Chapter 61: First After Party Troubles

2453 Words

IBANG saya ang naramdaman ko nang makita si Gabriel. Buong-akala ko kasi’y ‘di na siya susunod pa sa birthday party ni Cara dahil bukod sa busy siya sa trabaho, alam kong alanganing oras na rin para magpunta pa siya sa Tagaytay galing Maynila. Tumayo agad ako at tumakbo papalapit kay Gabriel. Muntik pa ‘kong matumba dahil sa pagmamadali. Buti na lang at mukhang kabisado na ‘ko ng kaibigan ko dahil agad niya ‘kong naalalayan. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at ganuon din ang ginawa ko pabalik para makatayo nang maayos. Itinawa ko na lang ang kalampahan sabay alog sa kanya. “Buti nakarating ka! Hindi ka ba nahirapan sa byahe?” malawak ang ngiti sa labi ko nang tanungin siya. Binalingan ko ng tingin si Cara na mataman akong tinitingnan. “Buti nasaktuhan mo ang dating ni Gabriel?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD