"I WANT you to be my boyfriend." Eksaktong iinom ng wine si Chad nang sabihin ni Eliza ang bagay na iyon at hindi niya napigilang maibuga ang inumin nang marinig ang kataga nito. He couldn't imagine how this girl could be this aggressively told it to him that way. Kasabay ng malamig na hangin sa kinatatayuan niya ay ang panlalamig din ng kaniyang mukha. Hindi lang iyon. Kitang-kita niya ang reaksyon ni Andrea na nasa likod lang ni Eliza na gulat na gulat din sa narinig. Sa titig ni Andrea kay Eliza, kung buhay pa ito ay malamang kanina pa niya itong nasabunutan o kaya naman ay nasaksak gamit ang bread knife na nakalatag sa mesa sa harapan nito. Pasalamat na lang talaga si Eliza at hindi magawang hawakan ni Andrea ang lahat ng bagay sa paligid niya nang ganoong kadali lalo ngayon na hind

