Chapter 57 (Part 2): First Desperate Move

1638 Words

Bukod sa kasunduan namin ni Marco, nagtagal pa ako sa labas dahil sa isiniwalat niya sa akin tungkol sa nangyari kagabi. At ngayong kausap ko sina Maeve at Elisse, I want to confirm their side of the story. “What happened last night?” tanong ko sa dalawa katulad ng tanong ko kay Marco. At dahil si Maeve ang may wisyo kagabi ay siya ang sumagot sa akin. “Nawalan ka ng malay pag-inom mo ng beer. Mabuti na lang at hawak-hawak ka ni Marco kaya hindi ka bumagsak sa sahig. Mababa yata ang alcohol tolerance mo e.” “Natapos na ba ang party that time?” tanong ko pa. Naningkit ang mga mata ko dahil sinusubukan kong basahin kung nagsasabi ito ng totoo. “Oo. Hindi ko alam kung natatandaan mo pero bago ka nawalan ng malay, tinapos ko na ang party. Pinaalis ko lahat. Kahit mga kaibigan ni Chloe.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD