BAKAS sa mukha ng dalawa ang sayang nararamdaman habang magkasama. Hindi mawala sa mga labi ang ngiti nila at tila ba hindi maalis ang tingkad sa kanilang mga mata kapag tinitingnan nila ang isa't isa. Ang mga paru-parong nagliliparan sa kanilang mga kalamnan ay para bang hindi na naman matahimik. Marahil iyon ang senyales ng pag-ibig. Kung hindi man ay namumuong pagtitinginan. Labis ang ligayang nararamdaman. Sino nga naman ang hindi gugustuhin ang ganoong pakiramdam? Their feeling towards each other was perfectly mutual. Wala silang pakialam kung anong mundo ang kanilang ginagalawan. Magkaiba man ito ay magkalapit ang kanilang nararamdaman sa isa't isa. "Ang ganda," namanghang wika ni Andrea habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa seas

