Chapter 32 Maria Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Toffer, lagi na lang siyang late umuwi at laging tapos ng kumain sa labas. Pinilit kong magpakatatag sa nararamdaman ko, oo inaamin ko na nasasaktan ako, nalulungkot sa tuwing ipaparamdam ni Toffer na para lang akong hangin dito sa bahay, nagpapasalamat na lang ako dahil dumating si Terrence. Kahapon din dumating ang mga gamit ni Terrence para sa school, sabay siyang papasok sa akin ngayong araw, doon sa may grade school department na nasa kabilang campus na di naman kalayuan sa college department, sabi ni Anna magkaibang gate lang daw kaming papasukan. Isinuot ko ang powder pink na dress na inihanda ni Anna para sa akin, yun yung binigay sa akin ni Mommy nung binisita namin siya sa office. Kasama ng damit yung sapatos na flats

