Biglang lumamig sa buong kwarto dahil sa tanong na binitawan ni Gabriel. Akala ko noong una’y nagbibiro lang siya pero wala namang natawa. Pagtingin ko naman kay Marco, ‘yong matamis na ngiti sa labi niya ay unti-unting naglaho. Sandali itong yumuko, natawa nang mahina, bago ibinalik ang tingin sa kaibigan ko. Ngayon ay seryoso na ito. Hindi ko alam ang gagawin dahil literal na nasa pagitan ako ng dalawa. Napalunok ako at ‘di makapagsalita dahil sa matalim na tingin nila sa isa’t isa. Ramdam ang malakas na kabog ng dibdib, inisip ko nang mabuti kung anong pwedeng sabihin o gawin para mawala ang tensyon sa pagitan nila. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao sa paligid namin. Mukhang maging sila ay nagtataka na rin sa nangyayari. Dapat kasi ay masayang okasyon ito pero parang magkaka

