bc

The Crescent Moon

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
HE
friends to lovers
prince
princess
bxg
kicking
scary
campus
rebirth/reborn
war
stubborn
like
intro-logo
Blurb

This is the Book 2 of Hunter's Moon. You can find the first book on D R E A M E/ Y U G T O.

She was a famous and merciless assassin in her past life. But after what she experienced in the second life that the Moon god gave to her, she decided to fight to keep the peace in the world of Thamani.

But how will she be able to do that if the original owner of the body where her soul resides is trying to take it back from her?

Is she willing to give it back since she is not really the original holder of the body?

Or she will fight for it because she believes that she is more deserving to live in this world than the woman who only wants its destruction?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Copyright 2023 by LelouchAlleah/KnightmareZero All Rights Reserved A/N: Kailangan nyo po munang basahin ang book 1 (Hunter's Moon by KnightmareZero) sa D R E A M E/Y U G T O bago pagpatuloy sa pagbabasa ng akdang ito upang hindi kayo maguluhan sa mga nangyayari. Mananatiling libre ang parteng ito ng akda bilang pasasalamat sa inyong magiging suporta sa unang parte nito na nasa ibang platform. Maraming salamat. ******************** Sina Crisiente’s POV (First Princess Of Diamond Kingdom) Damn it! Inis kong ginulo ang buhok ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko ma-access ang memorya ni Luna mula nang dumating siya sa Topaz Kingdom kung saan una niyang nakaharap ang miyembro ng Full moon council. Iyong mga alaala lang niya noong nangangapa pa siya sa mundong ito ang tanging naa-access ko. And this is not good! I have to know everything before the next full moon comes. “Oh.” Naging alerto ako at agad na tumayo upang lingunin ang nagsalita. At bumungad sa akin ang nakangiting si Eleanor na nakatayo sa tabi ng sirang pinto ng throne hall nitong Aquamarine Kingdom na siyang kinalalagyan ko ngayon. “I didn’t expect to finally see you, Sina Crisiente,” she said. “Or is it really you? Baka naman nagtatago kang muli sa luna del cacciatore na siyang ginamit mo para pahinain si Hunter?” “What are you doing here, Eleanor?” walang gana kong sambit. Hindi siya banta sa akin kaya wala nang dahilan para maalerto ako sa kanya. She can’t kill me and I can’t kill her either. “Do you need something?” Muli akong naupo. “To you?” She shook her head. “Nothing. Wala ka namang kahit anong mai-o-offer sa akin. Pero diyan sa trono na kinauupuan mo ay mayroon.” Bumaling ako sa sandalan ng tronong inuupuan ko pagkuwa’y bumuntong hininga at muling tumingin sa kanya. “Sorry. But you can’t touch this throne.” Isang bagay lang ang mayroong halaga sa tronong ito at kakailanganin ko din iyon para tuluyang gisingin ang lalaking pinakamamahal ko. “Pwede ka nang umalis.” “Sorry, I can’t do that.” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumulpot sa likod ng trono at mabilis na hinablot ang aquamarine stone na nakadikit sa sandalan ng upuan na ito bago pa ako makapag-react. “Bring it back, you witch!” Akma ko siyang susugurin ngunit doon ko lang napansin na nakatali na pala ang isa kong kamay sa trono. “Damn it!” Ngumisi siya at naglakad na papuntang pinto ng throne hall. Habang ako ay abala pa din sa paglakas ng tali na ginamit niya sa akin. “Huwag ka nang mag-abala na alisin iyan,” aniya. “Tanging ang mga luna del cacciatore lang ang maaaring makapagtanggal niyan.” Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kanya. “What?” “Hindi mo alam ang tungkol sa Thamanian rope?” balik niya sa akin. “Every kingdom uses that to tie criminals because it is impossible to take it off without the help of a Hunter’s moon. Kaya hindi mo iyan basta matatanggal. Not unless you switch with the soul of a Luna del cacciatore that resides in your body.” “s**t!” Para na rin niyang sinabi na ibalik ko ang kontrol ng katawang ito sa babaeng iyon. Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. “Why are you doing this? Are you trying to get rid of me by helping them?” “I don’t need to get rid of you just to do my goal, little girl,” she said. “But I need Luna Nueva to proceed with my goal.” “What?” “It was you who brought her here so you should know how powerful her soul is.” Tinalikuran na niya ako. “So, if you want to get this stone back, go hide again and let the other soul use that body. Siya lang din ang may kakayahan na bawiin ito sa akin.” At tuluyan na siyang umalis. Inis kong sinuntok ang trono pero dahil may mahika na nakabalot dito ay hindi man lang ito nagalusan kahit pa binalutan ko din ng mahika ang kamao ko. Shit! Masyado akong naging kampate na hindi gagawa ng kahit ano si Eleanor laban sa akin dahil pareho lang naman ang gusto namin, ang pagkawasak ng buong Thamani. Hindi ko inaasahan na tutulungan niya si Luna na mabawi ang katawan kong ito. Tang ina talaga! Ginulo ko ang buhok ko at tumitig sa kamay kong nakatali. Mukhang wala din akong magagawa kahit pa dumating dito sina Addielle para sumunod sa kasunduan na binigay ko sa kanila. Matutuwa pa sila kapag nakita nila ang sitwasyon ko at baka gumawa pa sila ng higit na magbibigay sa akin ng disadvantage. Kaya mas mabuti nang unahan ko sila. Huminga ako ng malalim at ngumisi. “Well, I guess you are really lucky, Luna Nueva. Mae-extend pa ang pagkakataon mong mabuhay sa mundong ito.” Sinimulan kong iguhit sa hangin ang isang spell na siyang tutulong sa akin upang muling makuha ang kontrol sa katawang ito oras na kailangan ko nang bumalik. “Enjoy every last bit of moment that you have. Dahil sa susunod na makontrol ko ang katawang ito ay sisiguraduhin kong tuluyan ka nang maglalaho.” Agad nag-activate ang spell at unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko. Hindi ko na iyon nilabanan at maayos na nahiga na lamang sa trono pagkuwa’y tuluyang pinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan nang hinila ng dilim ang aking diwa. ********************* Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang walang katapusang kadiliman na siyang bumabalot sa paligid ko. Tanging ang sarili ko lang ang nakikita ko sa mga oras na ito kaya nasisiguro kong hindi maganda ang sitwasyon ko. Nasaan ako? Ano ba ang nangyari sa akin? Sa pagkakaalala ko, naghahanda na kami para sa pagbawi ng Aquamarine Kingdom sa mga halimaw na nakapasok dito. Ngunit nang makaramdam ako ng p*******t ng ulo ay bigla na lamang akong nilamon ng dilim at hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari. “Luna!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Alice. “Luna!” “Alice? Is that you?” “Wake up, Luna!” patuloy ang kanyang pagsigaw. “Kailangan mo nang gumising!” Gumising? Anong sinasabi niya? Iginala ko ang tingin sa paligid ngunit hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses niya. Tinahak ko ang bawat direksyon ngunit wala akong ibang nakikita kundi ang madilim na paligid. “Alice!” sigaw ko. “Nasaan ka!” “Gumising ka, Luna!” balik sigaw niya. “Kailangan mo nang gumising!” At bigla na lamang nawala ang dilim na bumabalot sa akin at napalitan iyon ng liwanag na hindi kinaya ng aking mga mata kaya napapikit na lamang ako. “Don’t worry, Luna, I will keep protecting you.” “Alice!” ********************* - LelouchAlleah - - KnightmareZero -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
42.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
247.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook