KABANATA 1:

1658 Words
KABANATA 1: ISANG NAKABIBINGING KULOG ang nagpahinto ng paninigarilyo ko. Agad ko iyong initsa sa sahig at inapakan gamit ang suot kong high-heels. Pagkatapos ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng Strip Club para magtago sa dressing room. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng kwarto, muli na namang kumulog at sa pagkakataong ito, may kasama nang kidlat. Bata pa lang ako, takot na ako sa kulog at kidlat. Hindi ko alam ang dahilan pero ang sabi ni Mama, since birth na raw iyon. Sanggol pa lang ako kapag umuulan kinakabahan na si Mama dahil magdamag akong iiyak lalo kapag kumulog at kumidlat. Ang daming kwento ni Mama tungkol sa pagkabata kong puro kaartehan. Maarte ako sa gatas, maarte ako sa diaper, maarte sa sabon at kung ano-ano pa na hanggang sa paglaki ko ay dinala ko na. Napuno tuloy ako ng pangongonsensya ni Mama kaya ang ending, sinunod ko ang pangarap niyang maging Star ng Strip Club. Ito na, ako na ang Star pero sa ngayon, magtatago na muna ako sa ilalim ng lamesang narito sa dressing room dahil hindi ko maatim ang punyetang kulog at kidlat na iyan. Muling umalingawngaw ang kulog sa labas kasunod ng mararahas na pagbagsak ng tubig-ulan. Wala akong magawa kundi ang takpan ang tenga ko habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at pumasok ang sigurado ako kung sino—si Dix, isa sa mga naging kaibigan ko na rito sa Reddish Strip Club. Makita ko pa lamang ang binti at paa niya, alam kong siya na iyon. “Val, ano nang nangyayari sa ‘yo r’yan?” tanong ni Dix. Imbes na sagutin ang tanong niya’y muling umalingawngaw ang kulog kaya naman mas isiniksik ko ang aking sarili sa pader, sa ilalim ng lamesa. Napapikit ako sa kaba, at takot. Ilang saglit pa ay may humawak sa aking binti na nagpadilat sa akin. Nag-aalalang mukha ni Dix ang naabutan ko, hawak niya ang cellphone at airpods ko. Nanginginig at nagmamadali kong kinuha ang airpods at inilagay sa aking tenga. Naghanap ako ng kantang bibingi sa akin imbes na ang kulog at kidlat. Nang mag-angat ako ng tingin kay Dix, I smiled at him and then mouthed thank you. Siya ang knight in shining abs ko. Walang armor, abs lang dahil doon naman siya kilala. Sa Strip Club na ito, si Dix ang pinaka-close ko. Kahit na minsan ay napagkakamalan kaming magkarelasyon, wala kaming pakialam. Our relationship is genuinely pure friendship. Nang sa wakas ay kumalma na ako, agad akong nag-ayos para sa next show ko. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at pants, at ang natira’y pang-ilalim. Sa harap ng salamin ay ang sarili kong ang tanging suot lamang ay ang panloob. Ang pulang bra at panty na may laces ay bumagay sa maputi kong kulay. Makinis din ang alagang-alaga kong balat, walang kahit isang kagat ng lamok o peklat. Hindi kasing laki ng ibang boobs ang sa akin pero tama lang para masakop ng buong palad. At sa pag-angat ko ng tingin sa salamin, makikita ang maamo kong mukha; maamo pero wild sa kama. Effortless na nilagyan ko ng lipstick ang manipis kong labi at naglagay lamang ng foundation. Hindi ko na kailangang sobrahan ang lagay ng make-up dahil iyon ang gusto nila—natural. Matapos magsuot ng make up ay itinali ko ang mahaba at bagsak kong buhok sa tuktok ng aking ulo bago isinuot ang pulang stiletto na isang taon ko na yatang ginagamit. Tuluyan na akong lumabas ng dressing room, sa paglabas ko’y likod ng stage agad ang naabutan ko. Naroon na ang ilang stripper, nagsusuot ng jacket na disguise namin ngayong gabi. Inalis ko ang airpod sa kabilang tenga ko at isiniksik sa loob ng aking bra para kahit papaano ay marinig ko ang mga kasamahan ko. “‘Te, kaya mo bang sumayaw? Namumutla ka pa!” bungad na sabi sa akin ni Rina. “Sasayaw s’yempre, okay naman na ako…” sagot ko. Kahit na papaano ay nahimasmasan. Sa dalawang taon kong pagiging stripper dito sa club, alam na nilang may malaking takot ako sa kulog at kidlat. Minsan ay ginusto na akong paalisin ng manager dahil noong umpisa ay hindi ko kinakaya sa t'wing umuulan pero hindi niya ako magawang paalisin. Isa sa dahilan ay Star Stripper nila ako at malaki ang kita ng club sa akin. Nagsuot lang din ako ng jacket, ilang saglit pa ay pinalabas na kami ng host. Naunang lumabas si Rina at Sazha sa may stage dahil ako ang huling lumalabas. Agad bumalot sa tenga ko ang hiyawan ng mga lalaking wala pa man din ay libog na libog na sa sayaw nina Rina at Sazha. Nakakadiri, oo. Pero ito ang trabahong mayroon ako. Ilang saglit lang at nang tumunog na ang chorus ng kanta’y lumabas na ako at kumendeng sa saliw ng musika. Ang nakasisilaw na liwanag na galing sa taas ng stage ang bumungad sa akin. I started to strip down the jacket and all the men inside the club groaned after seeing my cleavage. Marahang gumiling ako habang marahang inaalis ang jacket, inaakit ang mga lalaking nagbayad ng malaking pera para lang mapanuod ako ngayong gabi. “Hubarin mo na ‘yan, Star! Gusto na naming makita ang sexy mong katawan!” Sigaw ng isang regular customer na agad kong kinindatan. Kahit naman hindi pa ako maghubad, parang hinuhubaran na rin naman nila ako sa paraan ng kanilang panunuod sa akin. Tumuloy ako sa pagsasayaw habang si Rina at Sazha ay tinulungan na akong alisin ang suot ng jacket. Malakas na hiyawan ang pumailanlang sa aking tenga kasunod ng paghaplos ko ng aking dibdib pababa sa aking tiyan saka umupo para ipagitan ang aking mga hita. At nang tumingin ako sa audience, isang mapang-akit na mga mata ang naabutan kong titig na titig sa akin. Iyong mga mata niyang nakapapaso kung makatingin. “Bago yata ‘yang nasa audience, iyong naka-clean cut at business suit?” marahang bulong ni Rina nang dumikit siya sa akin. Marahang tumayo ako at pinaglandas ang mga kamay sa aking hita saka pumihit kay Rina at hinawakan ang kanyang balikat. “Hindi ko alam, ang gwapo at mukhang mabango,” sagot ko. “Nakatingin nga sa ‘yo, girl! Kainggit!” she giggled. Hindi ko pinalampas ang pagkakataong iyon, muli akong humarap sa audience at tumitig sa lalaking iyon, hawak ang bote ng whiskey sa kanyang kanan at baso naman sa kabila. Titig na titig pa rin siya, parang lulusawin na ako. Unti-unti akong nag-init, unti-unting mas ginanahang galingan para sa kanya. Tumalikod ako’t nag-umpisang i-angat baba ang aking pang-upo, ganoon din si Rina at Sazha. We twerk at the music and then split our legs in the end. Hiyawan at palakpakan ng audience ang narinig naming lahat bago ako humarap muli at nakitang kinakausap na niya ang isang waitress. Sayang! Bibigyan ko sana siya ng matamis na flying kiss! Hindi ko na nahintay pang lumingon siya sa akin dahil hinatak na ako ni Sazha palabas ng stage, tinatawag na raw kami ng manager. Pagpasok sa backstage, inabutan ako ni Manager Mima ng papel. Siguradong doon nakalista ang pangalan ng mga lalaking gustong mag-table sa akin ngayong gabi. “He paid for your whole night, swerte mo ngayong gabi, hindi matandang hukluban,” natatawang ani Manager Mima. Nginitian ko na lamang si Manager Mima saka tiningnan ang nakasulat sa papel—table 5, Gideon Kit Ibarra. Agad akong pumasok sa dressing room para magpunas ng pawis at magbihis ng sexy'ng damit. Mabuti na lang at huminto na ang kulog at kidlat… “Putangina naman! Bakit si Lolo Jones na naman! Naiinis na ako, gabi-gabi na lang niya akong kinukuha!” reklamo ni Sazha. “Tiisin mo na lang, malaki naman ang bigay sa ‘yo, e!” sagot ni Rina, natatawa-tawa pa. “Nakakasuka na kasi. Bakit ba libog na libog pa rin ang matandang iyon kahit amoy lupa na?” naiiritang sabi ni Sazha. “Hirap na hirap na nga kaming patayuin ang kuluntoy niyang t**i!” “Sazha!” saway ko sa kanya. “Tiisin mo na lang, at least parang wala lang ding pumapasok sa ‘yo!” pang-aasar ko sa kanya at saka humagalpak ng tawa. “Sige pagtulungan ninyo ako, kapag kayo ang nakakuha ng matandang hukluban, tatawa rin ako!” “Safe daw ako ngayong gabi sabi ni Mima, hindi raw matanda, at binayaran ako para sa buong gabi!” “Swerte! Pahingi naman ng ganda kahit kaunti lang!” Si Rina na abala sa pagsusuot ng hikaw. “Dyoga lang ang mayroon ako!” “At least mayro’n, kaysa wala!” sabi ko sabay kindat. Nagsuot ako ng isang tube slit dress na kulay gold at lagpas lang ng tuhod ko, pinartner-an ko iyon ng simpleng itim na gladiator heels. Saka ako lumabas ng dressing room papunta sa customer na sinasabi ni Manager. Tinatawag ako ng ilang customer na naroon pero iniilingan ko lamang at sinasabing hindi ako pwede dahil may nag-book na sa akin buong gabi. Hawak ang papel ay hinagilap ko ang number 5. Namilog ang aking labi nang makita kung sino ang table number 5. Bakit ngayon ko lang na-realize? Nilukob ng kaba ang aking dibdib nang hawakan ko ang matipuno niyang balikat, nakatalikod pa sa akin. At nang humarap siya’y tuluyan na akong nangilabot sa gandang lalaki niya. He has a good boy look but I hope he's a bad boy in bed. “Hi, are you Sir Gideon Kit Ibarra?” I asked. Mas lalo akong nag-init nang bumagsak ang kanyang mata sa dibdib kong kita ang hiwa. Lust rushed through his brown eyes before he looked up to see my face again. “Y-yeah,” he cleared his throat. “Have a seat, and drink with me.” Ewan ko ba, pero sa paraan ng malamig na pananalita niya, parang hindi naman niya ako balak ikama. Pero… sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD