Chapter 41

1941 Words

PUMORMA ang dalawa nina Elias at Chad at ihinanda ang sarili sa sagupaang mangyayari. Dalawang nakakuyom na kamao ni Chad ang handang umatake sa oras na sumugod si Alvaro. Habang si Elias naman ay hawak ang dalawang punyal sa magkabilang kamay — ang isa ay nasa likod para sa susunod na opensa ng nasa harap na sandatang hawak. Si Mang Tonyo naman ay nagtago lang sa isang sulok at halatang takot na takot sa nakikitang nilalang. Alam kasi niyang wala siyang maitutulong kaya mas pinili na lang niyang panoorin ang dalawa kung paano ang mga ito makikipagsagupaan sa demonyo. Hindi rin naman nakaligtas sa mga mata n Elias ang babaeng walang malay na nakakadena sa upuan. “Siya pala si Andrea,” ani Mang Tonyo sa sarili. Hindi na ito nagtaka kung bakit may ganoon na lang kapursigido si Chad na ilig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD