Chapter 24: The Reunion

1635 Words
Myoujin’s POV Lagi akong nakatingin kay Yuffie at isang linggo ko na pala siyang bilanggo sa kamay ko. Hindi kami natuloy sa Japan dahil ayokong makita si Megumi. Tumawag siya sa akin at uuwi raw siya rito sa Pilipinas. Hinayaan ko na lang upang malaman niya ang katotohanan. Sa totoo lang nakipag-break na ako sa kaniya dahil iyon kay Yuffie. Hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko na siyang makasama at tila mag-asawa na kami. Tumawag ulit ang brother ko sa Yakuza at ang sabi niya ay pinatay ng mga kalaban ang isa kong tauhan. “Yuugi wa shinde iru (patay na si Yuugi),” wika ng ka-brother ko sa kabilang linya. “Shousai wa oshite kudasai (ibigay mo ang detalye),” utos ko sa kaniya. Ang sabi niya sa akin pinatay raw siya ng tauhan ng aking kalaban subalit alam ko na kung sino sila. Naghihiganti siguro siya dahil pinatay ko ang kaniyang kapatid. Pilit nilang kinukuha at inaalam kung sino ang hacker sa mga nakawang nangyayari sa mga malalaking bangko sa Japan. Hindi nila alam na ako mismo ang hacker at ako lang ang nakakaalam ng code. Ginagamit ko lang ang mga myembro upang mapagtakpan ko ang aking mga ginagawang illegal transactions. May tatlo rin naman akong legal transactions. Biglang may tumawag sa phone ko. “Hello who is this?” tanong ko sa kabilang linya. “This is Fiona, master, I want to talk Yuffie dahil emergency ito,” wika sa akin ni Fiona. Itinawag ko si Yuffie at pumunta siya sa banyo. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-usapan. Umiiyak siya sa aking harapan at lumuhod ito. “Pakiusap po Master Myoujin, pakawalan ni’yo muna po ako dahil kailangan kong pumunta ng hospital,” umiiyak na saad niya sa akin. “You’re just lying to me because you just want to scape!” pagalit na saad ko sa kaniya. “Babalik din po ako, Master please po…” “S-Sino ang pupuntahan mo roon, may lihim ka ba sa’kin?” Umiyak nang umiyak si Yuffie at nagdesisyon akong samahan siya. Pumunta kami ng hospital at nakita ko sina Yuffie, Alice, Ryuu at Xu Kai. “Who was hospitalized?” seryosong tanong ko sa kanila ngunit nakayuko sila sa harapan ko. Biglang tumakbo si Yuffie sa room at sumunod ako sa kaniya. “Yujin, anak ko… Yujin…” tawag niya doon sa nahospital. Nagtaka ako kung kailan pa siya nagkaanak at nakita ko na ang bata. Ang batang kaniyang tinatawag na anak, siya rin ang batang nakita ko sa mansyon na replica ko na sinasabi ni mommy sa’kin. Hinawakan ni Yuffie ang kamay ng bata at labis ang kaniyang pag-iyak at pagluha. “P-Patawarin mo sana si mama, Yujin. Hinayaan kita..patawad anak ko!” Kasabay nito ang paghalik niya sa noo ng bata. Duguan ang katawan ng bata na tila galing ito sa aksidente. Nagulat si Yuffie nang biglaan kong isinara ang pinto dahil nadadala na naman ako sa aking galit. “Who is that boy, Yuffie, tell me!” pagalit na tanong ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kaniyang dalawang braso. Hindi ito makapagsalita ng maayos at nakikita ko sa mukha ng bata na parang ako nga ang ama ng bata. “A-Anak ko po, master---” tanging nasaad niya sa akin at hindi siya makatingin sa mukha ko. “Ako ba ang daddy niya, tell me! Please huwag kang magsinungaling sa akin, sabihin mo ang totoo!” “H-Hindi naman po mahalaga ang k-katotohanan.” “Mahalaga ang isasagot mo, Yuffie! Sabihin mo ang totoo!” Napaupo ito sa sahig at nakikita ko na labis siyang nasasaktan sa aming sitwasyon. “K-Kaya ka ba lumayo noon dahil nabuntis kita?” Tumango lang ito at bigla siyang nagsalita. Subalit ngumiti muna siya sa akin. “Si Yujin ang aking buhay, master. Hindi ako nagsisisi na hindi ako nakatapos ng pag-aaral pero sinisikap ko para mabuhay at mabigyan siya ng magandang kapalaran sa hinaharap. Alam kong hahanapin ka niya balang araw subalit hinanda ko po ang sarili ko sa mga kasinungalingan sasabihin ko sa kaniya. Kahit masakit tatanggapin ko para lang sumaya siya. Lumayo ako dahil ayokong maging sagabal kami sa buhay mo. Alam ko naman po kasi ang katayuan ko noon sa buhay mo at alam kong nagmamahalan kayo ni Megumi. Mahal po kita noon at alam mo iyan subalit mas pinili ko na lang lumayo para hindi masira ang pangalan mo at ang buhay ni’yong dalawa ng girlfriend mo. Tinanggap ko ang sitwasyon natin kahit nadudurog ako noon, patawarin ni’yo po ako kung hindi ko noon nalabanan ang sakit. Nagseselos ako sa tuwing kausap mo si Megumi noon kaya pikit mata akong lumayo. Habang dumadaan ang araw nahahalata na ang tiyan ko at nagiging parusa sa akin ang lahat. Subalit masaya pa rin ako dahil nabigyan ni Yujin ng liwanag ang madilim kong mundo. Sa tuwing nagtatalik tayo noon iniisip ko po kung hanggang doon na lang at nagbunga na nga po ang una kong kinatakutan. Hindi madali ang panganganak ko dahil bata pa ako noon, pero pinilit ko para lang mabuhay siya. Ipinangako ko kay Yujin na pupunan ko ang kakulangan niya. Kahit sa pangalan mo na lang po kinuha ko ang pangalan niya bilang pag-alala sa’yo. Hindi ko siya kinamuhian kahit nakikita ko ang mukha niya sa’yo. Gusto kong malaman mo master, kailanman hindi kita kinamuhian. Kahit na nalaman mo na ang katotohanan, pangako po lalayo kami ni Yujin para hindi kami makasira sa’yo,” umiiyak na wika niya sa akin. Nanginig ako sa nalaman ko at ang babae pa lang kinamuhian ko, siya pala ang mas maraming sakripisyo kumpara sa akin. Minahal niya ako ngunit hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya sa akin noon. Niyakap ko siya ng napakahigpit at hinalikan ko siya sa kaniyang labi. “Huwag po kayong mag-alala master, lalayo kami ni Yujin. Sana maging maligaya kayo ni Megumi..” “Hindi, huwag mo na akong iwan ulit Yuffie. Just stay by my side with Yujin, please..” Niyakap namin ang anak namin at iniwan muna ako ni Yuffie sa room. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at hinalikan ko rin siya sa noo niya. “Hi Yujin, I’m your dad. Sorry dahil hindi ko alam na nabuntis ko noon ang mama mo. Sorry dahil naging selfish ang daddy mo. Babawi ako sa’yo at promise ko sa’yo bibigyan ko kayo ng masayang buhay. I love you, Yujin. Kaya pala sabi ni lola mommy mo, you are my replica. Nagmana ka talaga sa’kin, hihintayin ka namin magising,” nakangiting saad ko sa kaniya. Biglang dumating ang doctor at kinausap niya ako. “Your child suffered only a minor injury. He can go home when he wakes up. We have already stitched up his small wound on the head. There was no fracture in his skull. Only his scalp was injured and he was just scared out of fear,” nakangiting wika sa akin ng doctor. “Thank you, doc,” saad ko sa kaniya. Pumasok na sina Yuffie, Xu kai, Ryuu, Alice at Fiona. Ngumiti sila sa akin at nagpasalamat ako sa kanila dahil inalagaan nila ang anak ko. Nauntog daw ito sa mesa kaya nagkasugat ang ulo niya. Umuwi na sila at biglang nagising na si Yujin. “Mama—” tawag niya kay Yuffie. Niyakap ni Yuffie ang anak namin at lumapit ako sa kaniya. Ipinakilala ako ni Yuffie sa kaniya at umiyak nang umiyak ang anak ko. “Huwag ka nang umiyak anak, daddy is here na. You call me dad then uwi na tayo sa lola mommy mo mamaya,” nakangiting saad ko sa kaniya. I carried him to the car at pumasok na kami sa loob. Bigla akong napaluha dahil sa kaligayahan. Yuffie and I have a son at nagpa-sorry na rin ako sa kaniya. Nakatulog si Yujin sa biahe at hindi ko namamalayan na nasa mansyon na pala kami. “I will lift him up,” wika ko kay Yuffie at ibinigay niya sa akin si Yujin patungo sa loob. Nagtataka ang mommy ko kung bakit kasama ko si Yujin at Yuffie. Kinuwento ko ang lahat sa kaniya at naluha rin sina mommy at daddy. “Kaya pala magkamukha kayo ni Myoujin, dahil you are his son. Welcome to the family, natupad na rin ang gusto ko,” nakangiting wika ni mommy sa kaniyang apo habang nakakalong ito sa kaniya. Biglang tumayo si Yuffie at nagpapaalam nang umuwi. “No, stay here!” utos ko sa kaniya. Idinala ko ang aming anak sa aking kuwarto at nakagitna siya sa amin. “Tomorrow, we were going somewhere para naman maipasyal natin siya,” hinalikan ko sa pisngi at noo ang aming si Yujin. Tumayo si Yuffie at dumungaw siya sa window. Tumayo rin ako at niyakap ko siya patalikod. Hinalikan ko siya sa kaniyang cheeks at lumuha. “Alam mo bang nagkasakit ako noong umalis ka sa life ko? Sorry dapat pala noon hindi na kita pinakawalan pa.” Humarap siya sa’kin at hinimas niya ang mukha ko. Bigla ko siyang niyakap. “You are mine, Yuffie. I went crazy when you disappeared from my life. I'm sorry I let you go. I want you to know that how much I love you. When we were in high school I’m in love with you, I'm sorry if I looked down on you. Sorry for my sins!” umiiyak na sambit ko sa kaniya. “Hindi ko na hahayaang lumayo ka pa sa akin. Please stay,” dagdag na sambit ko sa kaniya. “I love you, too,” tanging nasaad niya sa akin. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi at habang tulog ang anak namin, pinagsasaluhan namin ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa. End of POV Hindi nila alam paparating na si Megumi rito sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD