“OH! The bad smell is coming from the lunch box... It’s uso pa pala?” Nakakunot ang noo ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Chloe. Agad namang lumawak ang ngiti sa labi niya na para bang masaya pa siyang nagkita kami ngayon. Pero hindi ako natutuwa. Lalo na sa inaasal niya. Hindi porket mayaman siya, may karapatan na siyang mamaliit ng kapwa. Umpisa pa lang talaga, kahit ka-dorm ko siya, there’s something off about her. Sinusubukan ko siyang magustuhan pero maraming ganitong pagkakataon ang nakakapagpabago ng isip ko. Ang layo niya kina Maeve at Elisse na palaging nagpapakatotoo kaya mas kumportable ako kasama sila. “Oh Tiara! It’s you pala!” ani niya. Kumaway pa siya sa akin pero sandali lang din dahil pinantakip niya ang kamay sa ilong na para bang bahong-baho talaga siya. “Sorr

