Chapter 41 (Part 3): First Week of Marco

1854 Words

“’Di ba si Marco ‘yan?” “Sino ‘yung kasama ni Marco?” “Grabe! Ang swerte naman ni Ate girl!” Ilan lang ito sa mga narinig ko habang naglalakad kami ni Marco papunta sa lamesa namin ng mga kaibigan ko. Nakaka-intimidate tuloy sumunod sa kanya dahil alam kong pinapanuod kami ng maraming tao ngayon. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan ako ng mga mata nila. Kung may invisible cloak nga lang talaga ay malamang ginamit ko na. “Ako nang magdadala,” bulong ko kay Marco dahil kinuha niya ang tray na hawak ko gayong kaya ko naman na. Ngunit hindi naman niya ako pinakinggan. Bagkus ay nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kahit lumalakas na ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Paghinto sa lamesa namin, ibinaba ni Marco ang hawak na tray dito. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Cara nang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD