Chapter 23 Maria “Ma’am ito po,inumin niyo na ng tuluyan na kayong gumaling...” pakiusap sa akin ni Anna matapos ibigay ang huling gamot na nireseta sa akin ng Doctor, maayos na ang pakiramdam ko sa totoo lang, ilang araw akong nagkulong dito sa kwarto at ilang araw ko na ring di kinakausap si Toffer, oo galit ako sa kanya! Sobra siya! Gusto niya siya na lang lagi nakakalamang! “Salamat Anna...” bulong ko at ngumiti sa kanya, inabot sa akin ni Anna ang isang maliit na box, ngumuso ako saka kumunot ang noo bago inabot iyon “Ano ito?” tanong ko at napangiti ng makita kung ano ang laman nun, isa siyang four-inches choco-strawberry cake “Wow, kanino galing kay Toffer ba? Peace offering ba niya ito? Huh Anna?” tanong ko saka kinuha ang strawberry na nasa ibabaw nun. “A-Ah Ma’am galing po ka

