bc

The Shaman's Lover

book_age18+
715
FOLLOW
1.2K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Have you ever experienced to see a ghost? But not just a ghost... a beautiful ghost.

Noong una, inakala ni Chad na normal na tao ang isang magandang babae ang iniligtas niya noong gabing makita niya ito sa isang gusali. Not until he found out that the girl he saved was a ghost named Andrea who is seeking for help.

Andrea who was looking for an answer from her pass life met Chad. That night, Chad became her only option. Si Chad lang kasi ang nakakakita sa kaniya at nagagawa siyang kausapin.

At first, Chad didn't want to help her but because of the guilt, he had no choice but to find the answer on Andrea's sudden death.

Kaya lang, habang tumatagal ay nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Subalit aayon kaya ang tadhana kung ang isang multo at ang isang normal na tao ay magmahalan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"EVERYONE, I would like to announce that we have new general manager, and that would be... Miss Andrea Del Mundo!" Ito ang anunsyong sumambulat kay Andrea nang pumasok siya ng opisina. Isa itong napakagandang oportunidad para sa kanya. And she wouldn't miss the opportunity of becoming the general manager of the company where she had been working for almost ten years. Mangiyak-ngiyak siyang humarap sa mga katrabaho dahil sa tuwang nararamdaman. "Oh, God! Thank you so much, Miss Alesandra, for choosing me!" Panay ang palakpakan ng mga kasama niya sa trabaho habang ang iba naman ay kinakamayan siya at kino-congratulate dahil sa natanggap niyang promotion. Ramdam na ramdam ni Andrea ang mainit na pagtanggap ng mga kasama sa kanya sa bago niyang posisyon sa advertising company kung saan siya nagtatrabaho. Mula sa pagiging assistant manager ay nakitaan siya ng pagiging responsable sa trabaho kaya hindi nagdalawang-isip ang kompanya na ilagay siya sa mataas na posisyon. "You don't need to thank me. You deserve the position," nakangiting wika ni Miss Alesandra - ang kanyang boss. "I still owe you for this," Andrea said with joyful glanced on her eyes. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang manager kaya naman hindi niya magagawang tanggihan ito. She had always been passionate about her job. Thus, the management thought that she deserved to be in a higher position. "Pack your things up because your new office is awaiting you," ani Miss Alesandra. "Yes, Ma'am." Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Andrea habang isa-isa niyang inilalagay sa kahon ang mga gamit niya. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa kanyang isipan na naabot na niya ang pinapangarap na posisyon. Kinikilig-kilig pa siya habang hawak ang kahon na pinaglalagyan ng kanyang mga gamit at naglalakad patungo sa bago niyang opisina. Alam niyang mas mahirap ang trabahong kakaharapin niya subalit handa siya sa kung anumang challenges ang ibigay sa kanya. As the new general manager, she will do her best to impress the management. And she would never give them the chance to regret their decision of promoting her. Buong buhay niya ay inilaan niya sa kompanyang pinapasukan at sa loob ng napakaraming taon na pagiging assistant manager ay hindi siya nakagawa ng anumang kapalpakan sa kanyang trabaho. Siguro naman ay deserve niya na magkaroon ng ganoong oportunidad. ***** "GOSH! I am so grateful that you are the new general manager of this company. Imagine, for so many years of working here, ngayon nakuha mo na ang pinapangarap mong position." It was Eliza, her best friend. Malapad ang ngiti nito habang kumakain ng paborito niyang chicken salad sa restaurant kung saan sila naroroon. "Sayang nga lang at na-late ako sa trabaho. Eh 'di sana nagpagawa ako ng banner may nakalagay na 'Congratulations' at winagayway iyon sa buong floor ng building," pabirong wika ng kaibigan kay Andrea sabay tawa. Natawa na lang din si Andrea sa biro ng kaibigan. "E, bakit ka nga pala na-late kanina? Hindi mo tuloy naabutan ang crowning moment ko." May saglit na pag-irap sa mga mata ni Eliza. "Guess what happened to me earlier." "I think, may sumira na naman ng araw mo today," saad ni Andrea. "Correct!" "And that is..." Andrea was waiting for an answer from her. Nagsasawa na siyang pakinggan ang mga rants ng kaibigan every morning. She had no choice but to listen. "There is this guy na muntik na akong masagasaan kanina pero sa halip na mag-sorry, the douchebag just nagged at me." "E, baka naman kasi kasalanan mo talaga?" Napangiwi si Eliza sa tinuran ng niya. Sign that she was guilty for what happened. "W-well, hindi ko naman kasi alam na green light na pala. It wasn't my fault because I am in a hurry." Nawala naman ang inis ni Eliza nang tila ba may naalala. "But you know what? Ang cute n'ong guy na muntik nang makabangga sa akin." Andrea shook her head. Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis magbago ang mood ng kaibigan. "May pambawi naman pala." "Pasalamat na lang siya at cute siya, 'no? Kundi, napatulan ko na siya," angil ni Eliza. Andrea just took her bag on her side and fixed herself. "Anyway, I need to go. I have to check all the proposals for the next issue," she said. "Sabay na ako sa iyo," wika naman ni Eliza at nag-ayos na rin ng gamit. ***** INABOT na ng gabi si Andrea sa opisina. It was a very stressful day for her pero hindi pa rin niya magawang makauwi ng apartment niya dahil may mga presentation pang kailangang tapusin. She had to finish it before the deadlines. Kitang-kita naman sa kanya kung paano kapursigido sa trabaho pero nakaramdam na siya ng labis na pagod sa ginagawa. She leaned her back and took some deep breath. 'I think, I need some air.' Gusto niyang mag-relax pansamantala. Gusto niyang kumawala saglit sa mga papel na nasa harap niya at lisanin ang tanging liwanag na nagmumula sa kanyang laptop. Nakaka-toxic din pala ang bago niyang gawain. Doon pa lamang siya nagpasyang tumayo sa upuan at umakyat sa rooftop. That place was sacred for her. Doon kasi siya nagpupunta sa tuwing gusto niyang mapag-isa o makahinga sa lahat ng stress na inaabot niya. She lit her cigarette up and started to smoke. The wind that blew to her skin made her shivered but she wanted it for so long. Pakiramdam niya, doon lang sa lugar iyon niya naihihinga ang lahat ng problema niya sa buhay. Pinagmamasdan lang niya ang makukulay na ilaw na nagmumula sa mga gusaling nasa harap niya at nawawala na ang mga bagay na nagpapabigat sa kanyang dibdib. Saglit namang nakatawag pansin ang litrato na kinuha niya mula sa kanyang bulsa at pinagmasdan iyon. She held a small photo of her mother. "Kakayanin natin 'to, Mom." She was smiling but her heart was shattering into pieces. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya matanggap ang pinagdadanan ng kanyang ina. Her mother trying to be strong dahil silang dalawa na lang ang magkasama. She just smiled but all of a sudden ay hindi sinasadyang mapawid ng hangin ang hawak niyang larawan. Mabuti na lang at hindi ito tuluyang lumipad papalayo. That picture was very important to her. Iyon na lang kasi ang natitirang ala-ala ng ina since she died. Kaya hindi niya hahayaang mawala ito. Andrea hopped onto the railings to get the photo. Pero hindi niya magawang abutin ang nakasabit na bagay sa nakausling bakal. She had no choice but to step up to another rail. Isang metro na lang ang layo ng kanyang kamay rito pero hindi pa rin niya maabot ni-dulo ng bagay na nais abutin. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala niyang nailalagay ang buhay sa panganib. Half of her body was at the edge of the building. Hindi niya napapansin ang nakakalulang vicinity sa baba ng rooftop dahil naka-focus lang siya sa ginagawa. Nagulat na lang siya nang bigla siyang mawalan ng balanse hanggang sa tuluyan na siyang mahulog mula sa ika-labinlimang palapag ng gusali. Daang-metro ang taas nito kaya kahit na sinong nilalang ang nasa itaas ay pihadong hindi mabubuhay sa oras na lumagapak ang katawan sa pinakababang bahagi ng building. Kasabay ng pagbagsak ng katawan niya ay ang pamamanhid nito. Hindi na niya magawang itayo pa ang sarili dahil unti-unti na siyang nanghihina. Ang huling bagay lang na nakita niya ay ang pagbagsak ng larawang inaabot niya kanina. Ang napakasayang mukha ng ina sa larawan ang siya na yatang maaalala niya hanggang sa malagutan siya ng hininga. "Mom..." Ito ang mga huling salitang nabanggit niya bago niya naiipikit ang mata at tuluyang nawalan ng malay. Segundo lang ang lumipas ay dumanak ang dugo sa kalsada at nagsilapitan ang mga taong gustong usisain ang wala nang buhay na si Andrea.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook