bc

The Criminal

book_age18+
846
FOLLOW
3.5K
READ
dark
possessive
age gap
goodgirl
gangster
bxg
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Isang treinta y cinco años na ang dating preso na si Lucario, na ngayon ay gangster sa kanilang lugar. Aniya, siya ang hari sa kanilang lugar dahil siya lang naman ang pinaka kinatatakutan ng mga tao roon, sila ng mga ka-tropa niya. Wala na sa isip niya ang mag-asawa pa dahil aniya’y wala nang papatol sa kaniya, sira na ang buhay niya at wala nang magkakagusto pa sa isang tulad niya na barumbado.

Ngunit nang dumating ang isang dalaga na pumukaw sa atensiyon niya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa isang babaeng ang edad ay higit na mas bata sa kaniya. Dalawampu’t isang taong gulang at maayos ang buhay, malayong-malayo sa estado ng buhay niya, sa magulong buhay niya.

Humantong ang pagkagusto niya sa dalaga na halos ayaw na niyang maalis ang paningin dito. Nababaliw siya at natutuliro. Ngunit ang problema niya ay ang pamilya nito, ayaw sa kaniya ng pamilya ng dalaga. Kaya naman ay umalis sila ng lalawigan at nagtanan.

Doon ay lumago ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit may naging dahilan ang dalaga upang lumayo rito. Galit ang naramdaman niya dahil sa napagtanto sa lalaki. Nagkamali siya ng lalaking inalayan ng sarili.

Pero makalipas ang panahon ay bigla na lamang itong sumulpot sa harap niya. Hinihiling nitong makita’t makasama ang anak na itinakas niya mula sa lalaki.

Ngunit hahayaan niya bang papasukin itong muli sa buhay nila ng anak niya, gayong alam na niya ang tunay na kulay nito?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Thylane “Thy, sama ka sa ‘kin mamaya sa bahay ni Lisa, may handaan daw sa kanila,” aya sa akin ni Loana habang naglalakad kami papasok sa classroom namin. Magkaklase kasi kami dahil pareho lamang ang kinuha naming kurso sa kolehiyo. Matagal na rin kaming tatlo na magkaibigan, simula pa lamang noong unang taon pa lang namin dito sa unibersidad na aming pinapasukan ay magkakaibigan na kami. At ngayong malapit na kaming gr-um-aduate ay masayang-masaya kami dahil heto na... makakaraos na rin kami sa hirap ng pag-aaral. Lumiban ngayon sa klase si Lisa dahil aniya’y tinatamad daw siyang pumasok ngayon. Ilang araw na lamang kasi ang natitira bago kami gr-um-aduate at magtapos, puro na lamang kami praktis, at saka tambay sa room. Wala na rin kasi kaming ginagawa dahil tapos na lahat ng mga gawain... Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Sabay kaming naupo sa upuan naming magkatabi lamang. “Gusto ko sana pero kailangan ko munang magpaalam sa parents ko, baka sakaling payagan nila ako,” nakangusong wika ko at hinawi ang mahabang buhok. Sa totoo lang ay nais ko talagang gumala-gala at sumama sa lahat ng pinupuntahan ng dalawa kong kaibigan, ngunit masiyadong mahigpit sa akin ang pamilya ko, lalo na si Dad, dahil ang palaging katuwiran niya ay ako lamang ang nag-iisang babaeng anak niya kaya ganoon na lamang nila ako kung i-trato. Gobernadora kasi si Mommy sa aming lalawigan kaya delikado raw para sa akin ang magpunta sa kung saan-saan. Hindi ko tuloy gaanong ma-enjoy ang buhay ko. Napahinga kaming dalawa. Sana lamang ay payagan nila ako mamaya dahil gusto ko ring gumala. Nais kong maranasan ang mga nararanasan ng mga kaibigan ko na ipinagkakait sa akin. Pero naiintindihan ko naman ang mga ginagawa para sa akin nina Mom at Dad. Umayos ako ng pagkakaupo nang senyasan ako ni Loana na may paparating. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi nga ako nagkamali, naririto na naman si Veronica Montehermoso, ang pinsan ko sa kakambal ni Daddy. Palagi bastos ang lumalabas sa bibig nito at nangunguha ng pera kaya hindi ako masayang nakasama ko pa siya sa iisang school. Ayoko talaga sa presensiya nito. Hindi ko alam kung bakit naging ganiyang klaseng tao ang mga pinsan ko kay Tito Dante. Tatlo ang pinsan ko rito kay Tito. Sina Damian, Damien, at si Veronica na nag-iisang babae sa kanila, kaedaran ko lamang. Kahit na magka-dugo kami ay malayo ang loob ko sa kanila. Tanging si Tito Dante lamang ang sumusuporta sa tatlo niyang anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa bisyo niyang pag-iinom at pagsasabong. Matagal na itong hiwalay sa asawa. Kilala ko rin sila kahit papaano dahil naikukuwento sila sa amin ni Daddy, pati na rin ni Lisa dahil magkapit-bahay lamang sila. Ani Lisa ay talagang mga barumbado raw ang mga ito, lalo na roon sa lugar nila. Malaki nga ang pasasalamat ko at hindi naging ganoong klaseng ama si Daddy. Mabait siya at responsable. Mahal na mahal niya kami kaya wala akong problema sa kaniya. Iyon nga lang ay napakahigpit niya sa akin. “Uy, narito ka na pala, pinsan!” sigaw nito na agad akong nilapitan. Napapikit na lamang ako at bumuga ng hangin. Mangungulit na naman ito sa akin. Inakbayan ako nito nang hindi ko siya lingunin. “Pautang! Limang daan lang!” siga nitong turan sa akin at agad na hinablot ang bag ko. Napangiwi ako’t sinubukang kuhanin iyon, ngunit agad niyang inilayo sa akin. Napahinga ako nang malalim. Palagi na lamang... “Ano na naman ang gagawin mo sa pera? Palagi ka na lang utang nang utang, hindi mo naman binabayaran. Nagagalit na nga sa akin si Daddy dahil palaging ubos ang allowance ko sa iyo, e,” walang magawang wika ko habang hinahayaan ito na kalkalin ang wallet ko. Hindi ko naman ito magawang pagsalitaan ng kung ano-ano sa personal dahil hindi ko naman alam ang pinagdadaanan nito. Baka wala talaga silang pera roon sa kanila. At saka pinsan ko naman ito, pero nakakainis lamang minsan dahil hindi ito marunong humingi nang maayos, laging siga. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. “Okay lang ‘yan! Mayaman naman kayo, e,” anito na kung magsalita ay parang sobrang yaman namin at hindi nauubusan ng pera. Limang daan nga lang ang binibigay na allowance sa akin ni Daddy para raw matuto akong magtipid, para sa isang linggo na iyon. “At oo nga pala, pakisabi kay Ninong Dark na birthday ko na sa susunod na linggo. Sabihin mo gusto ko ng cash, a? Ayoko ng mga gamit,” dagdag pa niya na ngayon ay binibilang na ang limang tag-iisang daan na hawak. Huminga ako nang malalim at kinuha na sa kaniya ang bag at wallet ko. “Hindi mo naman ninong si Daddy. Pero kung gusto mong humingi ng kahit kaunting tulong mula sa kaniya ay lumapit ka roon. Hindi naman siya madamot, maiintindihan niya pa nga ang sitwasiyon ninyo,” mahinang wika ko at saka inayos ang mga gamit. Bahagya ko pang inilingan si Loana na panay ang tingin nang masama sa pinsan ko. Matagal na kasi itong nabu-buwisit kay Veronica. Ayaw na ayaw niya rito. Napairap ang pinsan ko at tumayo. “Ayaw nga akong palapitin doon ni Papa, e! Tsk. Salamat dito, a? Aalis na ako!” Tulad nga ng sabi nito ay mabilis niyang nilisan ang classroom namin. Nasa kabilang room kasi ang kaniya at dumadayo pa rito para lang manghingi ng pera sa akin. “Hay nako, Thy. ‘Yang pinsan mo talaga, napaka-epal. Ang kapal-kapal ng mukha niyang manguha ng pera mo. Wala silang pangkain pero may pang-inom ng alak ang tatay. Nakaka-imbiyerna,” inis na inis na ani Loana habang masamang nakatingin sa pintong nilabasan ni Veronica. Tipid akong ngumiti. “Hayaan mo na. Kawawa naman kasi sila.” Nilingon ko ito at lumaylay ang balikat ko. “Kung aayusin niya lamang ang ugali niya ay baka ako pa ang magbigay ng trabaho sa kaniya roon sa amin.” Nagkibit-balikat ito. Nais ko naman kasi talaga siyang bigyan ng mapagkakakitaan sa bahay, pero kasi... natatakot ako na baka may gawin itong iba roon. Kakaiba pa naman ang ugali ni Veronica, ayokong ako pa ang maging dahilan para magkaroon ng problema sa bahay. At saka ayaw na ayaw rin ng tatay niya na makipaglapit silang magkakapatid sa amin, hindi ko alam kung ano ang puno’t dulo ng hindi pagkaka-ayos nila ni Daddy, ayaw naman kasing ikuwento sa akin ni Dad ang tungkol doon... PAGKATAPOS ng klase ay dali-dali akong umuwi sa bahay upang magpaalam nang maayos kay Mommy at Daddy. Kasama ko si Loana na kilala na ng parents ko dahil mabait ito at matinong babae. Alam kong panatag ang loob nila rito na hindi ako nito ipapahamak. “Ang ganda-ganda naman ng bahay ninyo, Thy. Napaka-suwerte mo naman, parang nasa iyo na ang lahat,” manghang anito habang naglalakad kami papasok ng bahay. Tumingin ako rito at sinenyasan siyang maupo muna sa couch at tatawagin ko lamang si Mommy. Mabuti na lamang at wala rito ang dalawa kong kapatid na lalaki, dahil si kuya Alfonso ay nasa trabaho niya bilang pulis, habang si Zach ay nag-aaral pa roon sa PMA. Kung nandito lamang ang mga iyon ay baka sulsulan nila si Daddy na huwag akong payagang umalis, magaling mang-inis ang dalawang iyon, e... Umakyat ako sa itaas. Alam kong nakauwi na iyon si Mommy mula sa trabaho, pero sa opisina niya tinutuloy ang mga natitirang gawain niya. Dumeretso ako sa office ni Mom at doon ay naabutan ko silang dalawa ni Daddy na nag-uusap. Parehas silang nakangiti ngunit ang pinag-uusapan ay seryoso, tungkol sa business nilang hina-handle. Mahilig kasing magtayo ng mga maaaring pagkakitaan iyan si Mommy para raw dumami ang trabaho, at wala namang magawa si Daddy kundi ang tumulong dahil nagretiro na ito sa pagiging pulis noon. Ngayon ay isa na itong taga-pamahala ng malaking negosiyo namin doon sa siyudad. Napatigil sila nang marinig ang katok ko, bukas na ang pinto pagkarating ko kaya nakita ko agad sila. “U-Uhm, Mom, Dad... Nasa baba po si Loana, ipapaalam niya po sana ako kasi may handaan kina Lisa,” mahinhing wika ko upang mahabag sila sa akin. Gusto ko talagang pumunta roon, e. Tinaasan ako ng kilay ni Daddy