bc

Contract With Mr. Virgin [R18+]

book_age18+
15.6K
FOLLOW
63.5K
READ
submissive
badgirl
self-improved
CEO
bxg
humorous
lighthearted
brilliant
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

"BE MY EXCLUSIVE bed warmer for three months and I’ll pay you a million.”

Umiikot ang mundo ni Gideon sa walang kamatayang pagtatrabaho. Bilang isang C.E.O ng isang malaking kumpanya, malaki ang kanyang responsibilidad at hindi maaaring basta niya na lamang itong pabayaan. Ngunit isang gabi habang abala sa pagtatrabaho’y nabalitaan niyang namatay ang isa sa kanyang kaibigan na ka-edad niya pa lamang. That’s when he realized that something in his life is missing—he had everything but he doesn't have happiness. And he’s still virgin at the age of 32!

That's when he accepted his friend’s invitation to go to a Strip Club. Matagal na siyang niyayaya ng kanyang kaibigan, ngunit dahil busy siya sa sandamakmak na trabaho, ilang beses niya itong tinanggihan. Sa gabing iyon ay mapapanuod niyang sumayaw ang isa sa pinakamagaling na stripper ng Club—si Valerie.

Si Valerie na s*xy, maganda, makinis at nakakaakit. Maraming ganoong klaseng babae sa Club na iyon ngunit kakaiba ang ningning ng ganda at karisma ni Valerie. Hindi niya natiis ang alindog nito.

Ilang gabi siyang nagpapabalik-balik sa club para lang panuorin ang dalaga, walang lakas ng loob na bilhin ang gabi nito kahit na tini-table niya naman at kinakausap. Valerie's way of talking is comfortable, relaxing and he finds peace whenever he’s with her.

Until he came up with an idea. He was determined to taste Valerie’s pleasure at the same time, to know how s*x works. That's why he made a contract.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
PROLOGUE: “BE MY EXCLUSIVE bed warmer for three months and I’ll pay you a million.” Napasinghap ako sa biglaang sinabi ni Sir Gideon. Hindi ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Ilang beses pa lang siyang pumunta rito sa Strip Club at ilang beses pa lang niya akong na-i-table at nakausap pero ganito na kaagad ang offer? Ni hindi niya pa nga ako natitikman! Natural naman na bayaran niya ako dahil iyon naman talaga ang trabaho ko, pero isang milyon para sa s*x? O baka mali lang ang pang-intindi ko? “Teka Sir, pwede po bang paki-tagalog? Baka hindi ko lang naintindihan.” Marahan siyang tumikhim bago naglakad palapit sa akin. Makisig at maganda ang tindig ng paraan niya ng paglalakad. Habang mas papalapit siya, mas lalo ko lang nakikita kung gaano siya kagwapo, kung gaano kaamo ang kanyang mukha. Matipuno ang katawan at mukhang alaga ng gym. Kung titingnan siya, parang wala sa itsura na kaya niyang gumawa ng masama. At sa kama, for sure na gentleman siya! “Kung pwede ka bang maging exclusive…” papahinang sabi niya. Ako naman itong nakanganga, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Ano Sir? Exclusive na ano po?” “Sa tatlong buwan… babayaran kita ng isang milyon,” sagot niya, nag-iwas pa ng tingin. Unti-unting namula ang magkabila niyang pisngi na para bang ikinahihiya niya iyon pero kailangan niya pa ring sabihin. “Exclusive puta ba, Sir?” Umangat ang kilay niya sa tanong ko, even his lips parted. Saglit niyang hindi na-i-proseso ang lumabas sa aking bibig. Sa bagay, sigurado akong hindi niya niya inaasahan ang bulgar at diretsahang pananalita ko. E puta naman talaga ako. “Y-yes… if that’s the term you want,” sagot niya. “Papayag ka ba?” Umikot ang mga mata ko. Masyadong too good to be true ang offer niyang iyan. Sinong maniniwala? If I know, baka gusto lang niyang makalibreng totnak sa akin tapos tatakasan ako once tapos na! Hindi niya ako maloloko, bobo ako pero hindi ako tanga! “Paano naman ako makasisigurong babayaran mo ako?” dagdag na tanong ko. “I can send you a down payment right now. What about 100k?” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Weh? ‘Di nga? Sinong tangang mayaman ang magbabayad ng 100k kahit hindi pa naman talaga nag-se-s*x?” Napasinghap siya’t gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kinilig naman naman ako roon. Ang gwapo niya! Kahit hindi siya iyong tipo ng lalaking bet ko, ang gwapo pa rin. Imagine-in ko pa lang na makaka-s*x ko siya sa loob ng tatlong buwan tapos may bayad pang isang milyon. Hulog ng langit! Ang tanong, totoo ba? “Mukha ba akong hindi seryoso?” Inilahad ko ang kamay ko. “Sige nga, nasaan ang 100k?” Dumukot siya sa kanyang bulsa at inilabas ang cellphone. Mula roon ay nagtipa siya saglit at tinanong ako kung anong bank account details ko. Ako naman itong ibinigay kaagad, s’yempre baka totoong pera na. Ayaw ko namang maging bato pa! Ilang saglit lang ay tumunog na mula sa dala kong purse ang cellphone ko. Nagmamadali ko naman iyong kinuha at binuksan, nakita ko ngang na-send-an niya ako! “s**t? Sinend-an mo talaga ako?!” bulalas ko. Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan siya sa mga mata. Maging ang kulay light-brown niyang mga mata ay nakakaakit… Teka nga, bakit ba gusto nito ng bayarang babae? Pumameywang ako. “Ang dami-daming mayayaman at magagandang babae d’yan na pwede mong maging s*x buddy, bakit ako? Hmm! Siguro crush mo ako ‘no? Ganda ko ba?” “Oo maganda ka,” sagot niya. Natahimik ako't bahagyang nahiya. Sanay na akong palaging sinasabihang maganda pero bakit ngayong siya ang nagsabi parang nakiliti ang kaibuturan ng kasingit-singitan ko? “So crush mo ‘ko?” “Hindi.” “E bakit mo ako in-o-offer-an ng isang milyon para maging ka-s*x mo for three months?” Marahas na buntong-hininga ang isinagot niya. Bakas sa kanyang mukha na para bang nahihirapan siyang sabihin sa akin kung ano man ang problema. Napailing ako at iniwasan siya, dumiretso sa sofa na nasa likod niya lang. Nasa loob kami ng VIP room ng Strip Club na pinagtatrabahuan ko. Isa akong bayarang babae sa lugar na ito; madalas na stripper ako pero kapag may lalaking kayang bayaran ang isang gabing talent fee, pinapatos ko na rin. Mula kasi noong napadalas at gabi-gabing may nagbabayad para sa akin, tinaasan na ng manager ang presyo ko. Kapag patok, s’yempre dapat mas mahal! At mukhang isa si Sir Gideon sa nabingwit ng ganda ko. Nang humarap siya sa akin, mukhang desidido na siyang sabihin ang totoong dahilan niya. Wala naman siyang choice kundi ang sabihin. Hindi naman ako papayag sa gusto niya kung wala akong alam! Aba, bayaran ako pero maingat din naman 'to, 'no! “Kailangan kong malaman ang dahilan mo, Sir, dahil hindi ko alam. Baka mamaya may nakakahawa ka palang sakit, masira pa ang career ko sa ‘yo!” “Wala akong sakit at bago tayo mag-umpisa, pareho tayong magpapa-check up and get a medical record that we’re both clean–” “E ano nga pong dahilan?” Naitikom niya ang kanyang bibig, saglit na dinilaan ang pang-ibaba niyang labi. Imbes na sagutin ako’y naupo siya sa katapat kong sofa, ipinatong ang magkabila niyang siko sa ibabaw ng kanyang mga hita saka pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “I… am a virgin,” he replied. “Huh?” Natulala ako. “Do I have to repeat myself?” tanong niya sa nahihiyang tono. Marahan kong naitakip ang kamay ko sa aking bibig habang nakatitig sa kanya nang hindi makapaniwala. Oh my God, ilang taon na ba ang lalaking ‘to? “Paanong virgin ka pa? Totoo? Ilang taon ka na ba? Sa gwapo mong iyan, wala ba talaga kahit na isang beses?” sunod-sunod at kuryosong tanong ko. Ji-no-joke time yata ako ng lalaking ‘to! Parang napaka-imposible naman yata na hindi pa niya nagagawa iyon sa tanang buhay niya. Ang babae siguro, kayang makatiis na walang gano’n pero ang isang lalaki kagaya niya? Mayaman, matalino, mabango at gwapo, pero virgin? Hindi ako naniniwala! Babae na nga yata ang lumalapit sa kanya, for sure! “That’s my problem. Hindi lang din tungkol sa pakikipags*x ito. To be honest, I need to hire you to tutor me on how to do… that.” “Tuturuan kitang… makipags*x?” Tumango siya. “Alam kong mahirap para sa iyo ito. If you don’t want, there’s nothing I can do with it…” “Kapag exclusive ako, hindi ako pwedeng magtrabaho dito sa club?” “No… for three months.” Masyadong malaki ang bayad sa akin sa loob lang ng tatlong buwan, isang milyon na kaagad ang kikitain ko. Malayong-malayo sa kita ko rito sa Strip Club. Sa isang milyon, marami na akong mabibili roon, kahit ang ipaayos ang nabubulok naming bahay, magagawa ko na… “Sige… papayag na ako,” sagot ko. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya kasunod no’n ay ang paglabas niya ng isang envelope mula sa suot niyang coat. Nabigla ako lalo na nang ilapag niya iyon sa lamesang nakapagitan sa aming dalawa. At dahil nga nabibigla, ni hindi ko na binasa ang mga nasa kontrata. Pinirmahan ko na iyon at dali-daling nag-angat ng tingin sa kanya. “Hindi mo man lang ba babasahin?” “Hindi na! Ang haba-haba ng mga nakasulat, hindi ko rin naman ‘yan ma-ge-gets! Sino pa bang nagbabasa ng kontrata sa panahon ngayon? Sure naman ‘to ‘di ba?” “Yeah…” sagot niya sa nag-aalangang tono. “So…” “Huh?” takang tanong ko. “Ah? Umpisa na ba?” Tumaas ang kilay niya, mukhang hindi yata ako na-gets. Imbes na hintayin ko pa siyang ma-gets, tumayo na ako mula sa sofa at lumapit sa kanya. Namilog ang kanyang mga mata nang agad na sumampa ako sa kandungan niya at pinakatitigan ang gwapo niyang mukha. “Proceed to lesson one na po ba tayo, Sir?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook