bc

A Match Made Online

book_age12+
2.4K
FOLLOW
31.1K
READ
love-triangle
playboy
independent
sweet
bxg
humorous
lighthearted
campus
coming of age
school
like
intro-logo
Blurb

⭐ Winner of Yugto Writing Contest ⭐

When in doubt, swipe right.

Sinunod naman ito ni Tiara nang makita ang profile ni Marco sa isang dating app. Ginawa niya ito kahit na alam niyang ang ordinaryo niyang itsura ay malabong mapansin ng malaartistahing lalaking ito.

Ano naman kasing mawawala? She just downloaded the dating app for fun and diversion. Ang hirap naman kasi na araw-araw kang nakakulong dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo. Aral dito, aral diyan. Lumalabo na nga ang mga mata, pumupurol pa ang kanyang social skills.

Wala namang masama. Ang online dating ay harmless exploration of youth, ika niya.

Kaya naman laking gulat ni Tiara nang sa isang swipe lang, tuluyang nagbago ang kanyang buhay.

A Match Made Online is an unforgettable coming-of-age novel that speaks to more than just young people of this time. It captures the confusion of young love brilliantly, with the power to change your perceptions of love, family, and friendship.

*

*

Tiara finds her first match!

chap-preview
Free preview
Prologue / Log In
NAKAKATAKOT ang nangyayari sa buong mundo ngayon. Walang kasiguraduhan ang bawat araw. Unti-unti na ring naglalaho ang buhay na dati’y punong-puno ng pag-asa… Ito ang ilan lang sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon, dahil sa nakikita kong takot sa mga mukha ng pasaherong kasabay ko sa jeep. Habang ang lahat ay nakasuot ng mask at faceshield, pansin kong may isang pasahero na panay ang spray ng alcohol sa kanyang halos nanunuyot ng mga kamay. Mayroon namang isa na halatang hirap na hirap nang magpigil ng ubo sa takot na mapag-isipan ng masama. Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang biglang nag vibrate ang phone ko. Agad namang umusod ‘yong babaeng katabi ko, nakitaan ko pa ng bahagyang pag-irap. Ang mas malala pa’y hindi rin niya kinuha ‘yong pera ng pasaherong kakasakay lang na gustong magbayad. “Bayad po! Paabot po ng bayad!” sigaw nito, halos maputulan na ng ugat sa leeg pero walang gustong tumanggap ng bayad. Oh God, do we really have to be this indifferent? Dahil hiyang-hiya naman ako kay Ate, ako na lang ang tumulong mag-abot ng pera sa driver bago ako nag-alcohol, at muling tumingin sa text messages na natanggap. KUYA ARTHUR: Are you on your way home? I can pick you up. KUYA JERRICK: Ara! Bili ka raw muna ng toyo bago ka umuwi. O baka sobra na ‘yong toyo mo, kaya pwede ka nang umuwi agad! Haha! Magkasunod na text messages ang natanggap ko galing sa mga kuya ko. Napailing na lang ako dahil sa walang kupas na mensahe galing kay Kuya Jerrick. Puro pa rin kasi ito kalokohan kahit kailan. Pero siguro nga ito ang kailangan ko ngayon dahil sa kabang nararamdaman ko. Pinadalhan ko naman sila pareho ng text message at nagsabing nakasakay na ako ng jeep kaya wala na silang dapat pang ipag-alala. Ganito na lang ang pag-aalala nila dahil iaanunsyo na raw ang paglalagay sa lock down ng buong Metro Manila mamayang gabi. Sinuspinde na rin ang mga klase kaya pinauwi na kami ngayong hapon. Ito ang naging aksyon ng gobyerno dahil sa patuloy na pagkalat ng matinding virus, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng bansa. Puno na ang mga ospital at mataas na rin ang death rate. Ang malala pa’y wala pa ring tiyak na lunas para rito. Isa itong tipo ng virus na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga. Kumakalat ito sa tao-sa-tao sa pamamagitan ng patak mula sa bahing at ubo, maging sa simpleng pakikihalubilo sa iba. Ito lang ang alam ko sa ngayon tungkol sa virus na ito dahil hangga’t maaari talaga’y umiiwas ako sa balita tungkol dito. Ayoko kasi sanang magdulot ito ng mas matinding takot sa akin. Ang bilin lang sa akin ngayon ni Mama ay umuwi na kaagad at subukang umiwas sa mga tao. Kaya ito ang sinusubukan kong sundin. Pagbaba ko ng jeep, nakayuko ako at dali-daling naglakad papuntang sakayan ng tricycle. Ayon lang ay may nakabangga ako! Kapwa kaming tumumba sa malamig na semento dahil malakas ang tama ko sa kanya. “I’m sorry!” Laking gulat ko nang makitang si Jollibee ‘yong nakahandusay! Syempre’y imbes na matawa ay tinulungan ko siyang tumayo kaagad. Ako na rin ang nagpagpag dahil narumihan ‘yong costume niya. “Hindi ko sinasadya! I’m really sorry!” Nagpipigil ako ng tawa dahil sobrang cute niya habang hinihimas ang bandang pwetan niya! May mas malaki nga lang na problema dahil napansin kong nagkalat din ang mga flyers na hawak niya dahil sa banggaan namin. I felt terrible. Kaya naman pinulot ko agad ang mga flyers sa sahig at inabot sa kanya ng wala pang isang minuto. Wala siyang sinasabing kahit na ano, marahil dahil hindi naman yata talaga nagsasalita si Jollibee? Hindi nga ba? “I’m so sorry po ulit,” sabi ko pa. HIndi ko malaman kung ilang beses ba akong humingi ng tawad. Imbes na magsalita ay pinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang buhok ko. Siguro paraan niya ito para sabihin sa aking “okay na, wala kang dapat ipag-alala.” Maybe I’m assuming things, maybe not. Imbes na makipagtitigan pa kay Jollibee ay nagpaalam na ako sa kanya. At aalis naman na talaga sana ako nang mapansin kong hirap siyang mag-abot ng flyers sa mga tao. Karamihan ay nilalagpasan lang siya dahil nagmamadali na silang makauwi sa kanya-kanya nilang bahay. Siguro’y dahil sa pandemya, ang dating sikat na Filipino fast food chain ay mabibilang na lang sa daliri ang dami ng customers ngayong araw. Opening pa naman sana ng branch na ‘to pero minalas kaagad. Still feeling bad about what happened between us, bumalik ako sa tabi ni Jollibee at kumuha ng ilang flyers sa hawak niya. Tinulungan ko siyang magpamigay nito sa mga tao kahit na maging ako ay nakaranas ng sunod-sunod na rejections. Ngayon ko napagtantong ang hirap pala ng kanyang trabaho. Ang init na nga pero nakasuot pa siya ng costume. Muntik naman akong mapatalon nang biglang nagkaroon ng malakas na tugtog galing sa palengke malapit sa amin. At imbes na madismaya dahil mas nakakuha ito ng atensyon ng mga tao, laking gulat ko nang bigla na lang nagsayaw si Jollibee sa tabi ko! Napatakip ako ng bibig dahi dito. Agaw pansin talaga siya lalo na nang mag otso-otso siya at magsayaw ng iba pang latest dance trends. Kaya may ilang taong nagawa pang huminto para mag picture at mag video sa sayaw niya. In fairness ay ngayon ko lang nalamang may hidden talent pala sa pagsasayaw si Jollibee! Now, I wonder who is inside this mascot. Hindi ko napigilan ang pag ngiti. Nang makita kong marami nang tao ang pumapalibot sa kanya ay dito lang ako nagdesisyong umalis. Mukhang nagawa ko naman na ang trabaho ko rito kaya kailangan ko namang bumili ng toyo bago umuwi sa bahay. Napaisip lang tuloy ako ngayon… gaano katagal kaya ang pandemyang ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

Rewrite The Stars

read
98.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook