"Sabina!" Narinig kong malakas na hiyaw ng isa sa mga yaya nito. "Stop na uy! Isumbong ta gid sa imong daddy!" Sabi naman ng isa pa. Napapailing na lamang ako habang naglalakad palapit sa komedor, kung saan ko naririnig ang ibat ibang ingay. Ano naman kaya ngayon ang ginawang kalokohan ng batang ito? "Go! Tell to my dad so he go home!" Pasigaw na tugon ng munting boses ni Sabina. She's now four years old, ang bilis ng panahon parang kailan lang ay mosmos pa ito ng iwan ni Cassandra. Ni walang alam na salita at puro iyak lamang ang kayang gawin. Ngayon sa edad nitong apat na taon ay napaka advance nito mag isip at kumilos. Kahit sa eskwelahan ay hindi ito nahuhuli sa klase. Kaya kasama ito sa mga batang nasa advance class. Ngunit habang lumalaki ito ay nagiging makulit at pasaway. Lalo n