at saka nag-decuatro. “Pupunta ka sa lungga ni Dante? Ang daming tambay roon at mga masasamang elemento. Isama mo na ‘yang Tito mong tarantado,” walang habas na turan ni Daddy kaya agad itong sinuway ni Mom. “Tigil ang bibig, Dark. Hayaan mo at kakausapin ko sila,” suway ni Mommy na ikinangiti ko. Alam kong nais niya rin akong payagan na gumala ngunit dapat ay may kasamang bodyguard, pero palaging kontra talaga si Daddy. Mahal na mahal ako ni Mommy kaya ganoon siya sa akin minsan. “Tsk. Edi sige, kakausapin ko rin sila.” Walang nagawa si Dad nang tumayo si Mom upang bumaba sa sala. Excited akong kumapit kay Mommy dahil ang bait-bait talaga nito. “Mommy, please, payagan n’yo na ako. Minsan lang naman ako gumala, e. At saka promise, roon lang ako sa bahay ni Lisa, hindi ako lalabas,” pangungumbinse ko rito na ikinangiti niya. “Pag-iisipan ko pa, anak.” Lumapad ang pagkakangiti ko. Okay lang naman na isama niya sa akin ang bodyguard ko kahit na nakakailang minsan. Nang makababa kami ay napatayo si Loana na ngayon pa lamang nakita nang personal ang parents ko. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito. “M-Magandang araw po, gov. Magandang araw rin po, Tito.” Napabungisngis ako habang pinagmamasdan ang reaksiyon ni Loana. Tanging sa videocall lamang sila nagkakausap noon. Ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na makadaupang palad ang mga magulang ko. “Magandang araw rin, hija. Maupo ka,” nakangiting wika ni Mommy at saka naupo sa couch. Nakasuot pa ito ng dress at heels niya na malamang ay hindi pa nagpapalit mula nang umuwi siya galing sa trabaho. Mabilis akong naupo sa tabi ni Loana na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa parents ko. Naunang tumikhin si Daddy at muling nag-decuatro, nakaakbay kay Mom. Tumingin ito kay Loana. “So, bigyan mo kami ng magandang dahilan para payagan namin ang unica hija namin na magpunta roon.” Napangiwi ako sa narinig mula kay Dad. Tuloy ay nasiko ito ng katabi. Nagsabi pa ng ganoon si Dad, e, halata namang wala talaga siyang balak na payagan ako. Napanguso ako’t nagbaba ng tingin. “Ano ka ba naman, Dark. Tinatakot mo ang mga bata, e,” muling suway ni Mommy. Hinarap niya si Loana at ngumiti. “Sabi ni Thylane ay may handaan daw roon kina Lisa, ‘di ba? Bakit, ano ba ang mayroon?” pang-uusisa nito kaya napabuntong hininga ako. Sana lamang mamaya ay pumayag na si Mom at Dad. Kahit isama na lang nila si kuya Ricky mamaya para bantayan ako. Kahit ngayon lang, malapit na akong gr-um-aduate, e. “Opo, Tita. Kaarawan po kasi ng tatay ni Lisa, marami pong handa at nais na maimbitahan si Thylane dahil gusto raw siyang makilala ng pamilya ni Lisa, mabait daw po kasi itong bata,” paliwanag naman ni Loana kaya namula ako sa hiya dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam na nais pala akong imbitahan ng pamilya ng kaibigan ko upang makilala. At nasabihan pa akong mabait... Kagat-labi at pigil ang mahinang tawa na binalingan ko si Mommy na natawa na narinig. “I see, I see... Pero kasi, hija, gusto lang naming ingatan itong si Thylane. Alam mo naman ang sitwasiyon namin, hindi ba? At saka natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko roon, hindi ako mapanatag kung naroon din si Dante at ang mga kasamahan niyang astang gangster. Baka kung ano ang gawin n’yon sa anak ko, babae pa naman.” Biglang lumaylay ang balikat ko. Akala ko ay papayagan na ako ni Mommy, pero mukhang hindi talaga. “Ma, sige na, please. Iiwas naman kami kina Tito Dante, e. At saka magsasama na lang ako ng bodyguard,” pilit ko pa upang magbago ang isip nito. Tumingin sa akin si Daddy at ngumisi. “Bakit ba gustong-gusto mong gumala at magpunta roon, ha? May kikitain ka roon na binata, ano? Nagpapaligaw ka na ba, anak?” panghihinala sa akin ni Daddy kaya biglang nanlaki ang mga mata ko. Sunod-sunod akong umiling dito habang nakanguso. “Hindi po, Daddy! Pag-aaral ko po ang inaatupag ko,” dipensa ko sa sarili ko dahil ayokong paghinalaan nila ako nang ganoon. Nag-aaral ako nang mabuti at takot pa akong pumasok sa relasiyon dahil magagalit ang parents ko. Ayokong mapalo at mapagalitan, lalo na ni Daddy. Matindi kasi ito kapag nagagalit. “Kung ganoon ay mabuti. Ayokong nalalaman na nagbo-boyfriend ka na, Thylane anak, ha? Saka na kapag may trabaho ka na at kaya mo nang palamunin ang sarili mo. At saka kung magpapaligaw ka ay dalhin mo agad dito at nang malitis ko, ayoko ng mga lalaking barumbado at walang bayag,” wika pa ni Daddy kaya napangiwi ako. Ang higpit-higpit talaga nito sa akin. Nagkamot ako ng ulo at pilit na ngumiti rito. “Opo, Dad. Gagawin ko po...” Kung alam lamang ni Dad ay hindi ko pinapansin ang mga lalaking nagtatangkang manligaw sa akin sa school, takot akong mapalo. Ngumisi lamang ito sa naging tugon ko. “Huwag po kayong mag-alala, Tito. Wala naman pong binata roon sa bahay ni Lisa, puro po iyon matatanda,” sabat ni Loana na ikinatingin namin dito. Napatawa si Daddy at humalukipkip. “Kahit na anong edad pa iyan ay hindi pa rin ako mapanatag. Ang ibang mga lalaki, hindi ninyo alam ang takbo ng mga utak niyan, kapag tinamaan iyan ng libog sa katawan ay dumadali iyan kahit bata. At saka alam kong maraming adik doon sa lugar na iyon, ilang taon ko ring pinangalagaan ang kaligtasan ng Iloilo, pero nang mawala ako at palitan ng iba ay bumalik na naman ang mga kriminal dito,” ani Dad sabay hagod sa buhok. Hinablot nito bigla ang sumbrero na nakapatong sa maliit na lamesa nitong sala at isinuot iyon. Hindi pa rin nagbabago si Daddy, mahilig pa rin siyang magsuot ng sumbrero, lalo na kapag aalis kami o gagala. Iyon na kasi ang nakasanayan niya noong binata pa siya. Tuloy ay nahawa sa kaniya si kuya Alfonso. Sa tuwing papasok at uuwi si kuya ay suot-suot nito ang paborito nitong sumbrero na plain black lamang. Minsan ay ‘yong sumbrero nila na pampulis. Hindi ko alam kung may ginto ba ang ulo nila at palagi nilang tinatakpan ng sumbrero... Nagkatinginan kami ni Loana at nagsenyasan. Sa huli ay napabuntong hininga ito. Agad din naman kaming napatingin kay Mommy nang magsalita ito. “Okay, okay, fine. Papayagan ko ang anak ko na magpunta roon, basta’t kasama si Ricky. Ayoko ring papalapitin n’yo siya sa mga lalaki, okay? Hinihiling ko rin na umuwi si Thylane bago mag-alas seis ng gabi,” anito na ikinalaki ng mga mata ko. Lumapad ang mga ngiti ko at patakbong yumakap sa kaniya. Niyakap niya rin ako pabalik. “Ngayon lang ito, anak, ha? Sa susunod ay wala na,” bulong nito sa akin at hinaplos ang ulo ko. Tumango ako at umusal ng pasasalamat kay Mommy. “Thank you po, Tita. Pangako po, iingatan po namin si Thylane roon.” “Tsk. Siguraduhin n’yo lang,” ani Daddy. Lalo akong napangiti. Ang saya-saya ko dahil akala ko ay hindi nila ako papayagan, iyon pala ay papayag sila... Pagkatapos niyon ay mabilisan akong nagbihis. Isang simpleng t-shirt na puti at pantalon lamang ang isinuot ko at nagpulbo. Kinuha ko rin ang maliit na shoulder bag ko na naglalaman ng phone ko at kaunting pera. Pagkaraa’y tumakbo ako pababa sa sala. “Mom, Dad, aalis na po kami,” paalam ko sa mga ito at binigyan sila ng halik sa pisngi. Ngumiti at tumango lamang sa akin si Mommy, si Dad naman ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. “Let’s go na po, kuya Ricky,” aya ko sa taga-bantay ko mula pa noong tumuntong ako sa edad na sampo. Nagpaalam pa si Loana bago kami sumakay sa kotse na siyang maghahatid sa amin sa bahay ni Lisa. “Ho! Grabe pala ang Papa mo, Thy. Nakakakaba,” ani Loana nang makaandar ang kotse. Tinawanan ko ito at umayos ng pagkakasandal. “Huwag kang kabahan doon, nanti-trip lang iyon sa bisita. Mabait naman iyon si Daddy, e,” wika ko kaya ito naman ang natawa. “Grabe, pero nakakatuwa na makita si gov. Ang bait-bait niya talaga, parehas lang kayo ng kilos at hinhin ng pananalita. Hindi na tuloy ako magtataka kung bakit gustong-gusto siya ng mga tao. Mabuti na lang at hindi kayo tulad ng ibang mayayaman na mapangmataas.” Ngumiti ako sa narinig. Masaya ako na malaman iyon. “Tama ka, mabait nga si Mommy. Hindi ko nga alam kung paano magalit iyon, e. Kapag naiinis naman siya ay palagi niyang binabara si Dad, pero ang magalit talaga ay hindi pa. Palagi siyang kalmado at mahinhin,” kuwento ko habang inaalala ang mga alaala ko simula noong maliit pa ako. Nakakatuwa lamang minsan kapag nakikita kong nagtatalo sina Mom at Dad, binabara ni Mommy ang asawa ngunit hindi naman sila umaabot sa punto na nagkakasakitan. Si Mommy lang ata ang nakita kong nangungurot o nananabunot kay Papa minsan kapag naiinis ito rito... Nakarating kami sa lugar ni Lisa nang mga alas tres ng hapon. Excited na excited kami ni Loana nang makababa ng kotse. “Kuya, rito na lang po muna kayo sa kotse. Diyan lang naman po kami sa bahay na iyan, e.” Tinuro ko ang bahay ni Lisa na may mga bisita at tugtugan. Hindi rin mawawala sa isang kasiyahan ang karaoke. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maingay na lugar. “Pero, Ma’am, hindi maaari,” pagtutol ni kuya Ricky na ikinanguso ko. Umiling ako rito at ngumiti. “Hindi na po talaga, kuya. Diyan lang kami sa loob. Wala naman po akong balak na takasan kayo, e. At saka kasama ko naman si Loana at Lisa roon,” giit ko na ikinabuntong hininga nito. Tutol ang mga tingin nito ngunit tumango pa rin siya at pumasok na sa kotse. Doon ay tiningnan niya ako mula sa nakabukas na bintana. Kumaway pa ako rito bago ako hilahin ni Loana papasok. Paglampas namin sa gate ng bahay ni Lisa ay nadaanan namin ang grupo ng mga kalalakihan na tingin ko ay may mga edad na, nag-iinuman ang mga ito...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook