Rin’s POV (Currently inside the body of Kronen)
Dahan-dahan kong iniangat ako ulo ko at tumingin sa babaeng parating sa wasak na gusali na kinalalagyan ko ngayon.
“Hindi ko inaasahan na tutupad ka sa pangako mo,” nakangiti nitong sabi hanggang tuluyang makalapit sa harap ko. “Dala mo ba ang kailangan ko?”
Inilahad ko ang palad ko sa harap niya upang ipakita ang batong kailangan niya. “This is what you need, right?”
Tumango siya at kinuha iyon pagkuwa’y pinakatitigan. “Yeah, this is the one.”
“Anong kailangan mo sa mga batong iyan, Eleanor?” tanong ko sa kanya.
Yeah, ang babaeng kaharap ko ngayon ay si Eleanor, ang siyang nagnanais na wasakin ang buong Thamani dahil sa kagustuhan niyang makarating sa tahanan ni Hunter.
“Ang halaga nito ay kasing halaga ng buhay ng babaeng iyon,” sambit niya. “Kaya nga pumayag akong makipagtulungan sayo upang makuha ang kailangan ko at maibalik sayo ang kailangan mo.”
Nang malaman ko mula kay Addie na muling bumalik si Sina upang kunin ang kontrol sa katawan niya at ginamit itong hostage upang ibigay namin sa kanya ang alaalang itinago ni Luna sa kanya ay agad akong nakipagkasundo kay Eleanor.
Alam ko ang dahilan kung bakit niya sinusugod ang bawat kaharian at dahil madali na kunin ang isa sa mga ito ay ginamit ko ito upang hingin ang tulong niya.
Siya lang kasi ang nakakaalam kung paano muling maibabalik kay Luna ang kontrol sa katawan ni Sina.
“Getting all these stones will help me build the door that will connect Thamani and Selene,” sabi niya at itinabi niya iyon. “Mas madali kasi ito kaysa magsakripisyo pa ng ibang buhay na sigurado namang mauuwi sa laban.”
Kumunot ang noo ko. “Ang mga batong iyan?”
Tumango siya. “These stones represent every kingdom,” aniya. “It holds power that Hunter personally granted to them. Ito ang proteksyon ng bawat kaharian sa bawat isa upang iwasan ang digmaan.”
Her first goal was to collect powerful roho. Pero wala siyang napala sa mga ito dahil hindi ito compatible sa portal na binubuo niya upang makarating sa Selene, ang tawag sa buwan ng Thamani kung saan naninirahan si Hunter.
Then, she learned about these stones.
Ito ang representasyon ng bawat kaharian, at tulad nga ng sinabi ni Eleanor, mayroon itong basbas mula kay Hunter upang proteksyon sa bawat isa na siyang dahilan kung bakit kailanman ay walang naganap na digmaan sa pagitan ng mga kaharian.
Tingin niya ay sapat na ito para sa portal niya. Mas madaling makuha at maipon.
Hindi din naman kasi niya maaaring patayin si Sina kaya sumuko na siya sa pagkuha ng roho nito na siyang pinakakailangan niya sana para makarating sa Selene.
“I only need the last one,” sabi niya.
“I can’t help you with that anymore.” Tumayo ako. “You did your part and I gave you what you wanted. If you want the Diamond stone from that kingdom, you can get it yourself.”
“Hindi ko na kailangan ng tulong mo para makuha iyon.” Tinalikuran na niya ako at naglakad palabas dito. “Just make sure to take care of Luna. Oras na muling makuha ni Sina ang kontrol sa katawan niya ay wala na akong magagawa para tulungan kayo.”
“I know that.”
Tinitigan ko na lang ang likod niya hanggang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
“So, it is you.”
Mabilis akong bumaling sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Alicia. “W-what are you doing here?”
“I know there was something weird going on around you so I decided to follow you,” she said. “Hindi ko inaasahan na makakayanan mong makipagkasundo kay Eleana para lang iligtas si Luna.”
Huminga ako ng malalim. “That is the only thing that I can do,” sabi ko. “Simpleng bato lang naman ang kailangan niya kapalit ng pagtulong para maibalik si Luna.”
“Hindi lang simpleng bato ang ibinigay mo sa taong gustong wasakin ang mundong ito!” sigaw niya. “That is every kingdom’s treasure! And you just hand over the sapphire stone to her.”
“Like what I said, Luna is more important than that damn stone!”
Alam ko kung gaano pinapahalagahan ng bawat kaharian ang bato na nasa pangangalaga nila. Alam kong bawat kaharian ay handang ibuwis ang kanilang buhay para lang masiguro na hindi mapupunta sa maling kamay ang mga batong iyon.
Ako, sa lahat ng nilalang dito sa Thamani ang higit na nakakaalam kung gaano kahalaga ang mga batong iyon.
Pero higit na mas mahalaga na maibalik si Luna sa amin! Addie has already decided to kill Sina, even if it means sacrificing Luna.
At hindi ko iyon maaaring hayaan.
Thamani needs Luna. Tuluyang mawawalan ng pag-asa ang mundong ito kung mawawala si Luna sa amin.
“I know what I am doing, Alicia,” giit ko. “So please understand that it is for the sake of this world.” Hindi ko na siya hinintay pa at agad na lang umalis doon.
Wala akong pakialam kung sabihin man niya sa lahat ang ginawa ko. Wala akong pinagsisisihan at kung kakailanganin kong gawin ay hindi ako magdadalawang-isip na ulitin ito. Kahit pa ibigay ko ang lahat ng mayroon ako kay Eleana, kung siya lang ang makakapagbalik kay Luna ay nakahanda ako.
“Rin!” Sinalubong ako ni Luna nang makabalik sa kampo namin.
Malapit nang matapos ang paghahanda para sa pagbalik namin sa Diamond Kingdom at siguradong bukas ng umaga ay magsisimula na ang paglalakbay namin.
“Saan ka ba nanggaling?” tanong niya. “Kanina pa kita hinahanap.”
“I was just checking the perimeter,” sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
“Ahm… is there something wrong?” Niyakap niya din ako pagbalik at hinaplos ang likod ko. “May nangyari bang hindi maganda sa pagpa-patrol mo?”
Huminga ako ng malalim tsaka kumalas ng yakap sa kanya at umiling. “Nothing. I just miss you.” I caressed her face and kissed her forehead.
Alam kong pagiging makasarili ang pagdedesisyon kong ibigay kay Eleanor ang sapphire stone na siyang pinangangalagaan ng Sapphire Kingdom.
Pero wala akong hindi gagawin para masiguro ang kaligtasan ni Luna.
Kung kinakailangan kong isakripisyo ang mundong ito upang masiguro na walang mangyayaring masama sa kanya ay nakahanda ako.
Ikagalit man ito ni Luna.