoon,” tawag ni Myoujin sa kaniya. “Master Myoujin,” tugon naman nito sa kaniya. “Bakit wala ka kanina sa VIP room natin after natin mag-party?” pagtatakang tanong ni Myoujin sa kaniya. Hinila ni Myoujin si Ji Hoon at walang magawa si Ji Hoon kung hindi sumunod kay Myoujin. Nag-meeting sila sa personal room ni Myoujin. Namangha ang kaniyang mga kaibigan dahil napakalaki at parang bahay na niya ang kaniyang personal room. Naghanda naman si Manong Rolando para kanilang meryenda. “Sugoi! Anata no heya wa sutekina masutaa Myoujin-sama!” gulat na wika ni Ryuu. “Hoy, Ryuu, mag-english o mag-tagalog ka nga hindi kita maintindihan!” reklamong saad naman Xu Kai sa kaniya. “Ang sabi ko, ang ganda naman ng room mo Master Myoujin!” pagalit na sambit naman ni Ryuu kay Xu Kai. “Parang isang buong bahay na ‘tong private room mo Master Myoujin,” manghang wika naman ni Cairo sa kanila. “Tingnan mo may bed pa, mas malaki pa yata ito sa kuwarto ko,” saad naman ni Yan Wei. “Guys, this is my personal room. Even if I don’t go home, kumpleto na rito!” tumatawang saad ni Myoujin sa kanila. Nagkuwentuhan muna sila bago sila umuwi ng bahay. Pagdating sa bahay ni Myoujin nadatnan niya si Aling Cossang na nagluluto ng pagkain nila. Ningitian niya lang si Aling Cossang at pumunta na siya sa kanilang room. Nakatanggap siya ng e-mail mula kay Maki na kaniyang kaibigan sa Japan. Kinabukasan ay personal na nagpaalam sina Yan Wei, Cairo at Kieffer kay Myoujin dahil uuwi na raw sila ng China samantalang si Jin ay uuwi na rin ng Japan. Walang magawa si Myoujin kung hindi ang payagan silang umuwi. Ang natira sa kaniyang grupo ay sina Xu Kai, Ji Hoon at Ryuu madalas naman silang magkakasama. Pumasok na rin si Myoujin sa kanilang classroom at nakita na naman niya si Yuffie na tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase. Sapagkat ang kaniyang uniform ay may bakas pa rin ng mantsa ng juice. “Do you only have one uniform?” tumatawang tanong sa kaniya ng kaniyang babaeng kaklase. “You are disgusting!” tumatawang saad ng kaniyang kaklase at kumunot ang kaniyang noo. Tumayo si Myoujin at bigla niyang hinila papalabas ang dalaga. Nagulat ang lahat dahil kinakaladkad siya ng binata papunta sa kaniyang personal room. Hindi na siya makatiis sa pambu-bully sa kaniya ng kaniyang mga kaklase at alam nitong labis masasaktan si Aling Cossang kung mabalitaan niya ang mga ginagawa nila kay Yuffie. Itinulak niya si Yuffie sa couch at napaupo ang dalaga. Umupo rin si Myoujin sa couch at nanigarilyo. “Manong Rolando tawagin mo ang mananahi ng uniform dito sa school,” utos ni Myoujin sa kaniya. “Yes master,” tanging natugon ng kaniyang battler. “Hey you!” pasigaw na tawag ni Myoujin kay Yuffie. “B-Bakit po master?” “Aren’t you tired of being kind?” Nanginginig ang dalaga sa harapan ni Myoujin. “Bakit hindi ka nagsasalita? Ganyan ba katanga ang pinapaaral namin?’’ “Hindi naman po master kaya lang wala po akong karapatan na manakit.’’ “Okay, wala na akong masabi. You know what, you are so annoying.’’ Nanatili lang tahimik si Yuffie at dumating na ang mananahi nila ng uniform sa school. “M-Master Myoujin,” wika ng mananahi sa kaniya. “Measure her now and sew ten uniforms for her,” utos ni Myoujin sa kaniya. Sinukat ng mananahi ang katawan ni Yuffie. “Napakaganda naman ng katawan at mukha mo, hiha, perfect shape ang katawan mo. Model ka ba? Puwede kang maging artista,” pagpupuri ng mananahi sa kaniya. Nakatingin lamang si Myoujin sa kaniya at napapalunok ito. Tumingin naman si Yuffie sa kaniya at napansin ng dalaga na namumula ang mukha ng binata. Nang hapon, umuwi na si Yuffie sa kanilang bahay at nadatnan nito ang kaniyang nanay na umiiyak. Patakbo itong lumapit sa kaniyang nanay. “Ma, anong nangyari? “ pagtatakang tanong ni Yuffie sa kaniya. “Anak, ang tita mo makukulong kung hindi niya mababayaran ang utang niya!” “Ilan ba utang niya ma? may ipon naman po ako riyan.” “Anak nagkautang ang tita mo ng sampung milyong piso!” Nagtaka ang dalaga kung saan napunta ang ganoong kalaking pera upang utangan ng kaniyang tita Lourdes. Hindi alam ang gagawin ni Aling Cossang lalo na at dalawa na lamang silang magkapatid na magkaramay sa buhay. Kaya’t nag-iisip ng paraan si Aling Cossang kung sa papaanong paraan nito mababayaran ang utang ng kaniyang kapatid sa sindikato. Walang magawa si Aling Cossang at naisip nito ang alahas ni Myoujin na namana nito sa kaniyang namayapang lola na si Kushina Aki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD