Chapter 33 Maria I took a taxi at agad na ring nagpahatid sa subdivision. I don’t want to go home yet. Naglakad-lakad ako hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo at paninikip ng dibdib, nanginginig kong kinuha ang inhaler ko sa bag saka nag spray ng dalawang beses. I calmed my breathes at umupo ako sa swing saka sinimulang pagalawin iyon. Yumuko ako para hayaan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. Bakit ang sakit? Bakit ganito? Pinikit ko ang mga mata ko matapos maramdaman ang malakas na pag-ihip ng hangin. Si Yuki at si Toffer... Malinaw na sa akin kung bakit...bakit ganoon ang trato niya sa akin, kung para saan yung kwentas, kung bakit lagi na lang siyang late umuwi, kung bakit siya laging nagagalit kung tatanungin ko siya tungkol kay Yuki, kung bakit kumakapit ang paban

