"NAKAKAINIS kayo! Sabi ng ayaw kong gumimik, eh! Akala ko ba, friends tayo? Bakit niyo ako pinipilit sa hindi ko gusto?!" mangiyak-ngiyak ng wika ni Karen nang mai-park ni Julianna ang kotse nito sa bar kung saan napili nitong gumimik. Paano ba naman kasi, sa lahat pa ng bar na pinuntahan nila ay doon pa sa bar kung saan sila unang nagkita ni Stock. At itong kinatatayuan pa ng kotse ni Julianna ay siyang lugar ang eksaktong lugar kung saan siya iniligtas nito mula kay Eric. Lalo tuloy lumala ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Kanina pa siya ngawa nang ngawa sa mga ito dahil sa pilit na pinapagawa ng mga ito sa kanya. Pero dahil sa isa lamang siya at dalawa ang mga ito, palaging talo siya. Napuwersa siya ni Julianna na suotin ang damit nito at si Stacey naman ay puw

