Lucario Ilang sandali pa ang lumipas bago nila makorner ang kotse ng darling ko. Humalukipkip lang ako habang nagtatago sa madilim na gilid ng kalsada na hindi kalayuan sa mga ito. Narinig ko ang pagsigaw ni Luke na para bang akong-ako. Napakagaling talaga nitong mangopya ng pagkatao ko. Napakagaling mo talaga, Luke Steven... “Ulol kayo! Wala kayong karapatan na ilayo sa akin ang girlfriend ko! Mga tarantado! Magkakasubukan tayo!” Pagak akong natawa sa narinig mula sa kapatid ko. Girlfriend niya? O girlfriend ng kuya niya? Ang galing niya talagang magpanggap bilang ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nito ni Thylane kapag nalaman niyang dalawang lalaki ang nakakasama niya sa buhay niya. “Lumabas ka riyan, duwag! Tarantado kayong lahat! Akin lang si Montehermoso! Pap

