Chapter 24 Maria “Talaga?” tanong ko kay Grant matapos niyang sabihin kung anong klaseng trabaho meron siya, nasa convenience store kami, nilibre niya ako ng hotdog sandwich at soda “Edi masaya ka sa buhay mo ngayon?” tanong ko at saka ngumiti, walang gaanong tao ngayon dito dahil mag aalas sais na ng hapon. “Oo kasi nagagawa ko ang gusto ko...” simpleng sagot niya saka ngumiti, tinanggihan ko siya kaninang umaga na lumabas pero mas nalulungkot ako kung ibuburo ko lang ang sarili ko sa loob ng bahay, tapos na rin kasi ang pag-aaral ko kasama si Anna, nagpaalam akong maglakad lakad at ito nga nakasalubong ko si Grant at inaya niya ako dito. “Buti ka pa...” sagot ko saka natingin sa mga pagkaing nasa harap namin. “Bakit ikaw ba? Anong gusto mong gawin?” ngumiti siya. “Marami, gusto kon

