Thylane Napanguso ako sa sinabi nito. Nilunok ko muna ang kinakain bago ito sagutin. “Base sa mga balita na naririnig ko, kahit sino ay nalulusutan mo at nagagawan mo ng paraan. Bakit ang bahay namin ay hindi mo madali? Naroon lang naman ako at naghihintay sa iyo noon dahil hindi ako makalabas,” nakanguso kong wika. Natawa ito at muli akong sinubuan. “Kung alam mo lang, may takot ako sa tatay mo. At nakokonsensiya naman ako sa ina mo lalo na kapag nakikita ko kayong magkasama. Umuurong ako sa plano kong kunin ka sa mismong bahay n’yo. Pero kanina na sobrang lapit mo na sa akin ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tuluyan kang kunin...” Tahimik lamang ako habang sinusubuan nito. Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi nito, pero biglang nangati ang bibig ko na itanong ang tungk

