Story By SGirl
author-avatar

SGirl

ABOUTquote
I started writing when I was 12 WP: DuchessVenus GN: SGirl FB: Duchess Venus WP STORIES: ♡The Innocent (COMPLETED) (PTR) ♡Love and Obsession (COMPLETED) ♡The Criminal (COMPLETED) (PTR) ♡Dark and Dangerous (COMPLETED) ♡Caught by Love (COMPLETED)
bc
Love and Obsession
Updated at Jun 13, 2025, 02:09
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam, nagmamanman na pala ito sa ina niya na wanted na sa lugar nila upang dakpin. Ngunit hindi lang ang ina niya ang gustong bantayan ng pulis, dahil pati siya ay tinrabaho nito. Alam ng lalaki ang kahinaan niya kung kaya't sinilaw siya nito sa karangyaan, hanggang sa hindi niya na namamalayan na ang buhay na tinatahak niya ay papunta na pala sa kapahamakan. Papaano pa nga ba siya makakaalis sa bisig nito kung markado na siya nito at nagbunga na ang pagpapa-uto niya rito? Papaano niya pa maisasalba ang sarili niyang ina na ayaw niyang papanagutin sa batas, kung ang lalaking umangkin sa kaniya ay isa palang alagad ng batas? WARNING: Mature content. Read at your own risk. NOTE: You can read the full story of Love and Obsession on Novelah, StoryOn, and Finovel.
like
bc
Caught by Love
Updated at Jul 28, 2023, 06:11
Maria Veronica Montehermoso and Gabriel Marquez
like
bc
Dark and Dangerous
Updated at Mar 29, 2023, 19:52
Bata pa lang ay tampulan na ng tukso si Sweet dahil sa pagiging chubby niya at morena. Papaano’y babad lagi sa araw dahil sa pagtulong sa palayan na pinagtatrabahuan ng ama niya—na pag-aari ng pamilyang Montehermoso. Tumutulong din siya sa ina niya sa mga gawaing bahay na isang kasambahay naman ng magpamilya. Kahit sino ay nagsasabi na mabuti siyang bata kahit pa madalas tinutukso at sinasaktan. Isa na sa mga nananakit ng damdamin niya ay ang binatang anak ng pamilyang pinagtatrabahuan niya—si Evan Jackson na talagang gustong-gusto siyang paiyakin dahil hindi siya gumaganti. Hanggang sa isang araw, nalaman ng lahat ang diary niya na naglalaman ng lihim niyang pagkagusto sa isa sa mga pinsan ni Evan na si Alessandro—at dahil iyon kay Evan na sinadya siyang pahiyain sa maraming tao. Alam naman niya na hindi na maaaring gustuhin pa ang lalaki dahil may babae na sa buhay nito, ngunit nais niya lang namang kumuha ng inspirasyon araw-araw para ngumiti at kiligin dahil hindi niya pa danas na may lalaking magka-crush sa kaniya. Ngunit lahat ng  lihim niyang nararamdaman ay kumalat dahil sa isang tarantadong Evan. Hindi niya masukat kung gaano kabigat ang kahihiyan na natamo niya dahil doon. Dinagdagan pa ng insecurities niya sa katawan, mga masasamang alaala at panunukso sa kaniya sa murang edad ay muntik na siyang mawala sa katinuan. Ni hindi na niya kinaya pa ang lahat ng sakit na nararamdaman, kaya sumama siya sa Tita niya na balak siyang ipagamot sa Manila. Doon na siya nagdalaga at pinilit na kinalimutan ang mga tao na nanakit sa damdamin niya. Ngunit kahit na anong gawin niyang pagkalimot sa bangungot ng nakaraan at pagbabago sa pisikal na hitsura ay pilit pa rin siyang hinahabol ng bangungot na iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niya nang bumalik pa sa probinsiya na kinalakihan niya, ni dalawin man ang pamilya niya. Ayaw niya nang masaktan pang muli dahil sa mga naiwan niyang alaala sa mga tao roon. Nahihiya siyang kantiyawan muli tulad noon.  Masaya na siya sa buhay niya sa Manila kahit pa nagtatrabaho siya bilang nanny at katulong ng tiyahin niya bilang suporta sa sarili at pag-aaral. Hanggang sa isang araw ay nakita niya na lamang ang sarili na nasa probinsiya nila para sa tatay niyang biglaang namayapa dahil sa sakit at katandaan. Isang linggo lamang dapat iyon na bakasyon para sa isang linggong burol ng tatay niya, ngunit nakita niya na lamang ang sarili na na-trap na sa lugar na iyon dahil sa lalaking nagkagusto na pala sa kaniya. Nilinlang siya nito at inisahan, mapanatili lamang siya roon. Ngayong nasa ilalim na siya ng kabaliwan nito, hindi na niya alam ang gagawin upang makawala. “... there’s only one thing I’m sure of, you can’t escape the madness of this man in front of you...” His love, his madness...
like
bc
The Innocent
Updated at Oct 21, 2021, 05:58
Marumi kung gumalaw ang tiyuhin ni Kirsten, na isang Mayor sa lugar nila, kung kaya't nang malaman ng panig nito na binabantayan na pala ng mga police ang Mayor ng siyudad nila ay inutusan niya ang dalaga upang pa-ibigin ang binatang si Dark, na isang police chief sa lugar nila, upang maisalba ang nanganganib nang tiyuhin. Ngunit dahil sa kalambutan ng puso niya ay naisip niyang hindi niya magagawa iyon. Pero tadhana nga naman, ang binata pa ang lumapit sa kaniya—na malala ang pagkagusto sa kaniya. Ngayon ay papaano niya matatakasan ang magulong mundo na ginagalawan niya?
like
bc
The Criminal
Updated at Sep 24, 2021, 05:26
Isang treinta y cinco años na ang dating preso na si Lucario, na ngayon ay gangster sa kanilang lugar. Aniya, siya ang hari sa kanilang lugar dahil siya lang naman ang pinaka kinatatakutan ng mga tao roon, sila ng mga ka-tropa niya. Wala na sa isip niya ang mag-asawa pa dahil aniya’y wala nang papatol sa kaniya, sira na ang buhay niya at wala nang magkakagusto pa sa isang tulad niya na barumbado. Ngunit nang dumating ang isang dalaga na pumukaw sa atensiyon niya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa isang babaeng ang edad ay higit na mas bata sa kaniya. Dalawampu’t isang taong gulang at maayos ang buhay, malayong-malayo sa estado ng buhay niya, sa magulong buhay niya. Humantong ang pagkagusto niya sa dalaga na halos ayaw na niyang maalis ang paningin dito. Nababaliw siya at natutuliro. Ngunit ang problema niya ay ang pamilya nito, ayaw sa kaniya ng pamilya ng dalaga. Kaya naman ay umalis sila ng lalawigan at nagtanan. Doon ay lumago ang kanilang pagmamahalan. Ngunit may naging dahilan ang dalaga upang lumayo rito. Galit ang naramdaman niya dahil sa napagtanto sa lalaki. Nagkamali siya ng lalaking inalayan ng sarili. Pero makalipas ang panahon ay bigla na lamang itong sumulpot sa harap niya. Hinihiling nitong makita’t makasama ang anak na itinakas niya mula sa lalaki. Ngunit hahayaan niya bang papasukin itong muli sa buhay nila ng anak niya, gayong alam na niya ang tunay na kulay nito?
like