Chapter 25 Maria “PANGET!” napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon, itinabi ko ang cellphone ko at inilapag sa ibinaba sa bed side table “BUKSAN MO DALI!” katok niya saka ko pinihit ang door knob “ANO PANG GINAGAWA MO?” tanong niya sa akin matapos tignan mula ulo hanggang paa, mamaya na kasi yung party at wala pa akong nagagawa sa sarili ko, kanina pa rin ako kinakabahan at hindi pa tumawag si Ina at Ama. “A-Ah kasi inaantay ko ang tawag ni Ina at Ama...” sagot ko sa kanya at lalo siyang sumibangot. “Andoon na rin sila mamaya, wag mo ng hintayin ang tawag nila, magkikita rin kayo doon, kumilos kana nga!” naiirita niyang sabi atsaka siya napatingnin sa kama ko kung saan magkatabi yung couple bear na binigay niya “Katabi mo sila matulog?” tanong niya sa akin at ngumiti ako “S-Sige..

