bc

Queen Of Mr. Luxeria's Heart

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
mafia
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

ONE HUNDRED THOUSAND PESOS. Iyan ang kailangan ni Euphemia para sa operasyon kanyang Lola Raquel. Iyan din ang dahilan kaya naisipan niyang lumuwas ng Maynila para humingi ng tulong sa Tiyuhin niyang si Alvin Tuazon, ang panganay na anak ni Lola Raquel.Ngunit sa pagdating niya sa Manila, isang estrangherong lalaking sugatan ang kanyang tinulungan. Wala siyang ideya na ang lalaking pala iyon ay ang kilala siga at kinakatakutan sa lugar na iyon. At isa ring multi-billionaire.Gustong pagsisihan ni Euphemia na iligtas niya ang buhay ng lalaki dahil simula noon ay madalas na siyang kinukulit nito, at pinipilit na magpakasal. Tatanggapin ba niya ang inaalok ng lalaki ganoong posible itong makatulong sa financial problem niya ngayon sa kanyang Lola?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ONE HUNDRED THOUSAND PESOS. Iyan ang kailangan ko para sa operasyon ni Lola. Iyan din ang dahilan kaya naisipan kong lumuwas ng Maynila para humingi ng tulong sa Tiyuhin kong si Alvin Tuazon, ang panganay na anak ni Lola Raquel. Ako si Euphemia Tuazon. Aaminin kong Lola's girl ako. Si Lola Raquel kasi ang nag-aruga sa akin simula pa noong sampung taong gulang palang ako; simula nang mamatay ang magulang ko sa isang car accident. Si Lola na lang ang lahat sa akin. Kaya naman, malaki ang takot kong mawala siya. Si Lola Raquel din ang nagpaaral sa akin mula Elementary hanggang highschool. Dahil naman sa hirap ng buhay kaya hindi na ako nakapag-college. Tinuon ko na lang atensyon ko sa pag-aalaga ng mga manok at sisiw sa maliit naming farm. Pero dahil sa biglang nagkasakit si Lola kaya nagpasya akong lumuwas ng Manila na mag-isa. "Lola, promise ko sa'yo. Makakahanap ako ng sapat na pera para pampagamot mo! Alam kong hindi ka naman matitiis ni Tito Alvin dahil kahit baliktarin man ang mundo, ikaw pa rin ang Ina niya!" Ito ang mga binitawan kong salita bago ako sumakay ng bus patungong Monumento. Hindi lingid sa aking kaalaman na may hindi pagkakaunawan si Lola Raquel at si Tito Alvin. Kaya naman halos limang taon na ring wala kaming balita rito. Pero malaki ang tiwala ko na hindi matitiis ng anak ang kanyang magulang lalo na sa ganitong sitwasyon. Kaya naman mula Olangapo hanggang Maynila ay naglakas loob akong bumiyahe mag-isa. Tanging pirasong lumang papel kung saan nakasulat ang adress ni Tito Alvin ang aking dala-dala. Umaaasa akong mahahanap ko siya, at makakahingi ako ng tulong sa kanya. "Miss, hanggang dito na lang! Ito na po ang terminal," anang conductor na lumapit sa kinauupuan ko. Nagulat ako at napatingin sa labas ng bintana, "Ito na po ba ang Maynila?" Inosenteng tanong ko. "Oo," tugon nito. "Manong pwedeng bang sabihin kung saan po ito?" Nagawa ko nang ipakita sa kanya ang papel kung saan nakasulat roon ang adress ni Tito Alvin. Nakuha namang basahin iyon ng conductor, "Naku, ija. Kailangan mo pang sumakay ulit ng jeep papuntang Santa Cruz. Pero kung gusto mo ng madali, kailangan mo nang magtaxi." "Ganoon po ba?" Kinakabahan kong sagot dahil alam ko sa sarili ko na mahal ang pamasahe kung magtataxi ako, "Salamat po, Manong!" Pagpapasalamat ko na lang saka na ako bumababa ng bus. "Mag-iingat ka, ija! Maraming loko sa daan!" Babala pa ni Manong Driver sa akin. "Salamat po sa paalala," nagawa ko naman siyang ngitian. Hindi naman ako natatakot na madukutan. Wala naman kasi akong dalang malaking pera. Wala rin akong cellphone. Ang ibang pera ko naman ay nakatago sa loob mismo ng medyas ko. Ang teknik na ito ay tinuro sa akin ng mag-asawang Nida at Caloy para kung sakaling madukutan ako, may extra pa akong perang naitatago. Sinunod ko naman ang mga sinabi sa akin ng conductor ng bus na pinagtanungan ko. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko. Sa gitna ng paghahanap ko sa bahay ni Tito Alvin, natagpuan ko ang isang simbahang bukas pero wala namang tao. Hindi ko maiwasan ang magtaka dahil alam kong kahit ordinaryong araw ay hindi nawawalan ng tao sa simbahan lalo na kung ito ay bukas. May pumasok sa isip ko na saglit na pumasok roon para magdasal. Naniniwala rin kasi ako sa kasabihan na kapag first time mo lang daw makapunta sa isang hindi pamilyar na simbahan, lahat ng pinagdarasal mo ay matutupad. Ipagdarasal ko ang kaligtasan at kalusugan ni Lola Raquel. Halos nasa main entrance palang ako ng naturang simbahan nang may masalubong akong dalawang lalaking patakbong papalabas. "Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito! Andito ngayon si Ether Luxeria, ang leader ng mga siga rito sa barangay natin!" "Balita ko nga, nagkagulo kanina! Tara na! Baka madamay pa tayo sa kaguluhan rito!" Natatarantang sabi ng payat na lalaki saka nagmamadali na rin itong tumakbo papalabas ng simbahan. Wala akong ideya kung sino at kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala naman akong nakikita at nararamdamang kaguluhan sa paligid. Kaya naman tumuloy pa rin ako sa pagpasok sa loob ng simbahan. Walang katao-tao sa loob. Tahimik kaya mapayapa akong makapagdasal. Nagtungo ako sa isa sa mga bakanteng upuan. Lumuhod ako, at nagsimulang magdasal para kay Lola Raquel. Pinagdarasal ko rin na sana ay matagpuan ko na ang bahay ni Tito Alvin, at makahingi na ako ng tulong financial para sa operasyon ni Lola Raquel. Nasa kaimtiman akong pagdarasal nang makarinig ako ng mahinang pag-ungol. Wala sa loob na napakunot tuloy ang noo ko. Ang buong akala ko ay nagkakamali lang ako ng dinig pero nasundan pa iyon. Napadilat na ako, at sinimulan kong hanapin kung saan ko naririnig ang pag-ungol na iyon. At paglingon ko sa bandang kanan ko, nakita ako ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Hindi ko maitatanggi na guwapo ang lalaki. Maputi ito at may kahabaan ng buhok. Singkit rin ang mga mata nito matangos ng ilong. Hindi na rin nakawala sa paningin ko ang suot nitong leather black jacket. Mainit ang panahon pero nakajacket ito? Pero muling napakunot ang noo ko nang mapansin kong may pulang likidong dumadaloy sa kaliwang braso nito. At ganoon na lang ang laking-gulat ko nang mapagtanto kong may sugat ito. Kahit hindi ko ito kilala ay nagawa ko itong lapitan, "O-Okay ka lang, Manong?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Hindi niya ako magawang sagutin dahil na rin sa kirot na nararamdaman nito. Kaya naman naglakas-loob na akong umupo sa tabi niya. Tinangka kong tanggalin ang suot niyang jacket para makita ko kung gaano kalaki ang sugat niya. "What are you doing?!" Bigla nitong tanong sa akin. "Huwag po kayong mag-alala, may konting akong nalalaman sa paggagamot. Gusto ko lang po makita ang sugat mo, para malaparan ng first aid." Mariin akong tinitigan ng lalaki. Parang tinatansya nito kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pero nilabanan ko lang ang tingin niya sa akin, "Gusto ko kitang tulungan! Gagawin ko kung anong magagawa ko!" Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na ako ng lalaki na hubarin ang jacket nito. At doon ko nakita ang mahabang hiwa braso nito, "Teka lang po..." Anito saka kinapa ko sa aking maliit na shoulder bag ang panyo ko. Hindi na ako nagdalawang isip na gamitin iyon para ipantapal sa nagdurugo nitong sugat, "...Pansamantala lang iyan para huminto ang pagdurugo! Kailangan mo pa ring madala sa hospital para matahi ang sugat!" Sabi ko, at umakto akong tatayo pero bigla niya akong pinigilan. Nagtataka akong napatingin sa lalaki. Aktong magsasalita pa sana ulit ako nang bigla niyang kinabig beywang ko papalapit sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
720.3K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
957.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
346.0K
bc

Not just, the Beta

read
341.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook