NAPAGPASYAHAN ni Karen na tumuloy muna sa condominium unit ni Julianna para makapag-isip-isip dahil na rin sa kanyang nalaman. Nagpaalam siya sa magulang niya na may biglaang sleep over siya kasama ang ilan sa mga kaibigan niya noon. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil wala rin daw pala ang mga ito sa bahay ngayong gabi dahil may pupuntahan itong overnight party sa Batangas. Kahapon pa siya roon at para sa kanya ay okay naman siya. Iyon nga lamang, parang mukhang sarili lang niya ang nagsasabing okay siya. Dahil kahit si Stacey na nakitulog na rin sa bahay nina Julianna nang dahil sa kanya ay mukhang inis na inis na sa kanya. "Ano ka ba naman, Karen! Sasabihin mong malungkot ka dahil sa nalaman mo pero hindi mo naman sinisisi si Stock! Ang palagi mo na lang sinisisi ay 'ya

